CHAPTER 6

84 11 18
                                    

Max Pov.

Kanina pa tapos ang klase ngunit nasa skwelahan pa rin ako dahil nga may remedial class pa ako..

Iniwan ko na lang din muna yung cooler box sa classroom at babalikan ko na lang mamaya..

Galing na rin ako sa labas ng skwelahan para sana magtingin sa carinderia, kaso halos puro fastfood chain lang ang meron. Naka-tsamba sana ako ng carinderia kaso halos malula ako sa presyo ng ulam nila. 40 isang order tas yung kanin 30 pesos. Ano bang ginamit na pangluto diyan? ginto? Nahiya yung 50 pesos kong baon..

So ayun, napagdesisyunan kong h'wag na lang kumain. Papunta ako ngayon sa Stress Free Zone para doon magpahinga dahil mamaya pa naman ang remedial class..

Habang naglalakad ay bigla kong naalala yung mukha ng bestfriend kong si Shin. Na-late siya sa klase at bakas sa mukha niya kanina ang lungkot. Tinanong ko pa siya ngunit wala naman akong natanggap na direktang sagot..

'Obvious naman na kase na meron, pero ano kaya 'yon?'

Naitabingi ko pa ang ulo ko na animo'y nag-iisip ng dahilan kung bakit nagkagano'n ang bestie ko. Gusto ko pa nga sana siyang samahan na magmilktea dahil nag-aya siya kanina..

Ngunit may klase kaya tinanggihan ko siya. Napanguso naman ako dahil parang naguguilty ako kase wala akong magawa para sa bestie ko. Sana maging okay na siya..

Mabilis kong narating ang Stress Free Zone at halos maibuka ko ang kamay ko dahil sa sarap ng hangin..

Ang presko sa pakiramdam at nakakagaan talaga siya ng damdamin..

Tumingala pa ako at nakita ko ang kalangitan na halos natatakpan ng mga punong matatayog..

Halos maririnig mo pa ang ihip ng hangin na tinatangay pa ang natural na kulot kong buhok..

Umupo naman ako sa bench at nagpahinga. ang sarap. Kung kanina ay parang medyo gutom ako, ngayon ay parang nabusog ako sa ganda ng paligid at sa sarap ng hangin..

Nakangiti ko pang kinuha sa bag ko ang earphones ko at makikinig sana ako ng music nang biglang narinig ko na naman ang pamilyar na boses na 'yon. Actually kilalang-kilala ko na, e.

'Ba't ba lagi tong wala sa timing?'

"Baby.." Napapikit pa ako ng marinig 'yon. Suminghap muna ako ng hangin bago dumilat at sumagot. Ibalik mo sa kanya ang ginagawa niya, gantihan mo.. deserve niya 'yan. Let him taste his own medicine..

"Yes, baby?" Nakangiting tugon ko pa at hindi ko alam pero parang may kung anong maliliit na bagay akong naramdaman sa dibdib ko nang banggitin ko ang salitang baby..

Shet, ba't ganito?

Aba, ginusto ko 'to e, tsk.. paninidigan ko na. Halos magtayuan pa ang balahibo ko habang iniisip ang magiging sagot niya.. Sana naman, hindi mas malala ang isagot niya..

Napansin ko pa ang medyo kunot niyang noo habang nakatitig sa'kin. Nilabanan ko naman 'yon at pinilit kong hindi bumitiw sa tinginang 'yon. Habang nasa gano'n kami ay tila sumisikip ang dibdib ko at nando'n ang pakiramdam na para bang nalulunod ako.. Hindi ko alam pero para bang sinisisid niya ang loob-loob ko at kaluluwa ko sa pamamagitan ng titig na 'yon..

Siya ang unang nag-iwas ng tingin at yumuko naman ako para itago ang ngising nasa labi ko ngayon.. Tss, nanalo rin ako..

"A-ano nga pala ginagawa mo rito? Tapos ka na ba mag-lunch?" Nautal pang tanong niya nang hindi ako tinitignan. Napakagat labi naman ako para pigilin ang tawa ko. Effective naman pala, e. Ikaw naman ngayon..tss..

Hearts Between The Lines (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon