Chapter 1

181 5 5
                                    

Jadelia's POV

"And.....cut!" Sigaw ng direktor pagkatapos ng mga linya naming mapanakit ng damdamin. Tuloy tuloy pa rin 'yung luha naming dalawa and it took a while bago namin natanggal 'yung sarili namin sa emosyon na 'yun. Grabe, ang sakit sa dibdib. Sobrang taas ng levels eh.

"Uy sorry ah." Lumapit agad ako kay Aila sabay yakap. Haha. Ganito talaga kami after ng mga intense scenes.

"Okay lang mama. Hahaha. Sanay na 'yung fez ko." Sagot niya kaya natawa ako. She plays as my daughter in this series.

"Namula tuloy 'yung pisngi mo. Hahaha." Sabi ko habang hinihimas 'yung pisngi niya na nasampal ko. Nakalagay kasi sa script kaya ko ginawa. Naawa tuloy ako.

We are currently watching the scene on the monitor. "Ouch. Ramdam ko pa rin 'yun." Aila whispered nang umabot na doon sa sampal kaya niyakap ko siya from the side and I giggled.

After ng eksena na iyon ay bumalik ako sa tent ko para mag-prepare para sa next sequence. Kinuhanan din ako ng BP kasi masyado talagang heavy scene 'yun at medyo tumaas yata 'yung blood pressure ko.

"Oh? What are you doing here?" Tanong ko sabay beso kay Kayleen, my fourteen year old daughter. Nandito siya sa tent and she's playing on her phone.

"I just brought you food for lunch po bago ako dumiretso sa school." Sabi niya while pointing at the lunch bag na nasa vanity table ko.

"Aww. Thank you. Sige na, baka ma-late ka pa sa class mo. Ingat ah. I love you."

She kissed me on the cheeks and bid goodbye bago lumabas ng tent. Naupo na ako and started to read my lines on the script.

"Hi ate." Sabi ng isang staff na galing sa wardrobe department.

"Hello! Good afternoon." Bati ko sa kaniya. Iniwan niya lang 'yung susuotin ko at lumabas na rin ng tent.

"Halika na ate, ayusin na natin 'yang makeup mo." Sabi ni Nicky pagpasok dito.

Habang nagm-memorize ako ng script ay nir-retouch naman ni Nicky 'yung makeup ko. Multitasking at it's finest. Hahaha.

"Ms. Ellie, Nicky, sabi po ni kuya Alonzo, kain na raw po kayo ng lunch, nagpadeliver po kasi siya." Sabi ng P.A. ni Alonzo. Ellie is my screen name nga pala kaya huwag kayong magtataka if someone calls me that.

"Ay dinalhan kasi ako ng lunch ng anak ko. Ahmm, sasabay nalang ako sa kanila na kumain after akong ayusan. Salamat!" Ngumiti naman siya bago isara ang pinto ng tent.

I yawned at napasandal muna sa chair. "Hay, inaantok na ako." I said while trying to wake myself up. Bumibigat 'yung talukap ng mata ko kasi late kaming nag-pack up kagabi then maaga akong gumising kaninang umaga dahil maaga ang calltime.

"Ellie, Nicky, mag-lunch muna kayo." Napalingon kami pareho ni Nicky and it was Alonzo na naka-silip sa door ng tent.

"Sorry, dinalhan kasi ako ng lunch ng anak ko eh." Sabi ko sa kaniya.

"Sige, ano nalang ang gusto mo? Magpapa-order ako." He said kaya I waved my hands in front of me indicating na hindi na kailangan. Nakakahiya, ano ako? Special?

"Come on, nilibre ko sila 'tapos ikaw hindi? Sige na. What do you want?" Pagpupumilit niya.

"Okay, iced coffee sana kasi kanina pa ako inaantok."

"Sige, ipapadala ko nalang dito kapag dumating na. Nicky, kain ka na doon ah." Tumango lang si Nicky at ngumiti kami pareho kay Alonzo bago siya umalis.

"Ang cute cute talaga ni sir Alonzo. Napaka-caring." Nicki commented habang inaayos 'yung eyebrows ko.

I agree with Nicky pero hindi ko sasabihin kasi baka tuksuhin ako niyan. Ang lakas pa naman niyan mang-asar.

"Yan, bongga na ulit ang makeup." Sabi niya after akong ayusan. May magic talaga ang kamay nito eh. Hahaha.

"Sige, kumain muna tayo ng lunch. Nagugutom na ako eh." Sabi ko sa kaniya pagkatapos ay dinala ko na 'yung food ko at lumabas kami ng tent. Inaantok talaga ako, kusang pumipikit 'yung mata ko.

