Kabanata 10

2.3K 37 0
                                    

Kabanata 10

Hindi ko na tinawagan si Papa ng umuwi ako. Hinatid kase ako ng bebe ko.

Hay! Sana palagi na lang ako may sakit para ganon si bebe ko! Charizz!

"Are you hungry?" He asked. Nandito kami sa loob ng sasakyan nila.

"Sa bahay na ako kakain." Nakasandal ako sa balikat niya.

"Manong Ino, daan po muna tayo sa drive thru dyan sa Mcdo." Tumango ang driver sa amin at nag drive sa malapit na fastfood chain.

"Ako na lang bababa. Ano bang gusto mo?"

"Kahit ano na lang. Kung ano iyo ganon na kang din ako." I shrugged my shoulder.

"Hello, God afternoon! What's your order?"

"Three Coke, three chicken nuggets with rice and three ice cream. May gusto ka pa bang idagdag?" Umiling ako at niyakap ang sarili ko.

Shuta! Lamig na lamig na ako! Nanghihina na din ako!

Inulit ni Manong Ino ang order at nag patuloy sa kuhanan ng order.

"Babayadan ko ang akin." Bulong ko. He shook his head and took money out of his wallet and gave it to to Manong Ino.

"Pakihinaan nga po ang aircon, Manong. Nilalamig po kase si Honey." Tumingin sa akin si Manong Ino mula sa rear view mirror.

"Mukhang may sakit ka, hija. Namumutla ka." Pinatay niya ang aircon. Ngumiti ako at tumango.

"Naulanan po kase ako kagabi kaya biglang nilagnat."

"Nako, uso talaga ang sakit ngayon hija! Mabuti pa ay dumaan tayo sa malapit na botika at bibilhan kita ng gamot sa lagnat. Pagtapos kumain ay inumin mo." Ngimiti ako ng pilit.

Tumango naman si Eros, "May malapit na botika po sa bahay namin, Manong. Doon na lang po tayo bumili." Tumango si Manong. Saglit na lang ang hinintay namin at kinuha na namin ang order.

Nag maneho na si Manong, pauwi. Pumikit ako at niyakap ang braso ko ng mahigpit.

I felt Eros's arm encircled on my waist. He hugged me from behind to keep me warm.

"Nandito na po tayo, Ma'am. Sir." Inayos ko ang upo ko at kinuha na ang bag ko.

Lumabas si Eros sa sasakyan at inalalayan ako pababa.

"Wait me here, I'll buy you medicine." Tumawid siya at bumili sa botika.

"Hija, pasok ko muna dito at baka matagalan si Sir." Tumango ako at pumasok.

"Boyfriend mo ba iyan si Sir?"

"Hindi pa po."

"Ay, nako! Ang bagal naman pala ni sir!" Natawa ako at umiling.

"Nililigawan ko po si Eros, Manong. Ang tagal ako sagutin. Lakad mo naman ako, kuya!" Tumawa siya at tumango.

"Oo ba! Bagay na bagay kayo ng amo ko! Ang bait bait mo!" Dumating na si Eros na may bitbit na puting plastic. Binigay niya iyon sa akin.

"Bye!" Tumingin ako kay Manong Ino at kumaway sa kaniya.

"Ba bye po, Manong Ino! Honey na na lang po tawag niyo sa akin sa susunod! Ingat po!" Tumango ito at ngumiti. Humalik ako sa pisngi ni Eros at pumasok na sa loob.

Dumiretso ako sa amin, pag pasok ko ay walang tao. Pumasok na sa trabaho si Papa, habang pumasok sa school ang dalawang kapatid ko.

Dumiretso ako sa kwarto ko, nag palit ako ng damit at nahiga sa kama.

Castellan Series 2: Honey Mae CastellanWhere stories live. Discover now