Jadelia's POV
Umuwi na si Aila kasi hinahanap na siya sa bahay nila. Hahaha! At ito namang si Yasmene, nagpapaalam na rin na umuwi kasi may pupuntahan pa raw ng maaga mamaya.
"Try kong bumalik mamaya ha? Anyway, happy ako sa good news about you and Alonzo. As in, you don't know how happy I am, knowing na may nag-aalaga na sa'yo."
Awww!
"Thank you. Masaya rin ako."
Naka-nguso na kaming dalawa dito at parang mag-kakaiyakan na. "Hahaha! Sige na nga. Alis na ako bago pa tayo magka-iyakan dito." Hinalikan niya ako sa pisngi at niyakap ng mahigpit.
"Ingat ka."
"Kayo rin. Happy birthday! Love you, Elia."
"Love you too! Bye!"
Paglabas niya, pumunta na ako sa kusina at naabutan si Alonzo na nagt-tabi ng food na natira sa ref. "Tulungan na kita." Pagp-presinta ko.
"After nito, uwi na rin ako." Sabi niya.
"Oh? Uuwi ka pa? May gagawin ka ba mamaya?"
"Wala naman."
"Dito ka na matulog. Niyayaya ko rin sila Aila kanina na dito na magpalipas ng gabi kaso may mga kaniya-kaniyang pupuntahan eh. Delikado na rin magmaneho ng ganitong oras." Sabi ko sa kaniya.
"Saan naman ako matutulog dito?"
"Sa tabi ko." I said then winked. Tumawa siya ng bahagya at napailing.
"Sure ka?"
"Bakit? Ayaw mo? Para rin hindi ka na mapagod mag-drive pauwi."
He smiled and hugged me from behind. He brushed his nose against the side of my face pero bigla kaming napahiwalay sa isa't isa ng pumasok si Hira sa kusina.
"Ay sorry. Kukuha lang ako ng tubig." Nagulat din si Hira sa nakita niya.
"Continue." Sabi ni Hira bago lumabas ng kusina kaya lumabas 'yung tawa na kanina pa namin pinipigilan ni Alonzo.
"Lagi nalang tayong nahuhuli ng family mo." Sabi niya.
"Oo nga eh. Doon na nga lang tayo sa veranda, baka si Kirsten o Kayleen naman ang sumunod na pumunta dito at uminom ng tubig."
Ayun, lumipat kami sa veranda. May brown outdoor rattan chairs dito na parang pang-beach ganu'n. Doon kami naupo. Ang ganda rin dito kasi nagr-refract 'yung tubig mula sa pool. Maliwanag rin dahil nakabukas ang ilaw doon sa ilalim ng tubig. Very calming and soothing sa pakiramdam. Even the skies are full of stars.
"Bibigay ko na pala 'yung birthday gift ko sa'yo." Sabi ni Alonzo. Oh??? May birthday gift pala sa akin ito. Hindi ko napansin.
"Nag-abala ka pa."
"No, hindi 'yun abala. I really took the time to think about what I'm going to give to you for your birthday. Nagpatulong pa ako kay Carson at sa fianceé niya para dito. Here." He handed me a bag na naka-stapler pa ang opening. I opened it in curiosity kung anong binigay niya.
I can feel my cheeks turning red upon seeing the gift.
"You're kidding?" Tanong ko habang kinukuha mula sa bag 'yung regalo. Kitang kita 'yung pagpipigil niya ng tawa. Ako naman itong sinusubukang magpaka-seryoso kahit tawang tawa rin ako kasi nakita ko na 'yung laman ng bag. Bwisit na Alonzo 'to. Bigla tuloy nag-init 'yung pisngi ko.
"What is it?" Tanong niya. Pine-plema na kakapigil ng tawa. Sige lang.
I took out the set of Victoria's Secret bra na nasa bag and showed it to him with my poker face. Well at least they're Victoria's Secret. "Seryoso 'to?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
They Don't Know About Us
Любовные романыFrom a beautiful friendship to a secret relationship? Started: 4-15-21 Finished: