Kabanata 1
"Ano ba yan, Honey! Ang layo ng building natin sa engineering building tapos dito tayo tatambay? Kapag na late talaga tayo nako!"
Break time na namin at naisipan ko na dito na lang kami kumain sa building ng mga engineering. Ang lalaking nakita ko kagabi ay napag alaman ko na Engineering student kaya naman niyaya ko sila dito.
"Shut up, Belle. Just support this lady right here."
"Taray, dati lagi kang kontrabida dyan ah? Anyare?"
"Shut up you two! Ayan na si Eros!"
Na add ko na nga siya sa lahat ng social media accounts niya eh.
Eros Rein Acosta. Gandang pangalan shit!
"Palapit na sila! Shit!" Lumakas ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba.
Ang gwapo niya sa uniform niya!
"Hala! Si Marion ba iyon?" I heard Eunice asked.
"Shuta si Marion nga! Yung kapit bahay mo!" Tinaas ko ang kamay ko kaya napatingin sila sa amin.
"Hey, Euni! Long time no see! Anong ginagawa nyo dito? Hey, Honey, Belle!" Lumapit ang grupo nila Eros ng lumapit sa amin si Marion para batiin si Eunice.
"Hey, Marion. Long time no see! We're just looking around but got hungry so kakain kami sa canteen dito."
"Oh? Sabay na kayo sa amin!" Tumingin si Marion sa mga kaibigan niya na mga nag tanguan lang.
"Oo ba!" Excited na sabi ko.
Nag pakilala ang mga kaibigan ni Eros sa amin. Si Jake, Steven, at Oliver.
So Steven pala ang pangalan ng lalaking naka salamin kagabi!
Tahimik lang si Eros sa tabi at hindi nakikihalubilo sa amin.
"Baka naman nag hahanap kayo ng majo jowa niyo dito sa department namin? Sikat si Honey Castellan bilang tirador eh!" Hindi ko alam pero kumalat sa buong campus na isa daw akong tirador ng mga Engineer. Shuta! Hindi ba pwedeng nasasaktuhan lang na kapag type ko ay kalaunan malalaman ko na engineer pala?
"Hoy! Hindi yan totoo! Baka maniwala si Eros!" Tumingin ako kay Eros na nagulat ng banggitin ko ang pangalan niya. "Hi, Eros!"
Nag kantiyawan naman sila. "Si Eros pala ang gusto mo ah!"
Kumunot ang noo niya at inosente akong tinignan. "How did you know my name?"
"Ah! Ikaw yung tumulong sa akin sa bar kagabi tapos narinig ko na tinawag ka ng kaibigan mo. Na love at first sight ata ako sayo!" Nag woah ang kasama namin.
Tumawa ako dahil sa support nila. Halata namang nailang si Eros sa akin kaya bumalik na muna ako sa mga kaibigan ko at nag hinay hinay na lang muna sa mga damoves ko dahil baka atakihin sa puso si Eros.
"Gaga, nagulantang si Eros sayo! Ngayon lang ata siya nakakilala ng kasing wild mo!"
"Baka hindi ka magustuhan. Parang ang mga bet niyan, mga mahihinhin at babaeng babae kumilos!"
"Tigilan nyo ako! Positive vibes lang dapat! Mapapasagot ko iyan!"
Para kaming mga tangang nag bubulungan kaya naman natawa si Jake at Marion sa amin.
Lumapit sa amin si Marion at Jake habang si Steven at Oliver naman ay nandoon sa tabi ni Eros.
"Nako! Hindi ka magugustuhan ni Eros! Hindi niya gusto ng mga babae na nag pe first move! Walang mag la love life sa pamilyang ito!" Sabi ni Jake at tinawanan ako.
"Ang nega mo no? At ang bitter pa! Panigurado walang nagpapakilig sayo. Wag mo ako idamay dyan ah. Ayaw ko tumandang dalaga!" Tinapik ako ni Eunice para pigilan ang bibig ko pero hindi ko siya pinansin.
"Tumandang dalaga? Eh college pa lang tayo?" Pang babara niya pa.
"Eunice, Belle. Pigilan nyo ako, mananapak na ako!" Sabi ko pa na tinawanan lang nila.
Inakbayan naman ako ni Marion. "Alam mo Mareng Honey, kumilos ka ng pang babae. Kung gusto mong magustuhan ka ni Eros."
"Babae naman ako kumilos ah!"
"Hindi mananapak ang babae, Sis." Sarkastikong sabi naman ni Jake. Inirapan ko to at nilingon si Eros. Nahuli ko siyang nakatingin sa amin kaya naman kinidatan ko siya.
Nag tawanan ang nga kasama niya ng makita iyon kaya natawa na din ako.
NANG makarating kami sa canteen ay nakahanap kami ng bakanteng upuan sa bandang dulo. Nang maka upo na si Eros ay mabilis akong naupo sa tabihan niya.
"Hi!" Tumingin siya sa akin ng alangan at ngumiti ng pilit. "Isang hi naman dyan!"
"Hi." Mahina at pilit ang boses niya.
"Wow! Ang ganda ng boses shit!" Kinikilig na sabi ko. Nag tawanan ng mga kasama namin.
"Yieeee!" Pang aasar nila.
"Hoy, huwag kayong ganiyan. Nahihiya ako!" Pabebeng sabi ko pa at hinawi ang buhok papunta sa likuran ng tenga.
"Shuta, vebs. Order na tayo mamaya na landian whoo!" Ang panirang si belle ang tumapos sa moment ko.
Umirap ako at kinuha na ang wallet ko. Nag tayuan na kami habang naiwan lang si Jake para bantayan ang mga gamit namin.
"Anong bibilhin mo?" Tanong ko kay Eros.
"Ah. I'll just buy the empanada and yakult."
"Ah! Sabay na lang yung akin, please! Ganon na lang din akin!" Excited na sabi ko at kumapit sa braso niya.
Halanag nagulat siya sa biglaang pag kapit ko dahil naramdaman ko ang paninigas niya.
Natawa ako at kunurot ang pisngi niya, "Ang cute mo!"
Sabay kaming pumunta sa bibilhan niya. Kilig na kilig pa ako kase sobrang lapit ko sa crush ko! Shit!
Ang bango niya vebs!
Nang bumalik kami sa table namin ay nag ayie na naman sila kaya pabebe kong inipit ang buhok ko sa likod ng tenga.
"Anebe keye, pereng sire!" Mahinang pinalo ko si Eros.
Nag tawanan ang mga kaibigan namin. Naupo na kami, syempre sa tabi pa din niya ako! Gosh!
Masaya ang kwentuhan namin. Kahit ngayon lang namin sila nakasama ay ang galing lang dahil parang ang tagal na namin magkakakilala sa ingay ng mga tawanan namin.
"Shit! Male late na tayo!" Biglang tumayo si Eunice. Nanlaki ang mata ko ng narinig ang sinabi niya.
"Ano?!" Tinignan ko ang wristwatch ko at tumayo na din.
Inayos ko ang gamit ako at nag pahid ng tissue sa labi.
"Bye na, Eros loves! See you soonest!" Nag flying kiss ako at hinila si Belle na nakikipag landian pa din kay Oliver.
Mabilis kaming tumakbo paalis. Malayo layo din ang department nila sa department namin kaya hingal na hingal kami pag pasok sa classroom namin.
"Ma'am! Sorry po!" Pag bukas pa lang ng pintuan ay iyon agad ang bungad na sigaw naming tatlo.
Mga naka yuko kami hindi alam ang nangyayari. Sobrang tahimik kaya naman inangat ko ang tingin at nakita na wala pa pala si Ma'am at tahimik na nag tatawanan sila.
Binangga ko ang balikat nilang dalawa kaya nag angat din sila ng tingin.
"Kinabahan ako, bebs!" Sigaw ni Belle at kinuha ang salamin niya sa bag at inayos ang bangs niya.
"Oh my gosh!" Hinihingal na naupo si Eunice sa pinaka malapit na upuan.
"Dumayo kayo sa Engineering dept noh?" Tanong ni Kitty. Nag kantiyawan sila, inaasar ako.
"May bagong targer si Honey!"
"Nako! Hinahakot na ni Honey lahat ng Enigineering student!" kantyaw ni Theara.
"Jusko, mag tira ka sis!" Si Adrianana naman ang sumigaw.
I flipped my hair, "Gagi, guys! Feeling ko eto na yung forever ko!" I giggled. They all laughed.
YOU ARE READING
Castellan Series 2: Honey Mae Castellan
De TodoHoney Mae Castellan has this quote: "No to boyfriend, yes to fling. No to sex, yes to MOMOL." She's a playgirl, but she only wants engineerings. "Tirador ng mga engineering," as people call her. She accidentally met Eros Rein Acosta, who happens to...