CHAPTER 7

82 8 10
                                    

Max Pov.

Kakauwi ko lang galing sa skwelahan at talaga namang nakakapagod ang araw na 'to. Ikaw ba naman pagtripan magdamag ng wirdo mong teacher, ewan ko na lang kung di ka mapagod. Leche siya, dinamay pa ako sa trip niya sa buhay. Ba't di na lang siya tumalon sa building no? Kung may problema siya, wag siyang mandamay punyemas, charot. Dami ko na namang sinasabi..

Medyo naguilty pa nga ako sa ginawa ko sa kaniya at biglang nagflashback ang lahat sa isip ko..

Flashback....

"Okay, class dismiss. Deretso uwi na ha.." Sambit pa ni Sir. Mirrem slash baby pouty lips. Napangiti naman ako hindi dahil sa kaniya, kundi dahil uwian na..

Sa wakas, makakapagbinge-listening na ulit sa albums ng sistar saka girl's generation. Ohhh, I swear.. Ohhh, I swear..

Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at isinukbit ang bag sa likod ko. Medyo nahuli akong lumabas dahil nga nasa likod ako.. Nagulat ako ng papalabas na ako ay pinigilan ako ni Sir..

Hinawakan niya pa ako sa pulsohan at  parang nagslowmotion pa ang paglingon ko sa kaniya, oh diba? panis ka'yo! para kaming nasa koreanovela, hindi nga lang kami end game, charot.

"Wait for me" aniya nang makalingon na ako at saka ako binitawan at sumenyas na dito lang daw ako. Nasa tapat ako ng pintuan at napa-isip naman ako..

Ano na naman kayang gagawin no'n? Panigurado, aasarin lang ako no'n.. Alis na kaya ako? Kase diba? anong mapapala ko kung maghihintay pa ako? As if naman magiging kame nung crush ko pag naghintay ako.. Bahala na nga siya d'yan..

Umirap pa ako sa kawalan at mas mabilis pa sa hangin na nilisan ang classroom na 'yon at umuwi..

Flashback ends....

Napailing naman ako sa naisip. Bahala siya diyan, ba't naman ako magu-guilty? dapat nga siya ma-guilty e, dinadamay niya ko sa trip niya sa buhay niya. Nananahimik lang naman ako, tss.

Umirap pa ako sa hangin at humiga sa higaan ko. Nakatingin lang ako sa kisame ng biglaan kong maisip ang magbasa. Kaya naman agad akong bumangon at tumingin sa lamesa ko upang maghanap ng babasahin na pocketbook. Habang ginagawa 'yon ay bigla kong naalala na huling libro na nga pala ang binasa ko kanina..

Kaya naman agad akong tumakbo sa cr upang magpalit dahil naisipan kong bumili ng pocketbooks. May ipon na rin naman ako ket papa'no, siguro kakasya na'yon para do'n dahil kung hindi. Huhuthutan ko ng pera si Sir, charot. Pero pag tinopak ako, gagawin ko talaga yon, eme.

Ano naman kayang pocketbooks bibilhin ko? Sana marami akong mabili para makapag-binge read na naman ako. Madadagdagan na naman ang asawa ko neto! Magiging 200+ na sila, charot.

Matapos kong magpalit ay agad kong kinuha ang isang karton ng sapatos sa ilalim ng higaan ko. Wag kayo, karton to ng Maison Margiela no, pero karton lang ha, wala tong laman na sapatos dahil hiningi ko lang to sa kapitbahay namin noon.

Agad na bumungad sa'kin ang mga abubot kong naroon pero hindi ko 'yon pinansin at kinuha ang perang naka-imbak sa tabi nito. Hindi ko alam kung magkano ito kaya naman sinimulan ko nang magbilang para maka-gayak na ako..

Hearts Between The Lines (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon