Chapter 23

49 4 1
                                    

Jadelia's POV

I woke up with a bit of headache pero may naaamoy akong coffee so I sat on the bed at napansin kong wala na sa kabilang kama si Alonzo.

Okay, I still can't move on with the fact na magkasama kaming natulog kagabi. Hindi lang magkasama ah, magkayakap!! Ay jusmiyo!

Bakit kasi tumabi ako sa kaniya kagabi? Eh dalawa naman 'yung kama. Kapag talaga nalalasing ka Ellie, may tinatamaan sa utak mo ano?

'Tapos ngayon, nandito rin ako sa kwarto niya dahil hindi ko kayang bumalik sa kwarto ko kanina. Goodluck sa'yo Ellie! Akala ko stress-free ang restday. Bakit parang lalo yata akong nas-stress?

"Gising ka na pala. Coffee?" Alok niya while stirring something. Probably coffee dahil 'yun ang inaalok niya. Alangan naman mag-alok siya ng kape pero alak pala 'yung hinahalo niya di'ba?

Teka, 'di naman hinahalo ang alak ah.

At bakit alak ang una kong naisip? Ano ba yan!

"Sige. Salamat."

Nag-stretch ako ng kaunti and I yawned. "Anong oras na ba?" I asked as he handed me a cup of coffee with a saucer underneath it. Tumingin siya sa phone niya na nasa bed side table bago siya umupo sa bed na katapat ako.

"8 a.m. Gusto mo na bang mag-breakfast?"

"Medyo wala pa ako sa mood. Baka mamaya nalang akong lunch kumain." Sagot ko.

"Sige, doon lang ako sa balcony ah. Call me if you need me."

Tumango lang ako kaya lumabas na siya sa balcony and left me alone in here. Kung titignan ng ibang tao, we're like a newly married couple who are in their honeymoon. Huwag kayong mag-alala, babalik rin ako sa kwarto ko mamaya pagka-ubos ko nitong kape. Wala pa akong ligo at toothbrush 'no, nakakahiya kay Alonzo.

Medyo na-bore ako kaya sinundan ko siya sa balcony. Mabuti nalang at closed 'yung gilid kaya hindi kami makikita ng mga nasa balcony ng kabilang rooms.

I sat next to him while still holding my coffee cup. "Parang ang sarap tuloy magbakasyon." Alonzo said while admiring the view. I agree. 'Yung parang ganito pero walang trabaho.

I rested my head on his shoulder and he snaked his arm around my waist. Yeah I know, it's not a thing that bestfriends do. But the thing is, we're bestfriends and MORE than friends. So....yeah.

"Ganda ng view." I said.

"Mas maganda ka dyan."

"Sus! Tigil tigilan mo nga ako. Nang-uuto ka na naman sa umaga."

"Bakit? Maganda ka talaga."

"Alam ko, pero huwag mo akong masyadong fina-flatter. Nakakadagdag ng kilig eh." Binaba ko muna sa table 'yung coffee cup ko dahil maghaharutan muna kami.

Ay joke lang po! Hehehehe. Erase erase.

"Pero salamat ah."

"Para saan?" Tanong niya habang nakatingin sa akin. I hugged his side dahil medyo nilalamig ako.

"You could have had your chance last night to...you know? Pero hindi mo ginawa. Kahit na magkatabi tayong natulog."

"You know that I respect you and I won't do that right? Plus, wala na rin ako sa sarili sa sobrang antok."

"Kaya nga thank you eh. Pero sigurado ka ba talagang wala?" I asked him one more time. Naninigurado lang.

"Oo nga. Naalala ko na, natulog lang talaga tayo. Promise!"

"Good. Pero teka, bakit nga ba tayo nalasing ng ganu'n?" Humiwalay muna ako sa yakap dahil hihigop ako ng kape.

"Must be the drinks na binili ni Aila. Baka mataas 'yung alcohol."

They Don't Know About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon