Chapter 26

53 3 2
                                    

Jadelia's POV

"Kain ka lang Kayleen ah, do you need anything else?" Tanong ni Alonzo while he's grilling some pork enoki. My favorite! Hehehe.

"Water po." Sagot ni Kay.

"Ako nalang ang kukuha." I volunteered.

"Sure?"

"Yes. Luto ka lang dyan. Hahaha." Tumayo ako mula sa dining chair and I went to the kitchen. Habang nagsasalin ako ng tubig, nakikita ko mula dito 'yung effort ni Alonzo na kausapin si Kayleen at makipagkwentuhan sa kaniya.

May sinabi si Alonzo kay Kayleen and I saw her laugh pero hindi ko naririnig 'yung pinag-uusapan nila. In fairness kay Alonzo ah! Bilib na talaga ako sa taong ito. Hahaha!

"Kay, here's your water." Inabot ko sa kaniya at bumalik ako sa seat sa tabi niya.

Ang saya mag-Korean barbeque sa bahay ah, medyo mahirap lang kanina i-figure out 'yung mga materials nu'ng actual na pang-luto kasi may in-assemble pa na parts. Natatawa pa ako kapag naaalala ko kasi akala ko masisira namin ni Alonzo 'yung kaka-bili lang niya na Korean grill pan kasi hindi kami magkasundo kung paano inaayos 'yun. May pang-hotpot pa kasi. Nag-search pa siya eh may manual naman. Ang ending, nagkasundo rin kami dahil nakinig sa akin. Hahaha!

Kanina, when Alonzo told me the reason kung bakit niyaya niya kaming kumain dito sa bahay niya instead of eating outside, na-touch ako. He really cared about my daughter first before anything else. That's a major plus point for him.

After namin kumain, inalok ako ni Alonzo na mag-coffee sa kitchen habang nasa dining room si Kayleen at nanonood ng movie sa phone niya.

"Tara. May sasabihin ako kay Kayleen." Aya ko sa kaniya. I held his hand and pulled him gently.

"Huh? Now? Teka." Binaba niya muna 'yung cup of coffee niya sa kitchen counter at sumunod sa akin.

"Kay, remove the headphones muna." I told her.

"Bakit po?"

"I have something to say." Nakatingin lang sa akin si Alonzo, probably also clueless sa kung anong sasabihin ko.

Perfect timing na 'to kasi magkakasama na kami, nandito na rin si Kayleen. Hinawakan ko 'yung kamay ni Alonzo and I smiled at him. Kaso ang lamig ng kamay niya. Hahaha! Kinakabahan!

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy since isa lang naman ang sasabihin ko.....Nanliligaw si tito Alonzo mo sa akin. And we both agreed noon to let you know about it before anyone else. Eh kaso, itong si ate Aila mo, nalaman agad. Pero I promise, ikaw dapat talaga ang unang makakaalam. Humahanap lang ako ng timing na magkakasama tayo."

Palipat lipat lang siya ng tingin sa amin and I can see that she's a bit shocked pero hindi niya pinapahalata.

"Kailan pa po?"

"Medyo matagal na rin. Humanap lang ako ng timing dahil gusto ng tito Alonzo mo, nandoon rin siya kapag sinabi ko sa'yo kaya heto. I think this is the perfect timing."

"We're letting you know para in case, in case lang naman na may lumabas na news about sa amin ng mama mo, atleast you know what's true." Paliwanag ni Alonzo. Pero alam kong kinakabahan 'to hahaha. He's just trying to keep it cool.

"Okay po." 'Yun lang ang sabi niya kaya nagpapakiramdaman kami ngayon sa table.

"Approved po sa akin." Dugtong ni Kayleen at narinig ko kung paano nakahinga ng maluwag at malalim si Alonzo after hearing that. Alonzo tapped my lap under the table and I placed my hand on top of his.

"Thank you Kay." Binigyan niya kami ng tipid ng ngiti at sinuklian rin namin ni Alonzo ng malaking ngiti.

~~~~

They Don't Know About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon