Jadelia's POV
The holidays went by fast. After my birthday, I enjoyed my holiday break with the three girls. Now, we're prepping up for the new year. It's the last day of the year at lahat kami ay busy dito sa bahay sa kaniya-kaniyang gawain.
Si Kirsten at Hira, nasa labas dahil sila ang runner kung may kailangang bilhin. Si Kayleen, naglilinis at ako, nandito sa kusina.
May nag-ring ng doorbell kaya dali dali akong nagpunas ng kamay sa kitchen towel at tumakbo sa gate. "Sandali!" Sigaw ko habang binubuksan ito.
"Oh? You're here?" Gulat na tanong ko kay Alonzo then he greeted me with a kiss. Hindi pa kami nagkikita since nu'ng birthday ko kasi parehong busy. He's spending time with his relatives eh.
"Yup. Syempre last day of the year, gusto kitang makita." Sabi niya. Pagkasara ko ng gate, agad ko siyang niyakap ng mahigpit.
"Na-miss kita!!"
"I missed you too. Last week pa kita gustong makita." Bulong niya. We stayed in that hug for at least 5 seconds bago kami humiwalay.
"Na-miss ko 'yung amoy mo! Hahahaha. Tara, pasok ka muna sa loob, nagluluto ako ng pang-Media Noche."
"Naaamoy ko nga. It smells good. Anong niluluto mo"? Tanong niya pagdating namin sa kusina.
"Brownies for dessert. Come here." Lumapit siya and he wrapped his arm on the side of my waist. Sinubuan ko siya ng brownie slice and I watched his reaction.
"Ano?" Tanong ko habang medyo nakatingala sa mukha niya.
"Hmm, can I be honest?"
"Sure. You'll be my critic." Sagot ko. Parang hindi yata approve ang luto ko eh.
"Masarap." Sabi niya 'tapos kumagat ulit.
"Akala ko naman kung ano! May pa-'Can I be honest' ka pa. Hahahaha!"
"Kuha ka lang dyan kung gusto mo pa. Be careful lang ah. Mainit." I warned him. Kakalabas palang kasi sa oven.
"Yes, chef!" Kumuha siya ng isa and hinipan muna bago kagatan.
"Nasaan na sila Kayleen?" Tanong niya.
"Si Kay, naglilinis. Baka nasa kwarto. 'Yung dalawa, ayun nasa labas, they're running some errands."
Tumango tango lang siya habang ini-enjoy 'yung kinakain niya.
"You look lovely, Love." Sabi niya.
"Sus, Alonzo Mendez, at it again with his flattering compliments." Tumawa lang siya sa sinabi ko. Mahilig mag-compliment ito eh.
"Totoo nga. Ang sexy mo sa apron na 'yan."
Kinilig ako. Kasi naka-fit na apron ako dahil ang higpit ng pagkakatali ko kanina. Nab-bother kasi ako kapag maluwag eh. And 'yung hair ko, literal na messy bun. Apakagulo.
"Bola! Gusto mo i-gawa kita niyang brownies para makapag-uwi ka mamaya?" Tanong ko.
"Sure. I'll never say no to your cooking and baking." Napangiti na naman ako. Sige Alonzo, magpakilig ka lang para masarap itong maluto ko.
While I was mixing the ingredients, he suddenly hugged me from behind and rested his face on my shoulder.
"Hahaha, naa-out of focus po ako sa ginagawa mo, Mr. Alonzo." I kidded kaya lalo niya akong dini-distract. He kissed my left cheek and I can't help but scream internally. Help! Nilalandi ako ng nilalang na 'to!
"Ang harot mo, Love ah." Biro ko sa kaniya and I heard him chuckled because sobrang lapit ng bibig niya sa tenga ko.
"I just missed you so much." Response niya sa mga sinabi ko.
BINABASA MO ANG
They Don't Know About Us
Roman d'amourFrom a beautiful friendship to a secret relationship? Started: 4-15-21 Finished: