Mirrem's Pov.
Nang tuluyan nang mawala si Max sa paningin ko ay agad na akong nagtungo sa faculty upang maghanda para sa remedial..
Pagkarating ko roon ay agad akong nagtungo sa table ko at kinuha ang mga gamit ko. Matapos no'n ay tinignan ko pa ang wrist watch ko. 12:55 na pala..
Bago pa ako maka-alis ng tuluyan ay tumama ang paningin ko sa jacket ni Max na nakasampay sa upuan ko rito sa faculty. Kinuha ko naman 'yon at idinampi sa mukha ko at inamoy. Pakiramdam ko ay nando'n pa rin ang amoy niya kahit pa nalabhan na ito at perfume ko na ang nanunuot do'n. Para akong baliw na baliw kay Max nito. Tss, haha.
Nakangiti akong ibinalik 'yon doon at saka nagtungo sa katabing classroom nitong faculty. Pagpasok ko roon ay halos kumpleto na sila kaya naman walang paligoy-ligoy na nagsimula na agad ako. Nakakatamad naman 'tong araw na 'to. Gusto ko na tuloy umuwi.
Dahil medyo tinatamad nga ako ay nagdecide akong bigyan sila ng pahinga at hindi muna binigyan ng mahabang exam. Pero nagbigay ako ng 10 mathematical problem na kailangan nilang sagutan.
Habang nagsasagot sila ay pumunta ako sa pintuan sa likod at doon tumayo. Tinanaw ko pa ang kalangitan mula ro'n at ang sarap sa pakiramdam tignan ng pagiging asul nito. Nahinto lang ako sa pagmumuni-muni nang may marinig akong usapan.
"Shin, diba wala namang boyfriend si Max?" pabulong na tanong nitong isang kagrupo ni Max. Eto yata yung nabanggit ni Max kanina, yung Xavier? Ano kayang meron sa kaniya? Bakit naman niya inaalam kung may boyfriend si Max o wala? Ano naman sa kaniya? Tss.
Kahit nagtataka ako ay hinayaan ko lang muna sila at pinakinggan ang magiging sagot ni Shin habang pinapanood sila sa gilid ng paningin ko..
"Wala, why?" takang pabulong na tanong ni Shin at napakamot naman si Xavier sa sintido bago sumagot.
"Wala lang. Gusto ko kasi siya ayain ngayon," pabulong na tugon pa nito kay Shin at binigyan naman siya nito ng nanunuksong tingin.
"Uy! I smell something's fishy. Anong meron, ha?" mahinang tanong ni Shin na may bahid ng panunukso at siningkitan pa si Xavier. Ngumuso pa si Xavier bago tuluyang sumagot. Pacute, tss.
"Wala, ah! Gusto ko lang siya ayain magdate. Ayain siya mag-dinner kami mamaya," tugon pa nito at kumamot pa sa batok at agad namang bumalatay sa mukha ni Shin ang kilig at nahampas niya pa ito ng mahina. Tss, dinner? mukha bang walang pagkain sila Shin at aayain niya pa ng dinner?
"Crush mo si Max, no?" kinikilig at pabulong na tanong pa ni Shin at nanunuksong nakatingin kay Xavier. At inismiran naman siya nito. "Isn't it obvious?" tugon nito at nag-init ang tenga ko. Ano? crush niya si Max? Tss.
"Quiet!" sigaw ko at masama ang tingin na nilingon ang gawi nila..
Medyo nawala ako sa wisyo nang dahil sa narinig ko. Kaya naman hindi na ako masyadong nag-isip at itinuon na lang ang atensyon ko sa pagtuturo sa kanila kahit parang nakakatamad at biglang nawalan ako ng gana.
Mabilis namang tumakbo ang oras at malapit na rin ang uwian. 2:45 pm pa lang ay nagdecide na akong i-dismiss sila. Habang papalabas pa sila ay narinig ko pa ang usapan nila Shin at Xavier. Napansin ko rin ang pagiging madikit ni Harry kay Shin. What's wrong with them? Max does like Harry? So, why? Pero ano bang pake ko? Problema na nila 'yan.
"Mauna na ako sa inyo. Maghahanda pa ako para sa dinner namin," sambit pa ni Xavier at tumakbo ng mabilis habang ang dalawa ay naiwan at sabay na naglalakad
Nang makalabas na silang lahat ay saka ko pa lang iniligpit ang gamit ko at saka nilisan ang classroom na 'yon at dumiretso pabalik sa faculty. Bago pa ako tuluyang lumabas para umuwi ay napangiti ako sa naisip ko.
BINABASA MO ANG
Hearts Between The Lines (ON-GOING)
RomanceSi Max Ethan Garcia ay isa lamang simpleng estudyante ng Imperial College. Kagaya ng isang normal na estudyante ay mayroon din siyang crush, at ito naman ay si Harry Kyle Bailey. Isang mayaman na exchange student mula sa London at isa ring modelo n...