CHAPTER 39

25 1 0
                                    

Mirrem's Pov. 

May malaking ngiti sa aking labi habang nagmamaneho matapos ang naging usapan namin ni Max. 'He really cares for me.' 

Ngunit agad din iyong napalitan ng pagtataka nang magreplay sa utak ko ang usapan namin kanina. Nakunot ang noo ko sa napansin ko sa kaniya kanina. Nang mabanggit ko si Mommy para siyang nataranta. Ang weird.

'Hindi kaya…may tinatago siya sa'kin?' 

Bakit feeling ko may sinabi talaga sa kaniya si Mommy? Ang lakas ng pakiramdam kong meron, at alam kong hindi maganda…

'Pero sana mali ako….sana talaga.'

Si Shin na lang siguro ang kakausapin ko tungkol rito. Baka sakaling may alam siya.

Iniwakli ko ang mga iniisip at umiling pa sa hangin. Nagfocus ako sa pagda-drive hanggang sa marating ko ang bahay ko…

Pagka-parada ay agad akong umakyat sa kwarto ko at nagpalit. Matapos no'n ay dinampot ko ang aking MR. PORTER backpack at inilagay ang iilang damit ko roon. Puro spandex tshirts at boardshorts lang ang dinala ko at iilang underwears at boxers. 

Nagdala na rin ako ng toothbrush, shampoo, at ano-ano pang supplies dahil may naalala ako. 

Yung sabon sa cr nila na may strawberry scent. I even remember the nasty thing I though when I smell it. 

'Ganito rin kaya ang amoy ng—' 

At tinuktok ko ang ulo matapos maalala ang malaswang bagay na iyon na naisip ko habang naliligo roon. 

Kaya naman napailing ako. 'Stop it, Mirrem. You're disgusting!'

At uminom pa muna ako ng tubig bago ako tuluyang umalis upang bumalik kina Max bitbit ang gamit na inempake ko pati na rin ang laptop ko. 

______

Hindi ko alam kung ilang oras ang itinagal ko. Ngunit pagbalik ko kina Max ay may kaunting butil ng pawis siya sa noo at nakita kong medyo basa ang suot niyang gray na tshirt. 'Still cute, tsk!' 

"Oh!" agad na naglakbay ang tingin niya sa balikat ko matapos akong pagbuksan. "Ang laki naman ng bag na dala mo. Dito ka na ba titira?" pabiro niyang tanong at ilang segundo pa bago ako nakapag-react.  

"Why? Will you allow me to?" pabirong tanong ko rin pabalik at pinandilatan niya lang ako. "Neknek mo," natatawang aniya. At agad ko naman siyang tinanong ulit habang naglalakad kami papasok sa kwarto nila. 

"Btw, why are you sweaty? What are you doing?" kaswal na tanong ko at pinunasan niya pa ang butil ng pawis sa noo gamit ang likod ng palad. "Ah, nagluto kasi ako kanina tas naglalaba naman ngayon," at naupo naman ako sa kama ng marating ko iyon, at inilapag ang bag ko roon. 

"Tulungan na kita," ani ko at agad niyang ikinaway ang kamay sa ere. "Ay hindi na. Tara na sa kusina at para maka-kain ka na," wika pa niya at nakunot ang noo ko. Naninibago sa pagtrato niya sa'kin. Ba't ang sweet neto? Kinakabahan na tuloy ako. 

'Pagka-ganyan pa naman siya, may hindi magandang kasunod na nangyayari.' 

"Ba't ang sweet mo? Kinakabahan tuloy ako," may bahid ng lungkot na ani ko. Takang nilingon naman niya ako habang papunta kaming kusina."Huh?" aniya at bumuntong hininga ako. 

"Pag ganitong sweet ka, palaging may kasunod na hindi maganda. Kaya mas maigi nang sungitan mo'ko kaysa naman hindi na naman tayo maging okay sa susunod," mahabang sabi ko at tinalikuran niya naman ako. "Ang paranoid mo. Guni-guni mo lang yan. Tara na't para makakain na tayong dalawa," aniya at lumakad na papuntang kusina at sumunod naman ako habang nakanguso. 'Sana talaga paranoid lang ako.' 

Hearts Between The Lines (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon