CHAPTER 23

44 7 17
                                    

Max Pov.

Ngayon ay nakatingala ako sa kalangitan dito sa may stress free zone dahil nakakalma ako nito at panandaliang na-iibsan ang pagod ko..

Kasama ko sila Shin at iba ko pang kagrupo sa Entrep rito. Hindi kami nagtinda para sa araw na ito dahil kailangan na naming kwentahin kung magkano pa ang dapat kitain..

Gusto rin kasi naming ma-exempted sa project sa subject na ito kaya kailangan naming alamin ang kulang sa kita namin at para alam na namin kung magkano na lang ang dapat naming kitain pa..

Ilang araw na rin ang nakalipas mula nang magkaroon kami ng kaunting di pagkaka-intindihan ni Shin na ayos naman na ngayon. Kaso, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakaka-hingi ng tawad sa kaniya..

Napag-alaman kasi namin mula kay Miss Shiela na may pinuntahang importanteng bagay si Sir. Maraming tanong ang ibinato sa kaniya ng mga kaklase ko ngunit iilan lang ang sinagot niya. Ni hindi namin alam kung saan pumunta at kailan babalik si Sir. Ang alam lang namin ay malayo ang pinuntahan niya dahil nag-eroplano sila..

Kailan kaya siya babalik? Mas bumibigat kasi yung nararamdaman ko kapag naiisip na, nagawa ko siyang saktan kahit ako ang iniisip niya no'ng panahon na 'yon.

Nilingon ko sila Shin at Harry na naghaharutan sa aking tabi habang ginagawa ang pinagawa ko sa kanila. Pinanood ko lang sila at pinakiramdaman ko ang sarili ko..

Bakit ba hindi ako nasasaktan kahit ganyan sila sa harap ko? Ang unusual lang, kasi diba dapat nasasaktan ako kasi iba yung gusto ng crush ko? Pero bakit, parang.... masaya pa ako kasi sila ang nagkagustuhan?

Hindi ko man alam kung gusto na rin ba ni Shin si Harry pero kung hindi may ay napaka-laki niyang tanga..

Sinong hindi ma-iinlove at magkaka-crush sa isang gwapong anghel na kulay asul ang mata at may medyo maalon na brown na buhok? Lahat ng katangian ng isang matipuno ng lalaki ay nasa kaniya na..

Kaya nga nagtataka rin ako, e. Kung bakit parang hindi kawalan para sa akin na hindi ako ang gusto niya. Naguguluhan na tuloy ako, crush ko pa rin ba siya o hindi na? Pakiramdam ko kasi parang hindi na, e.

Inalis ko ang tingin ko sa kanila at ibinalik iyon sa mga ulap na nasa kalangitan. Ang sarap pagmasdan nito dahil sa mala-niyebeng kaputian at ang tekstura nitong parang sing-lambot ng bulak..

Habang nasa ganoong posisyon ay bigla akong nabalik sa ulirat nang tawagin ako ni Harry.

"Max, kanina ka pa...It looks like you have a problem and you're occupied because of it. Do you mind sharing it with us?" aniya at napanguso ako sa sinabi niyang 'yon at napakamot sa sintido. Wala naman akong problema, e. May iniisip lang.

Sasagot na sana ako ngunit agad na sumabat si Shin at binigyan ako ng matalim at makahulugang tingin na may bahid ng panunukso.

"Nagka-ganyan lang naman siya simula nung nalaman niyang umalis si Sir. Mirrem, e. For sure, he's thinking kung kelan babalik si Sir," tugon niya at pinandilatan ko siya ng mata. Aba'y gagang 'to..pinangunahan ako. Pero, somehow... tama rin si Shin. Hays, sir. Ayoko nang isipin ka pero ang lakas mo magparamdam sakin ng guiltyness kaya halos di ka maalis sa isip ko..

"Hindi, ah. May iniisip akong iba," depensa ko at tumingala na lang ulit..

Babalik pa naman siguro siya? Wala naman ding sinabi si Miss. Shiela na nagresign na siya, e. Kaya ramdam kong babalik siya, pero kahit ganun. Hindi no'n nababawasan ang guilt sa loob loob ko. Kaya nga humihiling ako na sana maka-balik na siya agad para makahingi na ako ng tawad sa kaniya..

"You cannot lie to me, Max. Don't you even dare," natatawang tugon pa ni Shin kaya nilingon ko sila ni Harry. Matapos no'n ay tumama ang paningin ko kay Xavier na tahimik na nags-solve at nagsusulat ng kung ano sa papel..

Hearts Between The Lines (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon