CHAPTER 33

50 5 29
                                    

Max Pov. 

Ngayon ay kasalukuyang nasa bus na ako at papunta na sa skwelahan kahit pagod at latang-lata pa sa nangyaring lipat bahay kagabi. Bus ang sinakyan ko at sasakyan ko hanggang sa susunod pa dahil hindi na saklaw ng ruta ng mga jeep ang lugar ng nilipatan namin..

Pagkagising ko kanina ay balak ko pa nga sanang lumiban muna sa klase upang matulungan ko sila sa pag-aayos ng mga gamit. Ngunit hindi ako pinayagan ni mama at sila na lang daw ang bahala kaya wala akong nagawa kundi ang maghanda at pumasok ngayon.. 

Habang nasa bus ay iniisip ko ang tupperware sa bag ko na naglalaman ng ibibigay ko kay Shin at Sir. Kahit inaantok na ako kagabi ay ginawa ko pa rin ito para sa kanila bilang pasasalamat na rin sa pagtulong nila sa amin. Sana magustuhan nila 'to. Kase pag hindi, bahala sila. Uubusin ko talaga 'to mag-isa. 

Maluwag ang daloy ng trapiko dahil maaga pa kaya naman mabilis kong narating ang Imperial College. Pagka-pasok ko pa sa loob ng gate ay agad kong natanaw si Sir na naka-sandal sa may isang poste malapit sa gate kung saan ko siya madalas makitang nakatambay.. 

Napangiti pa ako ng makita ang itsura niyang tila inaantok dahil papikit-pikit ang mata. Anong oras na rin siguro 'to nakatulog. Iniisip niya rin kaya yung sinabi niya sa'kin kagabi? Alam niya bang nagpaulit-ulit ng ilang beses 'yon sa tenga ko? tsk. 

Pigil ang ngiting nilapitan ko siya at saka ako nagsalita. "Oh, ba't parang inaantok ka pa?" pabirong sabi ko pa. 

At tila mabilis pa sa hangin na naglaho ang antok niya at ngayon ay diretso nang nakatayo at nakatingin sa akin matapos niya akong marinig. Seryoso ang paraan ng pagkakatingin niya sa akin ngunit agad din naman siyang ngumiti at sumagot. 

"Yeah," wika niya at kinusot pa ang mata. "I'm really sleepy baby ko," dagdag niya pa habang naka-pout ng bahagya. 

Biglang may pumasok sa isip ko matapos no'n kaya nakangiti akong nagsalita ulit..

"Kawawa ka naman. Gusto mo ng coffee?" kaswal na sabi ko at bahagyang nagulat ako ng bigyan niya ako ng nanunuksong tingin. "Why are you so sweet, huh? anong meron?" bakas ang panunuya at nagkukumawalang ngiti sa labi niya. At nakunot naman ang noo ko dahil do'n at saka nagsalita.

"Ha? anong sweet? di kaya," sambit ko at agad naman siyang kumontra. "No, you really are, baby. Hmm…ano kayang dahilan?" kunwaring napapaisip pang sabi niya at hindi pa man ako nakakasagot ay naghihinala na siyang nagsalita ulit. "Baka naman, bigla ka na namang iiwas?" wika niya at naniningkit akong tinignan. At kunot noo ko naman siyang tinignan. 

At hindi pa ako nakakasagot ay nagsalita na siya ulit..

Mas okay na sa'kin yung mataray at masungit ka sa'kin…atleast ayos tayo," dagdag pa niya at natatawa akong sumagot na hindi pa rin makapaniwala sa sinasabi niya. 

"Hindi naman ako sweet, ah? normal lang naman 'to. Alam mo?...baka antok lang 'yan….Kape na lang tayo, gusto mo?" pag-iiba ko pa ng usapan at pigil ang ngiting sumagot siya. "Ang sweet mo sa'kin ngayon," malambing na saad niya at kitang-kita ko pa ang bahagyang pamumula ng pisngi niya kaya natatawang nagsalita ako. 

"Wag mo pigilin ang kilig, sir. Namumula ka tuloy," biro ko pa at kunwaring inirapan niya ako at saka nginitian. Matapos no'n ay saka siya sumagot. "Pinapakilig kasi ako ng misis ko e," wika niya at tinawanan ko lang siya. 

"Tara na! Kape tayo sa labas. Libre ko," saad ko pa at  nag-umunang lumakad  at nakangiting humabol naman siya at saka sumagot. "No, baby. Ako na," aniya at kahit tutol ako ay hindi na ako nakipagtalo pa. Bahala na siya, ayoko makipagtalo ngayon dahil pagod pa ako. 

Hearts Between The Lines (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon