Chapter 7

66 5 7
                                    

Jadelia's POV

A few days has passed. As usual, nandito ako sa set. Wala si Alonzo dahil magkaiba kami ng location today. Speaking of him, laman siya ng social media ko pati na 'yung lunch picture nila ni Trish. Nasabi naman na niya na nagkataon lang daw 'yun and nagpaliwanag nu'ng nagkita kami sa set nu'ng Monday. Ewan ko kung bakit nagpaliwanag. He doesn't owe me an explanation so I don't know why he had the need to do that.

Anyway, may balita na na nanliligaw daw si Alonzo kay Trish dahil dati silang nagkasama sa isang project and of course may supporters ang loveteam nila. It's no big deal for me dahil hindi naman totoo na nanliligaw si Alonzo kay Trish. Pero ayun, balita siya. Buti nga 'yung lunch namin ni James, hindi masyadong binigyan ng pansin. Ayoko ng ingay eh. Although may balita rin about du'n pero natabunan na.

Tomorrow is Saturday at bukas din 'yung camping namin. I'm excited kasi makakagala na naman ako at makakalanghap ng fresh air.

I was a bit stressed from the last sequence that we did kaya tumaas ang BP ko. Okay naman na ako. Masyado lang talagang mataas ang energy at levels kanina kaya nagkaganu'n.

Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko ng script, biglang may tumawag sa phone ko kaya sinagot ko muna. It's Alonzo, by the way.

"Hello?"

"Hi! Kumusta?"

"Eto, nagbabasa ng script. Bakit ka nga pala napatawag?"

"Just checking on you. Na-medic ka daw kanina?"

"Wala 'yun. Tumaas 'yung presyon ko but I'm fine. Thanks for checking on me. Ikaw?"

"Pack up na. Done for the day. Ingat ka pag-uwi."

That instantly put a smile on my face. The ever caring Alonzo Mendez.

"Kayo din. Bye."

I hung up the call and behind me was Aila.....with her 'mapang-asar' smile.

"Uyyyy!" She nudged my elbow while continously teasing me.

"Ano?"

"Ang cute niyo ni tito Alonzo." Sabi niya at kinikilig kilig pa kaya pabiro kong kinurot sa tagiliran. May pagka-mapang asar talaga ito eh. Lalo na sa amin ni Alonzo. Especially after ng mga eksena namin na magkakasama, lagi 'yang nang aasar sa amin.

"Hindi ka po niya niligawan ever?" Tanong niya.

"Hindi. Haha. Quiet ka na. Papagalitan ka ni direk."

"Pero kinikilig ka po sa kaniya?" Makulit na bata! Hahaha.

"Oo kinikilig ako."

Bigla siyang impit na tumili habang nakatakip sa bibig ang mga kamay. "Teka lang!!! I need air! Alam niya pong kinikilig ka sa kaniya?"

"Ewan. Siguro."

"Ay alam ko na!" She said with a mischievous smile sabay higa sa taping bed niya.

"Ano 'yun?"

"Secret. Hehehehe." Kinindatan niya ako kaya lalo akong naguluhan. Ano na namang naisip ng batang ito?

"Kasama po kayo bukas sa camping 'no?"

Um-oo lang ako habang nirere-apply 'yung lipstick kasi baka bigla kaming tawagin. Need to be ready.

"Uy nag-text si Tito Alonzo." Sabi niya habang nakaupo sa taping bed at nakacover ng kumot 'yung lap.

"Huwag ka na daw magdala ng tent, Ma."

Huh? Eh saan ako matutulog?

~~~~~~

They Don't Know About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon