Alonzo's POV
I woke up early today even though it's a Sunday because I'm going to go biking outside. Maganda ang weather, not very sunny at hindi rin makulimlim. Just the right amount of sunshine.
While drinking my morning smoothie, I decided to chat Ellie dahil hindi pa kami nagkakausap mula kahapon which is a bit unusual kasi lagi kaming nagk-kumustahan eh.
:Good Morning 😊
I didn't expect any reply since maaga pa and madalas, tulog pa siya ng ganitong oras kapag weekends. As I was about to put my phone down, tumunog 'yun.
[Ellie]: Good morning! Magb-bike ka?
Oh! Gising na pala siya. Hahaha.
:Yes. How did you know? Hahaha. Sama ka?
I found myself smiling as I was replying to her.
[Ellie]: Ang aga mo nag-chat eh. Kakagising ko lang kaya. Sige, next time ride tayo.
I got excited upon reading the last sentence. I would love to go biking with her. Sadyang magulo lang ang mga schedule namin sa trabaho pero I hope, I'm hoping that we can bond again soon.
:Let's set that. 😊😊
[Ellie]: Sige ba! Wait, toothbrush lang ako. Later ulit.
:Sure.
After finishing my morning smoothie, kinuha ko na 'yung biking helmet ko and I went outside to start my day.
Jadelia's POV
It's Sunday and niyaya kong umalis si Kayleen. Minsan lang ako magkaroon ng free time dahil kahit wala akong taping, tulog naman ako buong araw.
Naka-simple jeans lang ako with black shirt and a denim jacket. I also wore one of my favorite sunglasses na regalo noon ni Alonzo sa akin. Pareho kasi kaming mahilig sa ganito so he gifted me one.
"Anong gusto mong lunch?" I asked Kay habang naglalakad kami sa parking lot papasok sa mall. Lunch time na kasi at hindi pa kami kumakain.
"Ramen, Ma." Sagot niya. Nakaakbay ako sa kaniya pagpasok namin ng mall and sa pinto palang ng mall, may mga tumitingin na sa amin na mga tao pero hinahayaan ko lang. Naka-shades rin naman ako kaya hindi kita 'yung buong mukha ko. Hahaha.
Dito kami nag-decide mag-lunch sa kinakainan namin na Japanese restaurant. Gusto ko rin ng sushi eh. Hehe, mapapagastos ako nito sa cravings naming mag-ina.
~~~~~
We're almost done eating. May isang plate nalang ng salmon sashimi and ako na ang uubos dahil busog na itong kasama ko.
"Ma, restroom lang ako." She excused herself.
"Sige."
While waiting for her, biglang may nag-approach sa akin na babae na parang kasing-edad ko lang or medyo older sa akin. "Miss Ellie, pwedeng magpa-picture?" Tanong niya.
"Sure po." Iniharap ko ang katawan ko sa kaniya kasi nakaharap pa ako sa table eh. Then she took a couple of selfies with me.
"Thank you po. Ang ganda ganda niyo talaga."
"To naman, ako lang po ito. Joke lang. Hahahaha."
"Nagdadalawang isip pa po ako kaninang lumapit kasi baka hindi ikaw. Sabi ko, 'hala 'yung asawa yata ni Alonzo Mendez 'yun ah?'"
Natawa lang ako sa sinabi niya. Asawa talaga ni Alonzo? Sabagay, asawa ko naman talaga siya sa current project namin, 'yun siguro 'yung tinutukoy ni ate.
BINABASA MO ANG
They Don't Know About Us
RomanceFrom a beautiful friendship to a secret relationship? Started: 4-15-21 Finished: