CHAPTER 1

418 21 36
                                    

Max Pov.

Nagising ako dahil sa isang malakas na hampas sa aking paanan. Agad naman akong napabangon para haplusin ang parteng 'yon na tila ba uminit dahil sa hapdi. Kahit hindi ko na tignan at lingunin kung sino ang gumawa, ay alam ko na agad kung sino ang salarin..

Sino pa ba? s'yempre ang bungangera at madiskarte kong nanay na never pumalya sa pag-aalaga sa'kin.

Matapos niya akong paluin ay tila armalite na rumatatat ang bibig niya. Ayan na naman po siya, ke-aga aga. Jusko!

"Ano? ha? wala kang plano gumising diyan? First day of class mo ngayon tas late ka? Ano, wala ka na bang pangarap? Hindi ka ba naaawa sa'kin, magkanda-kuba-kuba na ako sa pagta-trabaho sa palengke tapos ganyan ka pa----" Agad ko siyang pinutol dahil sa lakas, bilis at tinis ng pagsasalita niya. Kelan pa ba siya magbabago? Halos makabisado ko na yung linyang niyang 'yan, tsk!

"Ma, etoooo na!" pasigaw kong sagot dahil sa inis at natahimik siya. Tinitigan niya lamang ako hanggang sa pagbangon ko. Nakasimangot akong umalis sa higaan at hinablot ang twalya ko. Nasa ganoon pa rin siyang pwesto na'ng biglang sumagot siya..

"Mabuti. Oh siya, nakahanda na ang pagkain. Kumilos ka na at male-late ka na." Aniya sa mas kalmado ng boses.  Matapos no'n ay umalis na siya na tila ba walang nangyari. Napapikit at buntong-hininga pa ako. Si Mama talaga.

'Nakakarindi, ang aga aga.'

Kumilos naman na ako agad at hindi na pinansin at inisip pa ang nangyari. Inisip ko na lang habang naliligo ang mga p'wedeng mangyari ngayong first day of class. Ano kayang mangyayari ngayong araw?  Napangiti pa ako sa isiping yon..

'This is my last year na sa high school kaya naman dapat maging memorable ito.'

Pagkatapos kong maligo ay agad kong kinuha ang uniform ko sa aking aparador. Tinignan ko naman ito at bigla may kung anong pumasok sa isip ko.

"Kelan kaya ako makakapag-suot ng unipormeng pang-babae?" Tanong ko pa sa sarili. Matagal ko na rin pinag-iisipang mag-pills o hrt na tinatawag, kaso maliban sa wala akong pera ay takot din ako. Siguro sa tamang panahon at tamang oras. Magiging ako at matutukoy ko kung ano ba talaga ang gusto kong maging ako..

Iniwakli ko ang mga naiisip at sinimulan ng magbihis. Matapos no'n ay inayusan ko ang aking sarili sa harap ng salamin.

"Lip gloss, check! Sunscreen, check! Curler and mascara, check! and tight line? check!" Pakikipag-usap ko pa sa sarili ko sa salamin. Bago ako bumaba ay pinuri at kinindatan ko pa ang sarili ko. Pagtapos no'n ay bumaba na ako.

Agad kong nakita si Mama na may inaayos na kung ano sa lalagyanan ng mga plato. Nang mapansin niya ako ay tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa.

Tinaasan ko naman siya ng kilay sa ginawa niya bago tuluyang naupo sa lamesa.

"At kelan ka pa natutong magpa-GANDA?" aniya na diniinan pa ang salitang ganda. Nag roll eyes naman ako at saka siya sinagot. Always naman akong maganda ah, ngayon lang ba luminaw ang mga mata niya?

"Ma, hello? Nasa lahi natin ang pagiging maganda? so, why ask?" Tanong ko pa rito at agad naman siyang  sumang-ayon.

"Oo nga pala ano, sorry naman anak. Pasensya na, ulyanin lang." Aniya at pumeke pa ng tawa.  Hindi ko naman na pinansin iyon at kumuha ako ng plato at sinimulan ng kumain.

Inaya ko naman kumain si Mama para sabay kami. Ngunit ang sabi niya ay kelangan na niyang pumunta ng palengke para magtinda, kaya hindi ko na siya pinilit pa.

Si Mama ay isang masipag at madiskarteng nanay. Kaya niyang gawin ang lahat para sa ikabubuhay namin. Si mama ay maagang na-byuda kaya kinailangan niyang kumayod para mabuhay kami. Isa siyang tindera sa palengke. Halos lahat na yata ng pwedeng itinda, itinitinda niya para lang may maipang-tustos sa akin este sa amin. Kung tatanungin ako. Hindi naman kami mahirap, ngunit hindi rin naman kami mayaman. Kami yung tipong sakto lang o nasa gitna lang kumbaga..

Hearts Between The Lines (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon