Chapter 35

48 1 0
                                    

Alonzo's POV

"Ano nang gagawin natin?" Ellie asked while wiping her hands on the kitchen towel. We just finished washing the dishes and putting them away. Nakasandal siya ngayon sa kitchen counter at nakatingin sa akin.

"Ikaw? Anong gusto mong gawin?"

"Gusto kong mag-window shopping ng motor. Hahahaha! Joke."

"Oo nga pala ano? Nagm-motor ka rin. Mamaya, ride tayo kapag mababa na 'yung araw." I suggested.

"Ay teka! Buti napag-usapan natin 'yang motor. May ibibigay ako sa'yo eh." Tumakbo siya papunta sa kwarto niya and after a few seconds, she came out while holding a shopping paper bag.

"Nag-mall kami ni Kirsten nu'ng isang araw. Eh may nakita akong biker jacket, naalala kita." I took out the biker jacket from the bag and got extremely happy with her gift.

"Wow! Ganda ah." Komento ko.

"Try it on. Tignan natin."

I wore the jacket and it surprisingly fits me. Ang galing ah, kasi usually when people give me clothes, they don't fit. I don't know why.

"Yan! Saktong sakto. Lalo kang gumuapo dyan, Love!" She complimented me while I'm looking at the jacket that I'm wearing. This gift feels extra special because it's my girlfriend who gave this to me.

"I love it. Thank you." I told her. Tinulungan niya akong hubarin 'yung jacket at siya ang nagtiklop para ibalik sa paper bag.

"Uuwi ka na ba or dito ka magd-dinner?" Tanong niya.

"Let's go out for dinner. Kasama sila Kayleen."

"Are you sure? Wala ka bang gagawin today?" Sunod sunod niyang tanong kaya niyakap ko siya and I buried my face on her neck. Tumawa lang siya habang nakahawak sa mga kamay ko na nakayakap sa kaniya.

"Wala akong gagawin. Don't worry, I'm all yours today."

"Today lang?"

"Today and for the next days, months, years." I said then I kissed her on the cheek.

Biglang pumasok si Kirsten sa kusina at nagkatinginan kaming tatlo. Palipat-lipat pa siya ng tingin sa amin kaya humiwalay ako sa pagkakayakap kay Ellie.

"Hehehe. Iinom lang sana ako ng tubig. Pero okay lang, tuloy niyo 'yang lambingan, du'n sa sala sa may sofa para mas komportable kayo."

I supressed my laugh. Kanina pa ako natatawa sa kanilang dalawa eh. Inaaasar niya kasi si Ellie. Bigla bigla nalang namumula 'yung pisngi ni Ellie eh. Hahahaha.

"Ayan, mamayang gabi pag-alis mo, bratatatatat na naman ang tanong niyan sa akin." Sabi ni Ellie pagkalabas ni Kirsten. Tumawa lang ako at hinila siya.

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya.

"Sa sala, just like what Kirsten said." At nakatanggap ako ng mahinang hampas mula sa kaniya.

"Baliw kayo! Tara na nga. Nangangawit ako kakatayo dito eh."

~~~~

"Sa mall na tayo mag-dinner?" Tanong ni Ellie sa akin. Nakasandal ang kalahati ng likod ko sa arm rest ng sofa habang siya ay nakadapa ang kalahati rin ng katawan sa akin. Kanina pa ganito ang pwesto namin. Naglalambing eh.

"Sige. 'Tapos mag-motor tayo papunta du'n. Isusuot ko 'yung binigay mong biker jacket."

She rested her chin on my chest and looked at me. "Nagustuhan mo talaga 'yung jacket? Naisip ko kasi, baka marami ka ng ganu'n eh."

"Of course, I love it. Sa'yo galing eh. Kahit pa ilang ganu'n ang ibigay mo sa akin, magugustuhan ko." I said then I pinched her nose.

"Yieee! Sweet naman. Teka, gusto mo ng coffee?"

They Don't Know About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon