Mirrem's Pov.
Kakatapos ko lang magklase sa section nila Max at papunta na ako sa susunod kong section na tuturuan.
Hindi ako masyadong naging energetic dahil napapa-isip talaga ako kung bakit naging gano'n ang trato niya sa'kin at kung saan galing ang inis na 'yon.
Ano kaya nangyari sa kaniya? Malalaman ko rin 'yan mamaya, hehe.
Sinadya ko talaga na magpaka-cold muna at tumahimik. Pinigil ko ang sarili kong mang-asar dahil ka-onti na lang ay baka malamon na niya ako ng buhay. Kanina nga lang sa canteen parang bubuga na siya ng apoy, e.Sinadya kong hindi siya pansinin pero nakikita ko siya sa gilid ng paningin ko kanina. At tahimik lang naman siyang nakikinig at seryosong-seryoso na animo'y malalim ang iniisip.
Hindi na ako masyadong nag-isip pa dahil magkikita naman kami sa Stress Free Zone.
Pero, paano pag hindi siya pumunta do'n? Ay bahala na siya, at saka may usapan naman kami, e. Nasa sa kaniya na 'yon kung sisiputin niya ako, alam naman niya consequences pag hindi siya sumipot. Tss.
Iniwakli ko na ang mga iniisip na 'yon at dumiretso na sa next class ko at nagturo.
Mabagal na lumipas ang oras at sa wakas tumunog na rin ang bell. Hindi ko alam pero pakiramdam ko napakabagal ng oras ngayon. Sa wakas talaga, natapos din.
Nangiti pa ako dahil magtatagpo na naman ang landas namin ni Max. Na-imagine ko pa ang mukha niyang bugnot na bugnot dahil sa pang-aasar ko kaya naman mas nangiti ako at napapikit pa.
"Hala si Sir, pangiti-ngiti." Gulat at halos manlaki ang mata ko ng marinig si Ms. Shiela sa gilid ko. Agad naman akong nakabawi at pumeke ng ngiti."What's with the smile, sir?" Tanong pa niya habang nakangiti rin.
"A-ah e-e, ano may student kasi ako kanina. Nagtatanong ako tas bigla siyang nagtaas ng kamay." Utal na tugon ko pa at pumepeke ng tawa. "Tapos? what happen next?" nakangiting tanong niya pa at sumagot naman ako agad.
"Ayun na nga, I thought he will going to answer. But, ang sabi niya. Sir, hindi ako sasagot. I'm here to ask permission na pupunta ako ng Cr, kase natatae ako." Pag-iimbento ko pa ng kwento. S'yempre, white lies 'yan. Alangan naman sabihin ko dahil kay Max. Edi nagduda siya.. mga issue pa naman sila dito.
At saka wala namang meaning yung namamagitan sa amin ni Max. Asaran lang talaga, tss. Hindi ko lang gusto ipaalam dahil mabibigyan ng meaning dahil mga malisyoso/malisyosa ang mga tao rito.
Tawang-tawa naman si Ms. Shiela sa sinabi kong 'yon kaya nakikitawa na lang din ako kunwari kahit na hindi ako natatawa. Sabay pa kaming pumunta ng Faculty para ibalik ang mga gamit namin.
Inaya niya pa akong mag-lunch ngunit tumanggi ako.
"Sorry, need ko mag-prepare para sa Remedial class ko. Baka magwala ang students pag wala silang gagawin." Tugon ko pa sa kaniya at ngumiti naman siya.
"Talagang sineseryoso mo 'yan ah? Sige, sir. Una na ako, bye." Paalam niya pa at kumaway na lang ako sa kaniya habang nakaupo ako dito sa table ko at may ginagawa kunwari.
Hinintay ko naman muna siyang makalabas at nagbilang ng ilang minutos bago ko tuluyang dinampot ang bag ng baunan ko at saka ako tuluyang lumabas din para tumungo sa Stress Free Zone
Nando'n na kaya siya? tss, pag wala siya at hindi siya sumipot ay alam naman na niya mangyayari, hehe.
Maaliwalas ang panahon at medyo mahangin ngayon habang naglalakad ako papunta sa Stress Free Zone. Ramdam ko ang dampi ng preskong hangin sa balat ko at ang dulot nitong lamig.
Nangiti naman ako nang matanaw ko si Max na naka-upo kung saang bench kami naka-upo kahapon. Inayos ko naman muna ang sarili ko at pinagmukhang cold ang ekspresyon ng mukha ko bago ako tuluyang lumapit.
BINABASA MO ANG
Hearts Between The Lines (ON-GOING)
RomanceSi Max Ethan Garcia ay isa lamang simpleng estudyante ng Imperial College. Kagaya ng isang normal na estudyante ay mayroon din siyang crush, at ito naman ay si Harry Kyle Bailey. Isang mayaman na exchange student mula sa London at isa ring modelo n...