Mirrem's Pov.
Nang makarating ako at maka-parada sa parking lot ng ospital ay walang patumpik-tumpik pa ay agad akong bumaba ng sasakyan ko. Ni hindi ko na nagawang tingnan at ayusin pa ang sarili ko bago bumaba. Wala na akong pakielam kung anong itsura ko, basta makita ko siya agad. Sobrang nag-aalala na ako.
Kahit pa naka-white tshirt, stripe pajama pants at tsinelas lang ako ay hindi ko na 'yon inalintana pa at mabilis pa sa hangin akong pumasok sa loob ng ospital at tumungo sa front desk nito..
Pagkapasok ko ay agad ko naman itong natanaw kaya lumapit ako rito.
Pagkalapit ko ay agad kong tinanong ang nurse na naroon.
Binati pa ako nito na siya namang tinanguan ko lang..
"Miss, do you have a patient named Max Ethan Garcia?" tanong ko habang pilit na kinakalma ang sarili. Kahit pa sa loob-loob ko ay hindi na ako halos mapakali at gusto ko nang makita si Max at malaman ang sitwasyon niya..
"Let me check it first, sir..." nakangiti pang tugon niya ngunit wala roon ang atensyon ko. Hindi ko na pinansin pa ang tugon niyang iyon at luminga-luminga na lang habang nagba-baka sakaling may makita akong kakilala ni Max. You making me worry this much, Max. Bakit pakiramdam ko ay mawawala ka sa'kin?
"Sir, the patient your looking for is on room 35...May I know what's their relation with the patient?" tanong niya pa at huminga muna ako bago sumagot. "I'm his teacher," tugon ko at agad siyang ngumiti ng tipid at saka nagsalita..
"Okay sir. P'wede na po kayo tumuloy. Lakad lang po kayo ng diretso diyan at liko lang po pa-kanan," turo niya pa habang sumesenyas. Hindi ko na siya nagawang sagutin at mabilis akong naglakad sa daanang itinuro niya sa akin..
Pagkarating ko roon ay tinignan ko pa isa-isa habang naglalakad ang bilang ng pinto. At nang tumapat na ako sa pinto ng room 35 ay agad ko itong kinatok. Gusto ko nang makita si Max.
Bumuntong hininga pa ako matapos no'n. Mga ilang segundo lang ay may nagbukas na ng pinto at bumungad sa akin ang isang babae na wavy ang itim na itim na buhok at may magandang bilugang mata. Ang edad niya ay tantsa kong nasa 29-35. Sa tingin ko rin ay ito na ang mama ni Max.
Agad kong napasadahan ng tingin ang kabuuan niya bago pa niya ako matanong..
"Sino ho sila?" tanong nito at napayuko pa ako bago siya ulit tignan at sagutin. "Good evening po, teacher po ako ni Max," magalang na tugon ko rito habang medyo nakayuko pa rin. Maliit siya nang kaunti kay Mirrem kaya mas kailangan ko siyang yukuin..
"Ayy! good eve sir!...pasok po kayo, Nakakagulat naman po kayo, hindi ko inaasahan ang pag-bisita n'yo rito sa inaanak ko," aniya na siya ko namang ginawa habang nakatingin kay Max na may suot na oxygen at tulog. Mabilis na nangibabaw ang pag-aalala sa akin at gustong-gusto ko na siyang lapitan ngunit pinigil ko ang sarili ko dahil mas natuon ang atensyon ko sa sinabi ng babaeng narito.. Inaanak daw? It means...
"Pasensya na ho, nasabi ho kasi sa'kin ng isa kong estudyante na na-ospital siya..kaya napa-diretso na ako rito. Pero teka ma'am, hindi po ba kayo ang nanay ni Max?" tanong ko pa rito dahil sa kuryosidad at napa-kumpas pa siya sa hangin at nakangiting sumagot. "Nako sir, hindi no. Kaibigan lang ako ng nanay ng batang 'yan," tugon niya at tinuro niya pa si Max kaya nilingon ko naman ito ulit. Ano bang nangyari sayo? Nasaan naman kaya ang mama mo at bakit wala siya rito?
Ibinalik ko agad ang tingin ko rito sa babaeng kausap ko at tinanguan ito. Matapos no'n ay walang paligoy-ligoy na tinanong ko siya tungkol sa nangyari..
"Matanong ko lang. Ano po bang nangyari sa kaniya?" tanong ko pa rito na itinuro pa ang kama kung nasa'n si Max. Hindi pa man ito nakakasagot ay narinig ko na ang garagal na boses ni Max na nagsalita kaya agad namin siyang nilapitan..
BINABASA MO ANG
Hearts Between The Lines (ON-GOING)
RomanceSi Max Ethan Garcia ay isa lamang simpleng estudyante ng Imperial College. Kagaya ng isang normal na estudyante ay mayroon din siyang crush, at ito naman ay si Harry Kyle Bailey. Isang mayaman na exchange student mula sa London at isa ring modelo n...