Max Pov.
Pagkapasok pa lang namin ni Shin ng classroom ay agad kong namataan ang matatalim na tingin sa akin ni Xavier. Nakuha ko agad ang ibig-sabihin no'n kaya nag-iwas tingin ako at nakayukong naglakad papunta sa upuan ko.
Hindi ko alam anong mararamdaman ko para sa kaniya sa nangyari kanina, pero kung sakaling nagseselos man siya dahil do'n ay isa lang ang nasa isip ko. Hindi ko responsibilidad na suyuin siya..
Pagka-upo ko ay kinuha ko na lang din at inihanda ang math notebook at pen ko.
Hindi rin naman nagtagal ay dumating na rin siya.
Nagtama pa ang paningin namin nung pumasok siya at nginitian niya ako. Matamis ang ngiting iginawad niya sa akin kaya parang awtomatikong napangiti ako pabalik kahit hindi ko sinasadya. Agad naman akong napa-iwas tingin ng mapagtanto ang nagawa ko. Ba't ba ako nangiti? Tsk.
Mabilis siyang nagsimula kaya nakinig lang ako sa diskusyon niya dahil sinabi niyang kasama ito sa lalabas sa exam. Kahit parang nakakalito ang variables, numbers at ang process na ginagawa niya roon ay pilit kong iniintindi..
Kaya naman pareho kaming hilo at sabog ni Shin matapos ang math. "Ang hirap naman no'n. I really, really, really, hate math," singhal niya at napabuntong hininga naman na lang ako at hindi siya pinansin..
At medyo naging chill naman ang sumunod na subject kaya parang medyo napahinga ang utak namin..
Discuss..
Mas maagang tumunog ang bell ngayong araw kumpara sa kahapon kaya tuwang tuwa ang lahat at mabilis nilang nilisan ang classroom. Habang inililigpit ko naman ang gamit ko ay naramdaman ko ang presensya ng isang tao sa bandang likod ko kaya nilingon ko ito. Si Xavier.
"Oh?" sambit ko.
Seryoso at matalim pa rin ang tingin niya sa akin kaya gano'n ang nasabi ko. Taas kilay naman akong tinignan siya ngunit nanatiling siyang gano'n, kaya parang naalibadbaran ako at pabalang ko siyang tinanong.
"Ano bang kelangan mo?" tanong ko at sinenyasan pa siya gamit ang mata.
"Sus! kahit alam mo naman, nagtatanong ka pa," malamig at may bahid ng inis na sagot niya at nag-iwas tingin pa..
Nanatili naman ang paningin ko sa kaniya at sumagot..
"Diretsahin mo na lang ako," paubos na ang pasensyang tugon ko.
"Nagseselos ako, Max. Bakit kailangang bigyan mo siya ng gano'n?" turan niya at agad naman na nakunot ang noo ko. At kahit pa wala siyang binanggit na pangalan ay alam ko na kung sinong tinutukoy niya. Naiintindihan kong nagseselos siya, pero hindi ko alam kung tamang sabihin ko ang naiisip ko.
"Ha? Narinig mo naman 'yong sinabi niya kanina diba? Bilang pasasalamat ko 'yon….pasasalamat dahil tinulungan nila kami," madiin kong sagot at nagsalubong ang kilay niya at kunot ang noong nagsalita..
"Saan?" tanong niya at agad akong sumagot.
"Sa paglilipat ng bahay," may bahid ng inis na tugon ko. Naihilamos niya pa ang kamay sa mukha at sumandal sa armrest ng isang upuan bago nagsalita ulit.
"Bakit hindi mo'ko sinabihan? May contact naman tayo sa isa't-isa? Max, bakit? Bakit kailangang sila pa ang tumulong sa'yo? E, nandito naman ako?" wika niya at napasinghap ako ng hangin bago sumagot.
Pinigil ko ang inis na nagsisimulang dumaloy sa mga ugat-ugat ko bago ako nagsalita..
"Wala akong hiningan ng tulong para malaman mo, Xavier…. Oo, nasabihan ko si Shin na lilipat kami kahapon, pero..hindi ako nanghingi ng tulong. Nagulat nga lang din ako at biglang pumunta yan sila sa bahay. At bakit kamo hindi ako nagsabi? Kase hindi ko naman na dapat pang sabihin pa sa'yo," tugon ko at nag-iwas tingin dahil sa inis. Ayoko talaga ng pinagpapaliwanag ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/307405498-288-k716558.jpg)
BINABASA MO ANG
Hearts Between The Lines (ON-GOING)
RomanceSi Max Ethan Garcia ay isa lamang simpleng estudyante ng Imperial College. Kagaya ng isang normal na estudyante ay mayroon din siyang crush, at ito naman ay si Harry Kyle Bailey. Isang mayaman na exchange student mula sa London at isa ring modelo n...