Jadelia's POV
Nakakaantok! Gusto ko pa sanang matulog kanina kaso kailangan ng magtrabaho. Nakakalumbaba lang ako sa table at pinipigilan ang sarili na makatulog.
"Sleepy?" Tanong ni Alonzo while holding a paper bag and a drink carrier on his other hand.
"Tamang tama ang timing mo! Malapit na akong makatulog eh. Hahaha!"
Tumawa lang siya at ipinatong na sa mesa ang mga dala niya. "Hindi ka nagr-reply kaya hindi ko alam ang gusto mong kainin. Kaya magkaiba 'yung binili ko. Corned beef pandesal and chocolate croissant. Anong gusto mo?"
Gusto kita. Joke!
"Yung corned beef pandesal nalang." I answered so nilagay niya 'yun sa harapan ko together with my Java Chip Frappe.
"Wow! Alam mo na drink order ko ah." I said before taking a sip.
"Nakabisado ko na kasi nakikita ko lagi mong iniinom 'yan. Tama ba? With extra whipped cream and chocolate drizzle?"
"Yiz. Thank you!"
Umupo siya sa monobloc chair sa tabi ko and like what we planned last night, sabay kaming nagb-breakfast today. Maaga pa naman at talagang inagahan namin.
"How was your sleep last night? Nakita ko naka-online ka pa ng mga alas-diez ah?" Tanong niya.
"Ah, nagpapaantok nalang ako nu'n. Kakatapos ko lang kausapin si Hira, 'yung pinsan ko. Ikaw ah, nakabantay ka sa social media account ko."
"Wala, im-message sana kita kaso naisip ko baka tulog ka na."
"Actually baka tulog na nga ako nu'n kasi nagbasa ako ng script buong hapon so pagod ang aking brain."
Sa kalagitnaan ng kwentuhan namin, biglang bumukas ang pinto ng tent at iniluwa si Nicky. Literal na iniluwa dahil parang may tumulak sa kaniya mula sa labas.
"Anong nangyari sa'yo?" Natatawang tanong ni Alonzo sa kaniya.
"Eh itong junakis niyo, pinaghihinaalan na nandito kayo kaya ayokong pumasok eh kaso bigla akong tinulak." Lumitaw si Aila sa tabi niya na mukhang guilty sa sinabi ni Nicky.
"Pumasok nga kayo dito, para kayong mga naniningil ng utang dyan." Biro ko. Eh kasi naman, nakatayo lang sila sa labas.
Pumasok na silang dalawa at tumabi sa akin si Aila. Niyakap ko sa tagiliran ng mahigpit kasi sobrang lamig!! Baka naguguluhan kayo ha, 22 years old na itong si Aila, pero baby ko pa rin hahahaha!
"Bakit ka ba nasa labas?" I asked her habang nanatiling nakayakap ako sa kaniya. Si Alonzo naman ay nakangiti habang nakatingin sa amin.
"Eh invite ko po sana kayo sa birthday ko, akyat ulit tayo ng bundok. Ikaw rin ate Nicky!"
"Ay be, sorry, may event yata ako nu'n. Pero kung wala, gora ako dyan. 'Di lang ako sigurado." Reply ni Nicky sa kaniya.
"Layo pa ng birthday mo 'nak ah." Puna ko. Next month pa 'yun eh. Hahaha!
"Eh baka maunahan pa po ako ng schedule. Hehehe. If available lang naman po kayo sa araw na 'yun." She shyly said while rubbing my arm na nakayakap sa kaniya.
Nag-uusap kami ni Alonzo sa tinginan, hindi ko rin alam kung paano kami nagkakaintindihan pero nag-agree kami sa pinag-uusapan ng mata naming dalawa. "Sige kapag wala akong schedule, syempre pupunta ako, but I can't promise."
"Same with me." Segunda ni Alonzo.
"Sige po, ayos 'yan. Pero teka, nags-solo kayo dito ah." Sabi ni Aila na may kasamang mapang-asar na tingin sa aming dalawa ni Alonzo. Hula ko talaga, si Aila unang makakabuko sa amin ni Alonzo. Malakas ang instincts ng batang ito eh.
BINABASA MO ANG
They Don't Know About Us
RomanceFrom a beautiful friendship to a secret relationship? Started: 4-15-21 Finished: