Max Pov.
Ngayong araw ay maaga akong nagising kaya hindi ko narinig ang pagbubunganga at litanya ng nanay ko. Bago pa ako tuluyang maka-ligo ay binigyan niya na ako ng baon dahil siya raw ay mauuna nang umalis..
Pina-alalahanan at binilinan niya pa ako ng kung ano-ano at lahat nang 'yon ay tamad kong tinanguan.
Matapos kong maligo ay dating gawi. Nag-ayos ako ng bahagya sa harap ng aking salamin at matapos no'n ay bumaba na ako para kumain. May inihanda na rin namang pagkain si Mama sa lamesa kaya hindi ko na kinailangan pang magluto.
Habang kumakain ay tila parang palabas sa telebisyon na nag-play ang nangyari kahapon at muli na namang nag-echo ang sinabi ni Sir.
'You're my baby'
'You're cute and pretty'
"Baliw yata siya?" Pagkausap ko pa sa sarili ko na para bang sasagutin ako neto.
'Lalagnatin 'yata ako sa'yo sir.'
May paraan ba naman kaya para maiwasan ko siya? S'yempre wala. Teacher ko siya, e. Not unless, maka-graduate na ako. Sana naman hindi na maulit yung pangt-trip niya na 'yon diba? sana lang talaga!
'Manifesting'
Pumikit pa ako na parang nagriritwal at humihiling na sana ay hindi na muling maulit ang nangyari kahapon.
Matapos kong kumilos ay agad na akong sumakay ng Jeep para makapasok..
Pagka-sakay ko, kamalas-malasang inabutan ako ng traffic. Buti na lang ay sobrang aga pa.. or else, late ako neto sa klase.
Habang nasa sasakyan ay may nakasakay pa akong babae na parang halos may kaaway sa telepono.
"E, wala naman kasing nagsabi sa'yo na hanapin mo'ko. Tumigil ka na. Ayoko na," sambit ng babaeng katabi ko na may kausap sa telepono.
Hindi ko naman naririnig ang sagot ng nasa telepono pero base sa mga sinasabi at isinasagot netong babaeng ito, ay nakikipaghiwalay na siya sa katawagan niya. Ke aga-aga lq.
'Pag-ibig nga naman.'
Buti na lang talaga ay nalusutan ni Manong tsuper ang heavy na traffic ng kalsada at narating ko ang eskwelahan ng maaga. Wala pa namang masyadong students kaya naman agad kong ipinakita ang I.D ko kay Manong Guard at agarang pumasok.
Habang naglalakad papuntang silid ay agad kong nakita sa malayo ang anghel ng buhay ko. Ang siyang nagpapatibok ng mamon kong puso. Ang lalaking bumihag sa puso ni Ariana Grande. Ang lalaking nagpa-ibig kay Mariah Carey. Si Harry..
Talagang napakagwapo niya ngayong umaga, yung buhok niyang nalilipad ng mumunting hangin at ang ngiti niyang nagpapakilig sa puso ko. Napansin ko rin na sobrang iba ang charisma ng dating niya ngayong umaga at may mga kasama pa siyang may dala-dalang kung ano-ano. Agad naman akong napa-isip kung anong meron. May photoshoot kaya? Baka siguro ay siya na naman ang model para sa school magazine at para sa tarpaulin? Well, wala naman nang bago ro'n.
"I'm so proud of you, te amo." Bulong ko pa sa hangin na para bang maririnig ako neto. Naglakad naman na sila palayo at maglalakad na rin sana ako, nang may marinig akong pamilyar na boses na hinihiling ko na sana ay di ko narinig.
"Hey..'baby'" Aniya pa at inemphasized pa talaga ang word na baby or guni-guni ko lang? pero hindi, e.
Nilingon ko naman siya, hindi ko alam pero nasa mood ako sagutin siya ng pabalang. ni hindi na ako nag-greet. Feeling close ka diba? deserve mo 'yan..

BINABASA MO ANG
Hearts Between The Lines (ON-GOING)
RomanceSi Max Ethan Garcia ay isa lamang simpleng estudyante ng Imperial College. Kagaya ng isang normal na estudyante ay mayroon din siyang crush, at ito naman ay si Harry Kyle Bailey. Isang mayaman na exchange student mula sa London at isa ring modelo n...