CHAPTER 16

43 7 7
                                    

Max Pov.

Monday...

Maaga akong nagising ngayong lunes at tapos na rin naman akong maligo kaya agad akong bumaba para maka-kain na. Dinala ko na rin ang mga dapat kong dalhin para hindi na ako umakyat pa ulit mamaya.

Maaga rin talaga akong nagising ngayon dahil hindi ako madadaanan ni Shin ngayong araw. Hindi na ako masyadong nag-isip at dumiretso na sa kusina.

Nadatnan ko si Mama na naghahain na ng pagkain. Nang mapansin niya ako ay agad siyang nagsalita at inaya akong kumain.

"Oh, kumain ka na. Maghugas ka muna ng kamay," aniya pa na agad kong sinunod. Habang naghuhugas ng kamay ay nagtanong pa ako.

"Kamusta naman pala yung nilakad mo kahapon, Ma?" tanong ko pa habang nakatalikod sa gawi niya. Agad naman siyang sumagot. "Ayos lang naman.. babalik pa ako ulit do'n para makuha ko ang titulo," aniya at tumango naman ako na para bang nakikita niya 'yon.

"Sige..kain na tayo," aya ko pa matapos kong maghugas ng kamay at sabay kaming naupo para kumain. Habang kumakain ay nagtanong pa siya. "Siya nga pala, wala ka namang problema sa school mo?" tanong niya. At medyo kinabahan ako do'n sa di malamang dahilan ngunit hindi ko iyon ipinahalata at saka sumagot.

"Ayos lang naman po," tugon ko.

"Mabuti naman. Basta, wag kang magdalawang isip na sabihin sa'kin kung meron. At kung kelangang papuntahin ako.. sabihan mo lang si Tita Irene mo," aniya at napabuntong hininga pa ako bago tumango at sumagot.  As always namang si Tita Irene, e. Pero, kahit mahirap intindihin ang rason mo, Ma. Pipilitin kong intindihin kase mahal kita. Hindi na ako magtatanong ng kahit ano, iintindihin ko na lang.

"Opo," tanging naisagot ko at walang ganang nagpatuloy sa pagkain. Nauna siyang matapos kumain at nagpaalam siya na mauuna na dahil may delivery silang dadating ngayon. Kaya naman, matapos no'n ay ako ang naghugas ng pinagkainan at naglinis ng mesa.

Matapos kong gawin 'yon ay agad kong kinuha ang malinis na cooler box at sinimulang lagyan 'yon ng ice at ng ice candy. Mabilis ko lang din naman natapos iyon at handa na ako para gumayak.

Kagaya ng naka-gawian ay sinigurado ko munang sarado at naka-lock lahat bago ako tuluyang umalis ng bahay at pumunta ng school.

Pagka-sakay ko ng jeep ay alas-sais pa lang kaya medyo malamig pa ang simoy ng hangin at mabilis pa ang daloy ng trapiko. Hindi naman nagtagal ay narating ko na rin ang imperial college.

Pagkapasok ko ay agad akong dumiretso sa room habang dala ang cooler box. Pagkarating ko pa roon ay nakabibinging katahimikan ang sumalubong sa akin. Masyado yata akong napaaga ngayon, tsk.

Naupo pa muna ako saglit at inilapag ang bag ko sa upuan ko. At nang mabagot ako ay dumiretso ako sa Stress Free Zone dala ang mini diary ko at ang librong binabasa ko.

Mabilis ko namang narating 'yon at prente akong naupo sa bench na lagi naming inuupuan ni Sir. Oo nga pala, kamusta na kaya yung Mr. Pouty lips slash bakulaw na 'yon? Well, ano bang pake ko? Pero for sure naman, wala nang lagnat 'yon. Masamang damo 'yun, e. At saka magaling ako mag-alaga no, tsk. haha.

Hindi na ako masyadong nag-isip at magbabasa na sana nang parang biglang dumilim. Nanlaki pa ang mata ko nang magsalita ito sa bandang likuran ko. Speaking of...Este thinking of, ayan na siya. Tsk!

"Good morning.. baby ko,"aniya pa at tiningala ko naman siya. Yumuko naman siya mula sa likuran ko at nakatitig lang sa mga mata kong masama ang tingin sa kaniya.

"Walang maganda sa umaga lalo na pag mukha mo ang babalandra. At saka ano bang ginagawa mo rito?" Angil ko pa sa kaniya at umayos ng upo at kunwaring nagbabasa. Mabilis naman siyang umupo sa tabi ko bago sumagot.

Hearts Between The Lines (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon