Chapter 5

62 4 14
                                    

Jadelia's POV

Nagising ako from my nap and the clock says '9:43 P.M.' Hilong hilo pa rin ako at parang sobrang bigat ng pakiramdam ko tuwing tatayo ako. My body is so sore, 'tapos sinisipon pa ako. I hate being sick.

I checked my phone and I got a message from Kayleen na baka bukas na daw siya ihatid ng tita niya pauwi dito. I just replied with a 'Goodnight. I love you' then I turned off my phone.

Lumabas ako ng kwarto para kumuha sana ng tubig but when I looked sa living room, nakita kong nakasandal sa sofa si Alonzo. His back is facing me kaya hindi ko alam kung anong ginagawa. Pumunta ako doon and that's when I saw that he's in a deep slumber while his arms are crossed in front of his chest.

Kumuha ako ng kumot sa gilid at kinumutan siya dahil malamig dito sa sala. Ayoko nang gisingin dahil ngayon lang yata nagpahinga 'yan ngayong araw.

After that, I took my medicine and secured the doors bago bumalik sa kwarto ko.

Alonzo. He's such a gentleman. Noon palang, sobrang maalaga na talaga 'yan. Kahit nasa set kami, he always cares for everyone. Sometimes, I would fall asleep sa set and the next thing I know, nakaalalay lang siya sa gilid ng ulo ko habang nakasandal ako sa kaniya. That's what I love about him.

Ay, Jadelia! Ano ba 'yang naiisip mo? Erase ah. Ang dami mong alam. Malamang, mabait kasi siya kaya ganu'n. Hay, lalo tuloy sumakit 'yung ulo ko.

~~~~~

Nakatulog na naman ako. Nagising lang ako sa sobrang sakit ng katawan ko. Alas tres na ng madaling araw. Nasa labas pa pala si Alonzo 'no? Hindi pa umuuwi.

Kahit na sobrang bigat ng pakiramdam ko, lumabas ako ng kwarto at pinuntahan sa sala si Alonzo.

"Al..." I tapped his shoulder. Nakatulog na dito sa sofa. Kawawa naman.

"Hmm? Yes? May kailangan ka?" Umayos siya ng upo. I think I startled him a bit.

"Hindi ka komportable dyan. Gusto mong kunin 'yung taping bed ko? Gamitin mo muna. Sasakit katawan mo dyan."

"No. I'm okay. Ikaw? Kumusta ka na? Mataas pa rin lagnat mo?" He asked concerningly.

"Medyo. Pinanindigan mo talagang hindi umuwi ah. Pasensya na, nagstay ka pa tuloy. Gusto mong magkape?"

"Nagyayaya ka na mag-kape eh dapat nagpapahinga ka."

"Okay lang ako. Ano? Tara?"

Hinila ko siya patayo at nagpahatak naman siya sa akin. Patawa tawa lang siya habang nagpapatangay.
Usually naman kapag ganitong oras sa set, magkasama kaming nagk-kape at nagk-kwentuhan about life.

Nagtimpla ako ng coffee for him and milk for me and I took out a pack of oreo cookies from the fridge. Hindi ko kayang magkape kapag may sakit ako, lalo lang bumibigat pakiramdam ko eh.

"Bakit wala si Kayleen?" Tanong niya.

"Nasa tita niya. Kasi kapag may taping ako di'ba pinapapunta ko doon dahil wala siyang kasama dito." I answered while dunking the cookies on the glass of milk. I heard Alonzo chuckling kaya napatingin ako sa kaniya.

"Oh? Bakit ka natatawa?"

"Nothing. Ang cute lang."

"Ng ano?"

"Yung pagsawsaw mo ng cookies."

Natawa nalang din ako kasi hindi ko alam kung anong cute du'n? Sige basta cute daw.

"If you don't mind me asking, bakit ka nga pala umiiyak kagabi nu'ng tinawagan kita?" Tanong niya. Hindi talaga siya titigil until he makes sure that I'm fine.

They Don't Know About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon