Jadelia's POV
It was Kayleen. Kakahatid lang sa kaniya ng school service. "How's school?" I asked her.
"Okay lang po." Sagot niya. Pagpasok sa loob, nag-hi sa kaniya si Kirsten at kinawayan niya.
"Magpalit ka na then kain tayo ng meryenda." Sabi ko sa kaniya bago siya pumasok sa kwarto.
"Alam na?" Pabulong ng tanong ni Kirsten nang maiwan na kaming dalawa dito sa dining room.
"Ni Kay?"
Tumango lang siya habang pinaglalaruan 'yung rim ng baso niya.
"Hindi pa namin nasasabi. Ang alam pa lang niya, nililigawan ako ni Alonzo. Gusto kasi namin ni Alonzo, magkasama kami kapag sinabi namin sa kaniya. Ayaw rin naman ni Alonzo na wala siya kapag nalaman ni Kayleen."
"Pero nu'ng nagkita sila, anong nangyari?"
"Nahihiya pa sa kaniya si Kayleen at first pero eventually, medyo naging comfortable naman siya kay Alonzo. Slight lang. Pati kasi si Alonzo, nahihiya sa kaniya." I explained then laughed afterwards. Totoo naman eh. Hahahaha! Takot slash nahihiya si Alonzo kay Kayleen.
"Okay lang kay Kayleen?"
"Siguro. Alam mo naman 'yang batang 'yan, parang may bayad ang bawat salita. Pero nararamdaman ko naman na okay siya sa relationship namin ni Alonzo."
Kumalumbaba siya at tumingin nng makahulugan sa akin. "So kailan ang kasal?" Nagulat naman ako at nanlaki ang mata sa tanong niya.
"Kasal ka dyan? Humanap ka muna ng boyfriend, kapag nakahanap ka na, tsaka ako magpapakasal para may escort ka." Biro ko.
"Ih! 'Yoko nga. Hahahaha! Ikaw itong may lovelife dyan eh."
Natahimik sandali si Kirsten, malamang nag-iisip ng itatanong ito. Iinom muna ako ng juice bago pa siya makaisip ng itatanong sa akin.
"Wait, so nu'ng umuwi ako galing US, kayo na nu'n or hindi pa?"
"Uh..." I tried to recall. "Nope. Kasi sinagot ko siya, nandito ka na nu'n sa bahay. That was the night na nag-camping kami."
She snapped her fingers at ngumiti na may halong kilig. "I knew it! Kaya may something sa inyong dalawa nu'ng sinundo ka niya dito sa bahay. Wahh! My instincts were right! Tulala ka kaya pagdating niya, nahumaling ka. Aminin!"
"Eh ang guapo eh! In-appreciate ko lang 'yung ka-guapuhan nu'ng tao."
"Well, how is he as a boyf--"
Napahinto si Kirsten kasi biglang pumasok dito sa kusina si Kayleen. Nakapambahay na siya at may kinukuha sa fridge. Nag-'shh' muna akokay Kirsten and she acted as if she zipped her mouth.
"Tuloy chika some other time." Bulong ko kay Kirsten saka ko pinuntahan si Kayleen.
~~~~~~
Currently getting ready, it's night time already. I received a text message from Alonzo saying that he'll pick me up in 10 minutes. Nag-aaya mag-BGC. Gusto daw niyang gumala, and instead of asking his friends out, ako nalang daw. Yiee! Kilig ka naman, Ellie? Priority ka ng boyfriend mo ngayon ah!
Nag-text si Alonzo na nasa labas na raw siya ng bahay kaya sinuot ko na 'yung jacket ko saka ako lumabas ng kwarto. Tulog na silang lahat dito sa bahay at wala na akong balak pang bulabugin ang tulog nila para magpaalam kaya ako nalang ang magl-lock ng pinto at gate.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko pagkasakay ko sa kotse niya.
"Somewhere." Sagot niya pagkatapos ay inabot 'yung seatbelt sa kabilang side ko at inayos 'yun. Then biglang sumimple ng halik. Aba, dumadamoves ah. That was one, swift move from Alonzo.
BINABASA MO ANG
They Don't Know About Us
RomansaFrom a beautiful friendship to a secret relationship? Started: 4-15-21 Finished: