Chapter 8

58 5 8
                                    

Jadelia's POV

"Ellie..." I got awakened by a tap on my arm. Nag-aadjust pa ang paningin ko kasi ang liwanag na sa paligid.

"Nandito na tayo?" Tanong ko habang inaayos 'yung buhok ko. Puro puno sa paligid at may sobrang gandang view sa kanang side. Nakakarefresh! Ang ganda dito!

"Yup. Gusto mo na bang bumaba o hintayin muna natin sila Aila?"

"Tara na. Dapat pinipicture-an 'yung ganito kagandang view." Lumabas na ako ng kotse dala 'yung phone ko. Nagsuot rin ako ng black cap.

I snapped a couple of pictures of the mountains sa paligid namin. Nature is truly amazing. Ang ganda talaga. Ang fresh pa ng air and medyo malamig.

"Early birds!" Napalingon kami sa boses na 'yun. It's Aila with her boyfriend, Michael.

"Uy! Nandyan na pala kayo! Tara picture!" I raised my phone in mid-air and snapped selfies.

"Hintayin nalang natin si Carson tsaka 'yung dalawa ko pang kaibigan then start na tayo sa trail." Sabi ni Alonzo kaya sinulit muna namin ni Aila ang pagp-picture habang sila Michael ay nagkukwentuhan sa tabi nu'ng mga kotse.

"Ang traffic na po nu'ng umalis kami." Sabi ni Aila.

"Oh? Grabe ang aga pa ah. Sabagay, lagi namang traffic sa Maynila."

"Nagsabay po kayo?" Tanong niya referring to me and Alonzo.

"Oo. Sinundo ako kaninang madaling araw." Sagot ko pagkatapos ay binigyan na naman ako ng makahulugang ngiti kaya pabiro ko ulit na kinurot sa tagiliran pero nakaiwas.

We waited for Alonzo's nephew and friends at pagkatapos ng ilang minuto ay dumating na rin sila kaya may kinausap na si Alonzo sa front desk? Hindi ko alam, siya ang nag-organize nitong lakad na 'to eh.

~~~~~~~

Narating na namin 'yung area kung saan kami magc-camp mamaya. Hinihingal pa rin ako dahil sa nilakad namin. Nauunang maglakad si Aila, Michael and Carson 'tapos nasa gitna kami ni Alonzo at nasa likuran namin sila George at Karl, 'yung friends ni Alonzo pero medyo malayo sila.

"Dito po 'yung camping area pero meron pa pong aakyatin doon. Pwede naman pong mag-rest muna and continue tayo mamaya." Sabi ng assigned tour guide namin.

Naupo ako sa isang bato at tinanggal 'yung sumbrero ko para ipang-paypay sa sarili ko. Hinahabol ko 'yung hininga ko grabe nakakahingal!

After a quick rest, napagdesisyunan namin na ipagpatuloy na 'yung paglakad. Exercise talaga!

~~~~

We're watching the sunset from up here sa overlooking part ng bundok. Our tent is already set up and may nakaready na rin na bonfire pit para mamaya sa dinner. Naglilibot lang sila Aila at Michael around the area and maya maya daw ay babalik na rin kaya naiwan nalang kami ni Alonzo dito.

We're both sitting on a blanket na nakalatag. I'm hugging my knees and my chin is rested on it. Si Alonzo naman, he's sitting in a cool way, nakapatong 'yung right arm niya sa right knee habang nakastretch 'yung left leg niya in front of him.

"Gutom ka na?" He asked me.

"Hindi pa naman. Hintayin na natin sila Aila." Sagot ko.

There was a moment of silence between the two of us when he suddenly spoke.

"Let's play habang hinihintay sila."

"Haha, ano namang laro?" Tanong ko. Ano na namang naiisip nitong Alonzo na 'to?

"Two truths and a lie." He said.

"Pa'no ba 'yan?" Sorry ah, 'di ako updated sa mga laro ngayon eh.

"Natutunan ko lang din 'to kay Carson. We're going to say three statements about sa atin, 'yung dalawa doon ay totoo and may isang hindi. Kailangang mahulaan kung anong lie sa three statements. Game?"

They Don't Know About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon