CHAPTER 18

38 6 9
                                    

Max Pov.

Mabilis na lumipas limang araw at lunes na naman ngayon. Hindi ko alam kung paanong nalampasan at hindi ko pinansin si Sir. Mirrem sa loob ng mga araw na 'yon. Maliban na lang nung lumapit ako sa kaniya para magtake ng exam para do'n sa remedial. Maswerte naman ako at naipasa ko 'yon kaya hindi na ako kasali sa remedial next week. Buti na lang din talaga. Si Shin naman ay ginawa ulit ang ginawa niya noong nakaraan. Nagulat nga din ako dahil si Harry ay kasali rin sa remedial. Pero kahit na ganon, ayoko pa rin sa remedial. Hindi naman ako kagaya ni Shin.

Buti na lang din talaga ay hindi na ako ginulo ni Sir. Hindi ko alam kung nagkakamabutihan na ba sila ni Shin ngunit hindi naman 'yon big deal para sa'kin. Ngunit kahit na ganon, ganito  pala kahirap ang iwasan siya. Halos maya-maya at minu-minuto kasi kung gambalahin niya ang utak ko.

Kahit ayaw kong isipin siya, kusa siyang pumapasok sa isip ko. Nagi-guilty ako kase alam kong nagtataka rin siya sa pag-iwas ko pero kailangan kong gawin 'yon. Alam ko kasing ako lang ang masasaktan pag tuluyan akong nahulog sa kaniya.

Halos mapuyat ako kagabi dahil kahit nakapikit ako ay lumilitaw ang mukha niya at ang iba't-ibang ekpresyon niya. Pero, dahil din do'n. Nakaisip ako ng kakantahin ko para sa event mamaya. Catch me I'm fallin' by Rachel Alejandro. Hindi naman sa nahuhulog na ako sa kaniya pero parang relatable lang, hehe

Nang matapos akong kumilos ay agad na akong nagtungo sa school dahil ayokong ma-late dahil maghahanda pa kami nila Serene. Dala ko na rin ang susuotin ko para sa sinasabing acquaintance party mamayang gabi.

Pagkarating ko sa music hall ay agad na akong hinatak ni Drishti dahil kailangan daw ay nasa backstage na kami. Malapit na rin daw kasing simulan. Ang aga pa pero dahil siguro sa dami rin ng activity kaya gano'n.

Hindi kami dumaan sa harap ng gymnasium bagkus do'n kami sa likod para diretso na sa backstage. Buti na lang din ay na-perpekto na at na-polishing namin ng saktong-sakto nung biyernes ang mashed-up namin.
Nang nando'n na kami ay agad kaming inutusan ni Serene na magpalit na agad naman naming sinunod.

Matapos no'n ay pinaglalagyan pa kami ng make-up ni Molly para daw presentable kami tignan sa jumbotron. Hindi naman siya actually jumbotron dahil parang led screen lang siya na malaki para sa mga estudyanteng mapu-pwesto sa bandang likod ng gymnasium mamaya.

Habang hindi pa nagsisimula ay nagpa-practice kami ng paulit-ulit sa likod. Hanggang sa magsimula na nga..

Hindi namin napansin na sobrang dami na rin pala ng studyante dahil sa likod nga kami dumaan.

Rinig na rinig namin ang boses ng lalaking emcee na nasa entablado at mukhang teacher sa college dahil kita namin siya mula rito sa backstage.

"Good morning everyone. It really gives me great pleasure to make some remarks at today's occasion for launching nutrition promotion month for 2013." panimula niya. Hindi naman ako nakikinig sa kaniya dahil naka-pokus ako sa dami ng tao ngayon rito sa gymnasium.

"Ladies and Gentlemen. The Nutrition month is celebrated globally to signify the importance of nutrition for human life and development. This whole month is concentrated with diverse activities to highlight and promote nutrition. The Ministry of Health and Sports with all its partners and stakeholder has declared the slogan "Invest in Nutrition: Join hands in building the Nation." to underpin the importance of Nutrition for a Healthy Nation. This era of the Sustainable Development Goals emphasis very high on addressing malnutrition. The SDG 2 is dedicated to "End hunger, achieve food security and improved nutrition and promote sustainable agriculture"; thus, ending malnutrition in all its forms by 2030. Addressing nutrition not only helps to achieve goal 2 but strongly linked to nearly 12 SGD goals out of 17. The UN General Assembly in 2010 declared 2010-2020 as the Nutrition Decade, to provide all stakeholders with a time-bound opportunity to strengthen joint efforts and achieve a healthier and more sustainable future. Therefore, investing in nutrition promotion prevails as a powerful instrument to build a productive and prosperous Nation," Mahabang sambit niya sa nakasulat sa teleprompter. Kita namin 'yon dito mula sa backstage.

Hearts Between The Lines (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon