Jadelia's POV
Nagising ako na nakayakap sa tagiliran ni Alonzo at nakasandal sa dibdib niya ang ulo ko. Nakaakbay si Alonzo sa right shoulder ko kaso mukhang tulog rin. Naka-off na rin kasi ang TV kaya I'm sure tulog na 'to. Inabot ko ang phone ko na nasa table para tignan kung anong oras na.
Alas-cuatro na pala ng hapon. Nakatulog ako for almost 3 hours.
Dahan dahan akong umalis sa tabi ni Alonzo at tumayo. "Al, kuha lang ako ng tubig sa kusina ah." Bulong ko na tinanguan lang niya. Natutulog pa rin eh.
"Coffee din. Use the white mugs." He mumbled. Hahaha! Pati sa pagtulog, kape talaga.
Pumunta na ako sa kusina para uminom ng tubig at magtimple ng kape. His house has a very modern touch. A lot of black and white colors sa interior. Very minimal din.
Hinanap ko pa kung nasaan ang mga coffee ingredients niya kasi hindi ko naman kabisado itong kusina niya. Pati nga mugs, hinanap ko rin. Hahaha, sabi niya kasi, 'yung white mugs daw.
Nang mahanap ko na 'yung cabinet ng coffee mugs, naagaw nu'ng dalawang baso sa gilid 'yung attention ko. Ito ba 'yung sinasabi niya? Fancy-looking white mugs siya na parang magkapartner? Kasi du'n sa isang mug, may bow sketch na pang-archery and sa isang mug naman, may heart with an arrow struck on it.
Ang cute! Ito na ba gagamitin ko? Well, ito ang sinabi niya eh. Not unless may iba pang puting baso dito. Ah bahala na.
I made two cups of coffee at dinala ko sa sala. Pinatong ko sa coffee table in front of the couch at tumabi ulit ako kay Alonzo na tulog na tulog pa rin. He seems so stress-free kapag tulog, it's adorable.
He suddenly wrapped his left arm around my stomach at isinandal ang ulo niya sa balikat ko katulad ng pwesto ko kanina sa kaniya. "Tulog ka pa ba? O sumisimple ka na lang?" Tanong ko. Ngumiti siya at natawa kaya nalaman kong gising na.
"I hope you don't mind na naghanap ako sa kusina mo ng mugs and coffee ah. Sabi mo kasi gamitin ko 'yung white mugs." I told him. Ayoko kasing nangingialam sa bahay ng iba lalo na kung walang permiso ng may-ari. Boundaries.
"I don't mind." Sagot niya.
"Yan na 'yung coffee. Baka lumamig pa."
"Later. Ang sarap mong yakapin eh." Sabi niya saka sumiksik sa akin. Sus!
"Ngayon lang ako nakakita ng nagliligawan na ganito na umarte." I told him while pinching his nose.
"Practice tawag dito." Biro niya. Nahahawa na 'to sa pagiging baliw ko.
"Palibhasa sa eksena mo lang 'to nagagawa sa akin eh. Teka, may tanong ako. Naalala ko 'yung bigla mo akong hinalikan sa eksena, ano 'yun?"
Umayos siya ng upo at kinuha 'yung cup of coffee niya mula sa table. "Oh! Haha! Akala ko nakalimutan mo na 'yun."
"Paano ko makakalimutan 'yung gulat ko sa ginawa mo nu'n? Eh pati mga staff, nagulat sa nangyari."
"Well, I got jealous." Sagot niya sabay tingin sa akin.
"Selos? Saan?"
"Before we shot that scene, di'ba pumunta ako sa tent mo? Then I saw roses on your table, galing yata kay James?"
Hmm, I actually like him being honest to me kahit nanliligaw palang. Usually kasi di'ba kapag nanliligaw palang, hindi pinapakita pagiging seloso, mga kahinaan and such para magpa-impress sa girls? 'Tapos kapag naging kayo na, bigla mong makikita 'yung totoong ugali kaya magugulat ka kasi hindi naman siya ganu'n dati. Siguro malaking factor din na magkakilala na kami ng matagal at close na kaya nagagawa naming maging honest sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
They Don't Know About Us
RomanceFrom a beautiful friendship to a secret relationship? Started: 4-15-21 Finished: