Alonzo's POV
Parang may tao sa paligid kaya humiwalay kami ni Ellie sa isa't isa, nagkatinginan pa kami habang nagpipigil ng tawa. Kinuha ko naman agad 'yung phone ko na nasa tabi ng fountain.
"Sunod ka lang sa akin." Bulong ko sabay hawak sa kamay niya. Hinila ko siya palayo sa lugar na 'yun at ang malalaki naming hakbang ay naging takbo. Nagtatawanan na kami habang tinatakbo mula sa garden hanggang sa makarating kami sa pinto ng hotel. Para kaming tumatakas habang nagd-date.
"Teka, ang layo nu'n ah!" She said while catching her breath. Natawa kami sa isa't isa nang magkatinginan kami. Nakapameywang pa siya habang nakasandal sa pader. Ako naman itong nakahawak sa magkabilang tuhod ko habang hingal na hingal rin. Medyo malaki rin kasi 'yung garden at ang layo ng tinakbo namin.
"Okay ka lang? Hindi ka ba natapilok?" Tanong ko habang sinusuri siya. Umiling lang siya habang pinapaypayan ang sarili niya.
"Balik na tayo.....bago pa tayo ma-headlines." Bulong ko kaya natawa siya. Nang makahinga na kami ng maayos, we walked back to the ballroom and sneaked our way in para walang makapansin na pareho kaming nawala sa party. Bagay kami, parehong pasaway. Hahaha.
Bumalik si Ellie sa seat niya at tinabihan ko lang siya.
"Nakakakaba 'yun ah." She whispered habang inaayos 'yung likuran ng damit niya."Buti pala parehong matalas pandinig natin." I kidded which made her laugh. I noticed that she's massaging the back of her ankle. "Nasaktan ka ba?" Tanong ko nang mapansin 'yun.
"Ano, tumatama sa bukong-bukong ko 'yung likuran ng sapatos ko nu'ng tumakbo tayo."
"Okay ka lang? What do you need?"
"Hindi, okay lang. Haha."
Umayos na siya ng upo then she leaned her back on the chair. "Picture tayo." Aya niya so I took my phone and gave it to her. Cellphone ko nalang ang gagamitin para nasa akin 'yung pictures. Hehehe.
"Smile!" She said while holding my phone up. She brought her face closer to mine as she was snapping pictures.
"Isa pa."
After taking photos, tinignan namin 'yung mga picture and she was swiping the pictures to the left then bigla siyang nagulat when she saw a picture of her. Agad kong kinuha 'yung phone ko para hindi niya ma-delete 'yung picture na 'yun.
"Bakit nasa gallery mo 'yun??!" Pabulong na sigaw niya. I just laughed in a guilty manner kasi wala akong maisagot.
"Nakakahiya. Remove mo 'yun." She said.
"Maganda ka kasi du'n kaya sinave ko."
"I was tipsy that time. Ni hindi ko nga maalala na nag-picture ako ng ganu'n eh." Paliwanag niya. Ohh! So that explains it! Mukha ngang nakainom siya sa picture na 'yun.
"It looks cute. Parang gusto mo akong i-kiss." I teased her kaya tinulak ng marahan ang balikat ko.
"Tanggalin mo na 'yun." She pleaded with a pout. Cute!
"Hayaan mo lang. Para may maganda sa gallery ko."
She crossed her arms and frowned kaya natawa ako at hindi kalaunan ay natawa na rin siya. How does she manage to be beautiful and cute at the same time?? It's mesmerizing.
We stayed for a few minutes more hanggang sa sinabi ni Ellie na uuwi na siya. Nagpaalam lang kami kay Ms. Heidee at sa mga kaibigan namin because it's getting late na rin and we still have work tomorrow.
"See you tomorrow." I said to her habang naglalakad kami sa tahimik na parking lot ng hotel. It's past 10 o'clock na rin and there's no one in the parking lot except for us.
BINABASA MO ANG
They Don't Know About Us
Любовные романыFrom a beautiful friendship to a secret relationship? Started: 4-15-21 Finished: