Mirrem's Pov.
Latang-lata at antok na antok akong bumangon matapos tumunog ng alarm ko. Hindi ko alam pero hindi ako nakatulog dahil sa kakaisip ko kay Max.
I don't really want to think about him but this mind sucks. I can't control it.
Ang mas grabe pa, nag-iisip na ako ng kung ano-ano tungkol kay Max. Just like, what he would look like if he is wearing my jacket? what if we're actually a couple.Ako pa nagsabi kagabi ng wag niyang isipin na date 'yon pero ang totoo ang isip ko mismo ang nag-iisip na date 'yon, tss.
Halos mag a-apat na araw pa lang naman simula nung magkakilala kami.. Ni hindi pa nga kami gano'n ka-close pero ba't ganito na?
Napailing ako sa naisip ko. Hindi p'wede 'to.
"Mirrem Cedric, it's just nothing, okay?" Pagkausap ko pa sa sarili ko sa salamin dito sa loob ng cr ko.
"Wala lang 'yang naiisip mo, hindi mo na dapat pang isipin 'yan. Mas marami ka pang dapat isipin." Dagdag ko pa na itinuturo pa ang sarili sa salamin.
"Wala lang, 'to. Oo, wala lang." Sambit ko pa habang patungo na sa shower para maligo.
Magkikita kaya kami ngayon? Fuck, ba't ko pa ba iniisip 'yon. Tss.
Ngunit habang naliligo ay biglang lumitaw siya sa paningin ko at ang suot niya kahapon. Ang cute niya, tss.
Napangiti pa ako dahil do'n at nahampas ko pa ang ulo ko nang marealize ko ang ginawa ko. Baliw na nga yata talaga ako..
Ay bahala na, basta masaya ako ngayon.. Hindi ko na pipigilan ang sarili ko, hindi na ngayon. I've always been careful throughout my entire life. I just wanted to feel free and to be careless. I just want to think about myself and my happiness.
Besides, hindi ko naman siya gusto. Magkaiba ang iniisip sa gusto? Kaya hangga't hindi ko siya gusto, walang mali ro'n at hindi ko pipigilan ang sarili ko. Hindi ko rin dapat pigilan. I don't want to control my life anymore, I just want to go with the flow.
Hindi na ako masyadong nag-isip pa at mabilis kong tinapos ang pagligo ko at saka ako nagbihis . Matapos no'n ay pumunta ako sa kusina para tignan kung handa na ba ang baon ko para mamayang lunch.
"Yaya, okay na ba 'yung pinaluto ko?" Tanong ko pa sa yaya kong nakasalubong ko.
"Yes sir, nakapag-salin na rin po ako sa tupperware nung rice saka nung menudo," tugon niya at nagpasalamat naman ako.
Matapos no'n ay tinignan ko pa ang kanin. Teka! parang onti to, e. Dagdagan nga natin.
Hindi ko alam pero habang ginagawa ko 'yon ay iniisip kong magsa-salo ulit kami ni Max. Oo nga, dapat ko talagang dagdagan.
Ano ba 'tong ginagawa ko? normal pa ba 'to? O baka tulog pa ako at panaginip lang 'to?
Tinampal ko pa ang sarili para tignan kung panaginip ba o hindi, pero nasaktan ako kaya reyalidad ito.
Hindi na ako nag-isip pa at pinalamig muna saglit ang pagkain bago takpan at gumayak.
Max Pov.
Kagaya kahapon ay maaga na naman akong nagising. Hindi ko alam pero baka dahil lang din sa maaga akong nakatulog. Mga 8 siguro ako nakatulog, ewan.
Habang nakahiga at nakatingin sa kisame ay bigla kong naalala ang nangyari kagabi..
Dulot lang siguro ng jollibee 'yon kaya bumait, chos. Hindi na ako masyadong nag-isip pa at bumangon na. Tinignan ko pa ang librong dala ko kagabi na nasa lamesa at napangiti. Yehey, may babasahin na naman ako.
BINABASA MO ANG
Hearts Between The Lines (ON-GOING)
RomanceSi Max Ethan Garcia ay isa lamang simpleng estudyante ng Imperial College. Kagaya ng isang normal na estudyante ay mayroon din siyang crush, at ito naman ay si Harry Kyle Bailey. Isang mayaman na exchange student mula sa London at isa ring modelo n...