Max Pov.
Maaga akong nagising ngayong araw sa di malamang dahilan, kaya naman.. agad akong bumangon para kumilos dahil biyernes ngayon at may pasok ako. At habang kumikilos ay bigla kong naalala ang mga nangyari kagabi sa birthday ko kaya agad na gumuhit ang malawak na ngiti sa aking labi. Ang tanda ko na pala, I'm officially 20 na ngayon, jusko. Bye, bye, teenage life na talaga ito at welcome na sa adulthood stage of life! P'wede na magpakarat at lumandi, char!
At habang naiisip ko pa ang mga 'yon ay biglang pumasok sa isip ko si Sir. Mirrem at ang ginawa niya sa'kin kagabi..
Naglaho ang ngiti kong 'yon at saka nakunot ang noo ko at napanguso pa dahil sa pagtataka kong nararamdaman..
Bakit kaya gano'n na siya sa'kin? Bakit naging sobrang bait at maalalahanin naman yata niya sa'kin? May ideya naman nang pumapasok sa isip ko pero ayoko naman siyang ma-misinterpret, baka kasi mali ako nang iniisip, e. pero... Ay shet, oo nga pala! mag-uusap kami ngayon. Jusme, ba't parang kinakabahan naman yata ako? At saka may kasalanan nga pala siya sa'kin! Ninakawan niya ako ng halik kagabi!
Nakasimangot pa ako dahil sa huling naisip ko ngunit matapos no'n ay nangiti rin naman dahil naalala ko ang effort niyang puntahan ako at bigyan ng regalo na suot-suot ko na ngayon. Isa lamang itong simpleng brown braided island bracelet na may metal plate sa ibabaw. At ang nakasulat sa metal plate ay ang acronym na M&M at may kaunting design na flower at splash. Ngunit kahit gano'n ay iba ang epekto nito sa akin at ang tuwang ibinibigay nito..
Pero, ano kayang meaning nitong M&M? Eto ba yung chocolate?
Hindi ko naman na masyado pang inisip 'yon at bumaba na para magluto dahil ang alam ko'y maagang aalis si Mama ngayon at si Tita Irene na dito natulog kahapon..
Buti nga ay tulog na sila nang lumabas ako kagabi, kaya hindi na ako nakwestiyon kung saan ako nanggaling, at kung kanino ang dala kong maliit na box kagabi..
Mabilis naman akong natapos sa lahat at handa na akong umalis. Ngunit bago ko ginawa 'yon at tinignan ko pa muna ang cellphone ko. At nagulat ako dahil may messages ako galing kay Shin at kay Xavier.
Inuna ko nang buksan ang kay Shin at mabilis itong binasa..
From: Shin Eun Lee.
Bestie, pinapasabi 'to ni Xavier. He said that he'll fetch you and take you at school. Try to check if nandiyan na ba siya sa kanto n'yo.
Sent. 6:10am.
Agad na nanlaki ang mata ko roon matapos kong mabasa 'yon at ilang segundo pa ay nagsalubong ang kilay ko. Bakit kelangan pang sunduin ako? Tss. Ano na naman kayang pakulo nitong lalaking 'to. Bigla siyang hindi namansin nung nakaraan tas ngayon.. aish, bahala nga siya.
Umirap pa ako sa hangin at saka ko binuksan ang mensahe niya para basahin..
From: Xavier Jon Legazpi
Good morning, Beautiful. Anong oras ka ba lalabas diyan sa inyo? I'm waiting here para sabay na tayo sa school. Reply asap.
Sent. 6:18am.
Masama ang tingin ko sa screen ng cellphone ko matapos kong mabasa 'yon. Tinignan ko pa ang oras at kasalukuyang alas-sais bente-tres na. Bahala siya diyan, di ko siya rereplyan.
Napahinga pa ako ng malalim bago iligpit ang phone ko at isinukbit ang bag ko. Sinigurado ko naman munang sarado ang lahat at wala akong nakalimutan bago ako umalis ng bahay at pumunta sa kanto..
Pagkarating ko roon ay nakakita ako ng sasakyan na kulay dark gray. Hindi ko alam kung kaniya 'yon pero sa tingin ko'y siya na 'yan. Agad ko naman itong nilapitan at nang mapansin niya siguro akong palapit ay ibinaba niya ang bintana at saka nagsalita..
BINABASA MO ANG
Hearts Between The Lines (ON-GOING)
RomanceSi Max Ethan Garcia ay isa lamang simpleng estudyante ng Imperial College. Kagaya ng isang normal na estudyante ay mayroon din siyang crush, at ito naman ay si Harry Kyle Bailey. Isang mayaman na exchange student mula sa London at isa ring modelo n...