Author's note:
Dahil mahal ko kayo lalo na ang dalawang bida ng kwentong ito. Charaaan!✨ pinagawan ko sila ng Chibis HAHAHAHA!
Kayo nang bahala kung gusto niyo i-save or what. Profile ko rin iyan sa fb ko kaya stalk n'yo na, char!
Anyways, bago kayo magpatuloy. Gusto ko ring i-flex at pasalamatan ang gumawa nitong chibi na ito @Daren Joy Bitos. Kudos mhie! You nailed it. Kuhang-kuha 'yong gusto kong details. Muah, thank you! Avail na kayo ng Chibi's niya. May promo pag maramihan ang ipapagawa.
Fb/messenger: Daren Joy Bitos.
Max Pov.
Alas-tres na nang hapon at kasalukuyan kong ginagawa ang mga projects ko ngayon na sobrang dami. Tapos na ang exam kaya hudyat na papatapos na rin ang first quarter at hindi naman mawawala ang project diyan, s'yempre.
Napahilamos pa ako sa mukha habang nakaupo dahil iilang oras na lang din ay aalis na kami para pumunta sa Terminal.
At habang nakatingin sa mga gagawin ko ay napapaisip ako kung sasama ba ako o hindi na. Hati ang puso't-isip ko at pareho nilang kino-kontra ang isa't-isa.
Ang sabi ng isip ko ay h'wag akong sumama at p'wede ko naman itong gawin pa sa susunod. Ngunit ang puso ko ay taliwas naman. Gusto nitong sumama ako dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakapunta ako sa probinsya namin.
Kaya naman halos masabunutan ko ang sarili ko dahil sa pagkalito. Tsk!
Nasa ganoong posisyon ako ng marinig ko ang boses ni Mama.
"Kapagod– Oh, ikaw…maghanda ka na," utos niya nang lingunin ko siya at bahagyang nagtaka ako.
"Ngayon na agad tayo aalis, Ma?" Taas kilay na tanong ko.
"Oo! Mas maaga mas maganda," aniya habang nasa tapat na ng bukas na aparador.
At hindi naman ako kumilos agad at napa-isip habang nakatingin sa kung saan..
Ang dami ko pang projects. Pag iniwan ko 'to paniguradong maghahabol ako ng malala. Ayoko naman nang gano'n, tsk!
At biglang nagsalita si Mama kaya nabalik ako sa ulirat.
"Oh, ano pang tinutunganga mo diyan? Iligpit mo na 'yang kalat mo sa lamesa at kumilos ka na!" utos niya at may sinasabi pa siyang hindi ko na narinig dahil mahina ang pagkakasabi niya..
"Maya-maya na po. Tatapusin ko po muna 'yong project ko. Ayoko po kasi matambakan," tugon ko at umikot ulit paharap sa lamesa ko at narinig ko naman ang sagot niya kaya lumingon ulit ako.
"Bakit? Marami ba 'yan?" tanong niya at tumango naman ako. "Eh kung gano'n pala. Wag ka na lang sumama." Patuloy niya.
"Iyon nga rin ang plano ko, Ma. Kaso…baka kasi importante ang ipu-punta natin do'n," saad ko at ngumuso.
BINABASA MO ANG
Hearts Between The Lines (ON-GOING)
RomantiekSi Max Ethan Garcia ay isa lamang simpleng estudyante ng Imperial College. Kagaya ng isang normal na estudyante ay mayroon din siyang crush, at ito naman ay si Harry Kyle Bailey. Isang mayaman na exchange student mula sa London at isa ring modelo n...