"Ms. Ellie, pinapaabot po ni kuya." Sabi ng P.A. ni Alonzo nang makasalubong namin siya sabay abot sa akin ng Venti Iced Coffee. Hay salamat Alonzo!! You're a lifesaver.

"Ay thank you! Salamat ah." Sabi ko bago siya ngumiti at lumakad palayo.

I took a sip from my coffee and parang agad akong na-energize nang dumaloy sa lalamunan ko 'yung lasa ng kape.

"Ayan na pala si Ms. Ellie." Sabi ni Aila who is now in a different dress and naka-curlers pa ang buhok.

"Thank you sa coffee ah." I thanked Alonzo pagka-upo ko sa tabi niya.

"Hala! Pa, bakit ako walang kape?" Aila asked then pouted kaya natawa kami. Siya kasi 'yung gumaganap na anak namin ni Alonzo dito sa teleserye. At dakilang taga-asar sa aming dalawa.

"Eh hindi ka naman nagpasabi eh. Mama mo lang ang binilhan ko kasi kanina pa inaantok habang nag-eeksena kami." Alonzo said kaya I unbelievably looked at him.

"Oy Pa, grabe ah. Ang dami mo kasing take kagabi kaya late nagpack-up kaya puyat ako ngayon." Pagbibiro ko kaya tumawa siya. Sanay na kami na magtawagan ng 'Ma' at 'Pa' kapag nasa set at nagbibiruan. Matagal tagal na rin kasi kaming magkakasama because our show has been airing for about 4 or 5 months na yata?

"Kaya pala kanina habang inaayos 'yung mga camera, nakakatulog si Ms. Ellie sa sofa." Dagdag pa ng isang staff kaya napasapo nalang ako sa noo ko at natawa. Nakatulog nga pala ako kanina habang naghihintay na maayos 'yung mga camera. Hahahahaha.

"Sleeping on the job pala ito direk eh." Sabi ni Alonzo kaya hinampas ko ng mahina sa balikat. Baliw itong mga 'to. Ako pa ang napiling pagtulungan.

"Nag-kape na ako! Grabe kayo." Katwiran ko.

~~~~~

Alonzo's POV

We've been waiting here kung saan kami nag-lunch. Naghihintay na tawagin ng staff for the next scene. Pero bago iyon, tignan muna natin itong babaeng katabi ko na kakasabi lang kanina na hindi na daw siya aantukin dahil nakapag-kape na pero eto, naka-rest ang ulo sa table at kanina pa natutulog. Dapat sa tent niya siya natutulog para komportable siya.

"Tulog na tulog po ah." Aila said so I chuckled pero mahina lang para hindi magising. Actually, I am also sleepy since this morning because of how late our shoot was yesterday. Inabot yata kami ng 10:30 P.M.? 'Tapos bumiyahe pa pauwi kaya mga late na nakatulog.

"Pa, selfie tayo." Aila raised her phone so I smiled for a photo then she posed na nakaturo kay Ellie na tulog na tulog. I'm sure she's going to post that on her social media. Lagot na naman 'to kay Ellie.

"Actors on the set na daw po." Sabi ng isa sa mga staff at nagmamadaling sumunod si Aila at 'yung dalawa pa naming kasama sa kanila.

"Ano na?" Ellie asked pag-angat ng ulo niya. Nagising yata sa pagsigaw nu'ng staff.

"Haha, mag-rest ka muna sa tent mo, mamaya pa naman tayo." Sabi ko sa kaniya.

"Nakatulog pala ako. Hahaha, grabe kasi inabot tayo ng alas-diez kagabi." She said while fixing her hair.

"Yeah, medyo hindi rin ako nakatulog ng maayos."

"Insomnia?" She asked.

"Yup."

"Pareho pala eh. Ako din."

"Though mas madalang na siya compare noon na halos gabi gabi akong hindi makatulog." I shared. Alam naman niya 'yun na madalas inaatake ako ng insomnia dati.

"Ahh buti naman. Ako medyo nakakatulog naman na ng maaga pero may times din na hindi." Sabi niya while idling with her fingernails. Medyo tahimik kami for a few seconds nang biglang dumating si Nicky.

"Ms. Ellie, contine sa retouch po muna."

"Ay sige. Al, maya nalang ulit ah." I nodded and she walked away with her makeup artist pabalik sa tent niya.

I also went back to my tent to review my lines and take a quick rest before the next sequence.

~~~~~

A/N: Hello!! Huwag niyo akong pagalitan dahil may panibago na namang story. HAHAHAHAHAHAHA

They Don't Know About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon