CHAPTER 22

48 8 7
                                    

Mirrem's Pov.

Nang marinig kong tumunog ang bell ay agad kong nilisan ang faculty at tinungo ang classroom nila Max. Bahala na kung magalit ka, basta masabi ko. Ito lang din ang paraan para umamin sila sayo.

Pagkapasok ko ro'n ay nilingon ko pa ang gawi niya at nang mapansin kong nakatingin siya sa akin ay agad akong nag-iwas tingin..

Inilapag ko ang gamit ko sa table at saka ko sila hinarap at bumati..

"Good morning, class."

"Good morning, sir."

Matapos ang batian ay pina-upo ko na agad sila at mabilis na sinimulan ang diskusyon. Ilang minutos ang lumipas at habang nagtuturo at nagsasalita ay naririnig kong may nakikisabay sa akin kaya pinutol ko ang sinasabi ko..

"Okay, class. If positive ang sign nito at ang isa ay negative. The result will be ---" hindi ko tinapos ang itinuturo ko at nilingon kung sino ang nagsasalita sa bandang likuran. Agad na tumama ang paningin ko sa kaniya at sinamaan ko siya ng tingin..

Ang magaling lang naman na si Xavier Jon Legazpi na nakikipag-usap kay Harry Kyle Bailey. Akala siguro nito, tapos na ako sa kaniya. Dahil sa kaniya, hindi na naman kami maayos ni Max, tss. May pa-akbay pa kahapon sa mall, tsk. Etong sa'yo ngayon. Lintik lang ang walang ganti.

"You! stand up," seryosong utos ko sa kaniya at mukhang alam naman niyang siya ang tinawag ko kaya agad siyang tumayo at bahagyang nakayuko ang ulo. Natahimik ang buong klase at nilingon siya mula sa likuran. Kung pwede ko lang siya kotongan, ginawa ko na.

"Anong kinukwento mo kay Mr. Bailey? Yung tungkol sa date n'yo ni Max?" kunwaring tanong ko pa. At agad naman akong nakarinig ng mahinang mga bulungan galing sa iba pa nilang classmates ngunit hindi ko 'yon pinansin at walang kurap-kurap na pinanood at tinitigan siya..

"N-no..sir," napapahiyang tugon niya at mas yumuko pa. Matapos niyang sumagot ay tinignan at siningkitan ko lang siya ng mata saka ako nagsalita ulit. Mabuti naman, dahil di ka naman gusto ni Max.

"Mabuti kung gano'n. Dahil sa pagkaka-alam ko...si Harry ang gusto niya at hindi ikaw. Sit down," seryosong tugon ko at medyo naglakasan ang bulong matapos kong sabihin 'yon. Napapahiya naman at nagtatakang umupo siya na nilingon pa si Max.

Bakas din ang pagtataka sa mukha ni Harry habang si Shin ay yumuyuko dahil nakatingin din sa kaniya si Harry. Habang si Max ay nakayuko at kitang-kita ko na nakakuyom ang kamao at itinatago sa ilalim ng armchair. Sorry Max, pero para sa'yo to. Gusto ko lang malaman mong may ginagawa sila na lingid sa kaalaman mo. At hindi mo deserve 'yon kaya kailangan ko 'tong gawin..

Matapos no'n ay pinatahimik ko sila at nagpatuloy ako sa diskusyon ko. Mabilis na lumipas ang oras at hindi ko na sila binigyan pa ng exam at mabilis ko silang dinismiss. Pagkalabas ko ng classroom ay hindi pa ako nakakalayo nang may pumigil at tumawag sa'kin. si Shin.

"Sir," panimula niya. Tinignan ko lang naman siya at medyo hinihingal siya ng bahagya dahil mukhang tinakbo niya ang distansyang nalakad ko para mahabol ako..

"Hmm?" kaswal na tugon ko at tinignan lang siya. Tiningala niya pa ako bago siya sumagot at magsalita ulit..

"Ba't mo naman sinabi yung sikreto ni Max?" kompronta niya sa akin at sarkastikong ngumisi naman ako sa kaniya at saka siya sinagot. Ba't di niya problemahin 'yung tinatago nila kay Max? Gusto niya bang pati 'yon ako ang magbulgar? Tss.

"It's none of your business," tugon ko at blanko ang emosyon na tinignan siya. At pumikit muna siya ng madiin bago nagsalita ulit.

"Yes, it is. Kaibigan ko siya, e." aniya at sarkastikong nginitian ko siya. Kaibigan daw? pero tinataguan ng sikreto? Tss.

Hearts Between The Lines (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon