Max Pov.
"Good morning, sunshine." Aniya ko pa sarili ko habang nakaharap sa salamin. Itinuro ko pa ang sarili at kinindatan. Muntanga lang e, no?
Wala namang maganda sa araw na ito pero magaan lang ang pakiramdam ko dahil mahaba ang naging tulog ko. Hindi naman kami gumawa ng ititinda namin dahil meron pa naman. Nag-message din naman sila sa gc namin para sa pagtitindang 'yon at napagdesisyunan na sila Harry ang gagawa ng palamig kaya abswelto ako. Iniwakli ko ang mga iniisip kong 'yon at saka ako naligo.
Matapos no'n ay nag-ayos at nagbihis ako saka bumaba. Pagbaba ko ay sobrang bango ng niluluto. Sininghot ko pa ang hangin para mas maamoy ito at malaman kung anong niluluto.
"Ang bango naman niyan Ma, ano 'yan?" Pagtatanong ko pa nang marating ko ang kusina. Nilingon naman niya ako dahil nakatalikod siya sa gawi ko.
"Adobo ito. O siya, kumuha ka na ng plato at ng kanin dahil malapit na itong maluto. Na-ayos ko na rin ang ice candy sa cooler box," Mahabang sambit niya at nginitian ko naman siya bago pa siya tumingin sa niluluto niya. Ang bait talaga ng mama ko.
"Thanks ma, sige po eto na." Tugon ko pa at sinunod ang ini-utos niya.
Maya-maya pa ay naluto na ang ulam na adobo kaya naman agad kaming kumain ni Mama. Himala nga dahil akala ko'y hindi nagmamadali si Mama ngayon, 'yun pala ay sadyang maaga lang akong nagising.
Pagtapos naming kumain ay agad kong hinugasan ang pinag-kainan. At matapos no'n ay nag-prepare din ako ng baon ko para sa remedial class.
Maya-maya pa habang chine-check ang ice candy na nasa ref ay nagpaalam na si Mama na aalis na raw siya. Nagbilin pa siya ng kung ano-ano at tumango lang ako rito.
Halos kabisado ko na 'yung linyang 'yon ni Mama kaya naman umiiling habang nakangiti pa akong umakyat sa kwarto ko para ayusin ang mga gamit na dadalhin ko. Habang ginagawa ko 'yon ay may narinig akong sigaw sa baba kaya naman agad akong sumigaw bilang tugon.
"Teka lang." Sigaw ko na parang si Mama. Jusko, kung gano'n na ka-lakas yung boses ko, ano na lang yung kay mama? baka matalo no'n ket gaano kalakas ang bass ng speaker.
"Faster." Malakas ngunit elegante pa ring sigaw ng bestfriend ko. Grabe talaga 'tong bestfriend ko. Sisigaw na lang may accent pa, jusme. Pag siya napagalitan diyan ng kapitbahay, bahala siya. charot!
Binilisan ko naman ang pagkilos at agad na pumunta sa kusina para kunin ang cooler box. Matapos no'n ay ini-lock ko na ang pinto at lumabas na.
"Good morning, bestie!" Aniya pa at ngiting ngiti. Ang aga pero napansin ko agad yung kapitbahay naming pinagtitinginan siya. Palibhasa, sobrang lakas ng datingan. Pang mayaman. Well, mayaman naman talaga sila.
"Good morning din. Ang ganda ng umagang 'to no? pero mas maganda ako," Pagbibiro ko pa at napatakip naman siya bibig na animo'y natatawa at di makapaniwala.
"Bakit? angal?" Pagtataray ko pa kunwari. Umiling naman siya at sumagot.
"Hindi ah, sakay na po madam princess." Aniya at nando'n na naman ang bodyguard para kunin ang cooler box at alalayan ako kaya inabot ko ito at hinayaan ko siyang tulungan ako.
Umupo naman ako agad pagka-sakay ko at agad ding sumunod si Shin. Hindi talaga ako kumportable na mapagitnaan pero magrereklamo pa ba naman ako? Siyempre hindi na.
"Kamusta kaya yung benta natin kahapon? Hindi ko alam kung yung 1,000+ e malaki na..." Malungkot at nag-aalalang sabi ko kay Shin. Napanguso pa ako sa isiping 'yon.
Kung para sa'kin lang naman, ay malaki naman na 'yon. Pero kasi... nasa sikat na school ako at mataas ang standards dito kaya hindi ko alam kung malaking halaga na ba ang 1000 para sa kanila.
BINABASA MO ANG
Hearts Between The Lines (ON-GOING)
RomanceSi Max Ethan Garcia ay isa lamang simpleng estudyante ng Imperial College. Kagaya ng isang normal na estudyante ay mayroon din siyang crush, at ito naman ay si Harry Kyle Bailey. Isang mayaman na exchange student mula sa London at isa ring modelo n...