Max Pov.
Kanina pa ako nasa classroom at ako lang mag-isa dahil break time pa naman. Inaya pa nga ako ni Shinna pumunta sa canteen ngunit tumanggi ako dahil wala akong gana.
Gustohin ko mang magsulat sana sa aking mini diary ay hindi ko magawa, dahil paulit-ulit na nag-eecho sa pandinig ko ang mga sinabi ni Sir. Mirrem kanina..
"Nakakairita, wala ba talaga siyang pake kahit sinong makarinig sa kaniya?" Inis na bulong ko pa sa sarili at halos mabali ko naman ang ballpen na hawak ko dahil sa gigil..
Hindi ko talaga mawari kung bakit ginagawa niya 'to. Ano bang gusto niyang mangyari? Gusto niya bang mahulog ako sa kaniya at paasahin ako? No way! Hindi 'yon p'wede no. At saka sinabi niya rin naman na wala siyang gusto sa'kin at trip lang 'yon. Edi, sasakyan natin siya. Anong akala niya sa'ten? Loser? Ibabalik ko ang ginagawa niya sa'ken! Humanda siya. tama-tama.
At saka si Harry naman ang gusto ko, ang pinapangarap ng puso ko. Kaso malabo rin 'yatang maging akin.
Napanguso pa ako sa isiping 'yon pero bigla akong may naalala. Bakit nga kaya ganun yung reaksyon kanina ni Shin? May gusto kaya siya kay Sir? Dapat ko na talaga siyang obserbahan para ako naman ang manukso sa kaniya. Aba, kotang-kota na siya sa pagpapahalata niya pag nandyan si Harry. Kung sakali man talaga na meron. yari ka sakin, bestie ko.
Napangiti pa ako sa naisip kong 'yon ngunit naglaho naman 'yon agad at napalitan ng pagkakunot ng noo nang bigla kong maisip ang naramdaman ko kanina. Bakit kaya ganun? Bakit parang nasaktan ako kanina nung narinig ko yung sinabi nung estudyante na baka si Shin yung tinawag na Baby ni Sir? Hindi ko alam, pero ano bang alam ko sa bagay na 'yan? At saka baka kirot lang yun dulot ng kaba kasi syempre bawal magkaroon ng relasyon ang estudyante at teacher. Tama! tama! yun 'yon.
Hindi ko nga alam kung ano ang magiging papel nito ni Sir sa buhay ko, namin. Pero ngayon? parang alam ko na. Ang bwisitin kami, oo. yun talaga 'yon. Napapikit pa ako sa isiping 'yon. Siguro, gagamitan ko na lang siya ng ipinagbabawal na teknik. Ang dedma teknik, tas pag di na kaya edi bounce back natin sa kaniya ginagawa niya. Basic diba?
'Humanda ka sir.'
"Tama tama, 'yon ang gagawin ko." Ani ko pa sa sarili at ngumiti ng pagkatamis-tamis habang nakapikit.
"Anong gagawin mo?" Laking gulat ko at naidilat ko bigla ang mata ko para tignan ang nagtanong. Bwiset talaga na bestfriend 'to, papatayin din yata ako sa takot at kaba.'
"At saka ba't may pa-pikit pikit ka pa. You're really scaring me, tho." Aniya pa at umiling pa ako bago sumagot. Nanatiling nakatayo siya sa harap ko at iniilag pa kunwari ang ulo niya.
"Ay, wala. Sabi ko gagawin ko yung tinuro ni Sir. Mirrem mamaya sa remedial class," ani ko pa habang may pekeng ngiti sa labi. Please, maniwala ka na lang.
"Ah, okay. I thought kase na--" Aniya pa na agad kong pinutol.
"Wala nga kase. Anyways, hindi mo ba narinig yung kanina?" Tanong ko pa sa kaniya habang nakatayo siya sa harap ko. Hinila ko naman muna siya para mapaupo siya sa tabi kong upuan.
"What?" Tanong pa niya at binigyan ko siya ng nanunuksong tingin.
"Ikaw yung inaakala na tinawag na baby ni sir kanina, ayieee." Tugon ko pa at may kaunting kirot naman akong naramdaman sa pagsabi no'n. Ano bang nangyayari sa'kin, normal pa ba 'to?
"Ha? Anong ako, e diba ikaw?" Ilang at takang sagot niya. Pumeke pa ako ng ngiti at tinukso siya.
"Ayses, ikaw nga ang inakala nilang tinawag ni sir na baby. For sure, chismis na kayong dalawa bukas dito sa school." Tugon ko at ngumisi pa sa kaniya. Agad namang bumakas ang ilang sa kaniyang mukha.
BINABASA MO ANG
Hearts Between The Lines (ON-GOING)
RomanceSi Max Ethan Garcia ay isa lamang simpleng estudyante ng Imperial College. Kagaya ng isang normal na estudyante ay mayroon din siyang crush, at ito naman ay si Harry Kyle Bailey. Isang mayaman na exchange student mula sa London at isa ring modelo n...