CHAPTER 28

51 6 12
                                    

Mirrem's Pov

Nang magising ang diwa ko ay hindi ako kaagad na bumangon at nanatili munang nakahiga sa aking kama.

Habang nasa ganoong posisyon ay bigla kong naalala si Max at pangyayari kahapon kaya naman napabalikwas ako ng bangon at agad na dinampot ang phone kong nasa side table ng kama ko..

Pagkakita ko sa oras ay nagsalubong ang mga kilay ko. Shit! Bakit hindi tumunog yung alarm ko? Late na tuloy ako! May usapan pa naman kaming maaga akong pupunta.

Hindi na ako nagsayang pa ng oras at nakasimangot na bumangon at dumiretso sa banyo para maligo. Matapos no'n ay hindi ko na nagawang mamili pa ng damit at dumampot na lang ng kung ano.

Polo shirt na black at gray slucks ang suot ko ngayon. At Pinaresan ko pa ito ng black platform daddy shoe sneakers at ng black apple watch. Pinag-aralan ko pa ang itsura ko sa salamin at sinigurado kong plakado ang aking buhok at walang takas kahit na isang hibla. Ayan ang gwapo ko na, tss. Walang binatbat sa'kin yung lalaki niya...

I'm hoping that he won't show up there today. I don't want my mood to be ruin.

Bago pa ako umalis nang tuluyan ay pinaliguan ko pa ang sarili ko ng pabango. Ewan ko na lang talaga kung tumingin ka pa sa iba...

Matapos no'n ay mabilis kong dinampot ang wallet at susi ko at mabilis na tinungo ang Medicus Hospital dahil anong oras na rin. Ngunit bago pa ako tuluyang dumiretso ro'n ay huminto muna ako sa isang supermarket para bumili ng prutas para kay Max..

Mga ilang minutos pa ang lumipas at alas-gis pasado na nang marating ko ang Medicus. Ang usapan namin ay alas-otso, tas alas-gis ka na nakarating. Ang galing mo, Mirrem.

Nang kumatok ako sa pinto ng kwarto ni Max ay bumungad sa akin si Shin. Nakangiti siyang pinagbuksan ako at binati. "Uy, sir. Ikaw pala 'yan. Good morning!" aniya at nakangiti rin naman akong sumagot habang inililibot ang paningin. Himala? wala yung isa.

"Good morning," tugon ko ngunit ang paningin ko ngayon ay na kay Max na prenteng nakaupo sa higaan niya at nakatingin na rin sa akin.  Why I feel like I'll mumble when our eyes met.

Hindi ko napigilan ang ngitian siya at agad akong dumiretso sa table na halos katabi lang ng oxygen tank niya at inilapag ang prutas na dala ko ro'n. Wala na siyang oxygen mask ngunit hindi ko na pinansin 'yon..

Pinanood niya lang akong gawin 'yon at matapos no'n ay bumaling ako sa kaniya at tinanong siya.

"Himala, wala yata yung lalaki mo. Hindi pumunta?" tanong ko at akmang sasagot pa lang sana siya ay lumapit na sa kabilang gilid niya si Shin at sumabat. "Bestie, pabalik na raw sila rito. May binili rin daw si Xavier para sa'yo na paborito mo raw ayon sa tita mo," nakangiting saad pa ni Shin habang may binabasa sa phone niya.

At nakunot naman ang noo ko dahil do'n. So it means, kumpleto na sila rito kanina pa at ako na lang ang wala? tss. Kung tumunog lang sana yung alarm ko, mas nauna ako rito. Nakakainis, edi kanina pa pala siguro nagpapasikat at dumidiskarte yung isang 'yon dito.

At talagang inalam niya pa ang paborito ni Max, tss. Akala niya siguro sasagutin siya ni Max sa pa ganyan-ganyan niya. Asa na lang siya, mas lamang naman ako sa kaniya, tss!

Nilingon ko pa si Max ngunit wala na sa akin ang paningin niya.  Nakangiti niya pang tinanong si Shin.

"Si Harry nagsabi sa'yo?" tanong niya pa at tumango naman si Shin. Nakunot pa ang noo niya ng bahagya habang nakangiti at nagsalita ulit. "Ano kayang binili no'n para sa'kin?" tanong niya pa at blanko ang emosyong ko naman siyang tinignan at saka ako nagsalita.

"Edi, hindi ka pa pala kumakain?" tanong ko sa kaniya at ngumiti naman muna siya ng tipid bago umiling at sumagot. "Hindi pa," at nag-iwas tingin muna ako at bumaling sa mga prutas bago nagsalita ulit.

Hearts Between The Lines (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon