Jadelia's POV
While reviewing some lines here in the standby area, lumapit si Sadie, 'yung PA ko. "Ate, may nagt-text po." Bulong niya kaya kinuha ko 'yung phone ko mula sa kaniya.
A text from James. Okay, I'll tell you kung sino siya....
Nanliligaw sa akin. He's been courting me for a few weeks na rin? Almost a month. Lagi 'yang nangangamusta at nagpapadala ng food and gifts. Sabi ko hindi ako nag-eentertain ng suitors for now pero hayaan ko lang daw siya kaya ayan, hinahayaan ko.
Free ka mamayang lunch?
Ay wow! Galing ng timing. Nasa set ako eh. Binaba ko muna sa lap ko 'yung script para makapagtipa ako ng reply.
Sorry nasa taping ako today. Set ka nalang ng schedule next time.
Mabuti nalang at may signal dito sa location namin. Nakakareceive pa ako ng messages. Minsan kasi buong araw akong walang update sa phone kasi walang signal sa location.
I continued reviewing my lines. Magkatabi kami ni Alonzo and he's also doing the same.
Maya't maya naman ay nahihikab ako. Nag-kape na ako ah? Inaantok na naman ako. Ano ba naman 'to, ang aga na ngang natulog eh.
~~~~~
I was preparing for the next sequence dahil medyo mahirap 'to. Bakit parang ang hirap mag-internalize ngayon? Kanina pa ako tahimik at walang ibang kinakausap para ma-focus ko 'yung utak ko sa character.
"Ms. Ellie, five minutes nalang po, on the set na." One of the staff informed me. Tumango lang ako habang nakahilamos sa mukha ang mga palad. Naf-frustrate ako pero kailangan kong ayusin 'to.
I stood up and shook my hands in the air tsaka ako nag-inhale exhale. I took one last glance on my script before going out of the tent.
We were instructed kung anong gagawin. I just listened para kahit papaano, magawa ko ng maayos.
The director cued 'action!' indicating na simula na ang eksena. Kaharap ko si Alonzo and we're throwing lines at each other.
"Cut!" We heard the director say. This is the part where I should cry na kasi. Eh kaso wala, kinukulang ako sa emotions.
"Sorry." I told Alonzo. Tumango lang siya at hinagod ang likod ko.
Sinimulan ulit 'yung eksena mula sa linya ni Alonzo. It's so hard to do this today, hindi ko alam kung bakit. Naiinis na ako.
"Okay, 5, 4, 3, 2 and...ACTION!"
We did the scene again but just like kanina, ganu'n pa rin. Wala pa rin 'yung emotion na hinihingi. Ano bang nangyayari sa'yo Ellie? Ay nako!
Alonzo's POV
"Cut!" Napahilamos si Ellie ng palad niya sa mukha nang i-cut ulit kami ni Direk. We saw him coming towards us.
"Sorry Alonzo." Ellie said to me. Kanina pa soya nags-sorry.
"It's okay." Hinahagod ko lang 'yung likod niya para baka sakaling makatulong sa kaniya.
"Anong nangyayari Ellie?"
"Direk, nawawala talaga." She said with a sad face.
"Sige, tell me when you're ready." Tumango lang si Ellie habang nakayuko at shine-shake 'yung mga kamay niya.
Bumalik na si direk sa director's booth and natira kaming dalawa dito habang inaayos nila 'yung mga cameras at equipment.
"Ja." I called out to her. Tumingin siya sa akin with her sad and frustrated eyes so I held her hand.
BINABASA MO ANG
They Don't Know About Us
RomanceFrom a beautiful friendship to a secret relationship? Started: 4-15-21 Finished: