CHAPTER 35

39 6 21
                                    

Max Pov. 

Kanina pa kami paikot-ikot rito sa mall ngunit hindi pa rin ako makahanap ng magandang kwintas na pwedeng i-regalo kay sir. Sumubok na rin akong tumingin ng iba't-ibang gamit gaya ng sumbrero, kamiseta at iba pa ngunit wala talaga akong mapusuan.. 

Nakabili na kanina pa ng regalo si Shin kaya panay ang reklamo niya dahil kanina pa kami paikot-ikot.. 

"I'm so tired na, wala ka pa rin bang napupusuang bilhin? Just buy him a tshirt…for sure he'll like it," wika niya at nilingon ko naman siya.

"Wala talaga akong matipuhan, e. At saka ayoko ng common na regalo, e. Minsan lang naman ako mag-effort…kaya hayaan mo na," tugon ko at nagpatuloy pa kami sa paglalakad at agad naman siyang nagtanong.. 

"Siguro may gusto ka na sa kaniya no? Kaya todo todo ang effort mo," may bahid ng pagdududa at paghihinala sa boses niya at pairap ko naman siyang nilingon at tinanong pabalik.. 

"Pag ba nag-effort may gusto na agad?" patanong na sambit ko at agaran naman siyang sumagot. 

"Oo!" tugon niya at nagtanong pa ako ulit kunwari.. 

"Eh? Hindi ba pwedeng ayoko lang na magtampo siya?" wika ko at hindi naman siya nakasagot. "Ginagawa ko lang naman 'to kasi 'yon ang sabi niya… na magtatampo siya pag 'di ako pumunta at wala siyang regalong natanggap mula sa akin," saad ko at may peke ng ngiti sa labi naman siyang tumugon..

"Ay ganon?" aniya at tumango ako. "Kaya naman pala. Oh siya, mag-ikot pa tayo," saad niya ngunit umiling ako at saka nagsalita.. 

"H'wag na…umuwi na tayo," saad ko at tipid na ngumiti matapos at kunot noong sumagot naman siya. 

"Eh bakit? Wala ka pa ngang regalo e," wika niya at nginitian ko muna siya ulit bago sumagot. 

"Naikot na natin ang buong mall. Siguro...magtatanong na lang ako kay Tita kung saan pwede makabili ng customized necklace dahil 'yon ang balak kong i-regalo sa kaniya," tugon ko at agad na gumuhit ang saya, kilig at pagkamangha sa mukha niya. 

"Wow! necklace pala ang gusto mo i-regalo sa kaniya… Ang sweet!" aniya at inilagay pa sa pisngi ang palad niya at nakunot naman ng bahagya ang noo ko sa ginawa niya. Ano naman kayang nakakakilig do'n? Baliw din, e. 

"Ano namang sweet do'n?" kunot noong tanong ko. Magreregalo lang sa birthday…sweet na agad?  Hindi ba pwedeng mabait lang? 

"You're so stupid. The fact na nag-iikot tayo ngayon at nag-eeffort ka para sa regalo mo sa kaniya, sweet na 'yon," mataray niyang sagot at inirapan ko lang naman siya. Andaming alam ng koreanang 'to. Sarap bulatlatin ng singkit niyang mata.

Hindi naman na kami masyadong nag-usap pa at naglakad na palabas ng mall gaya ng napag-usapan.. 

Pagkalabas namin ng mall ay luminga-linga ako sa paligid. Ang init ngayon, jusko. 

Hanggang sa tumama ang paningin ko sa isang bangketa na nasa parking lot malapit. Hindi ko alam ngunit may kung ano sa akin ang gustong pumunta roon at tignan ang mga paninda niya.. 

Nilingon ko si Shin at nakatingin din siya sa paligid.. 

"Shin…saglit lang ah. May titignan lang ako," at mabilis na kumunot ang noo niya. 

"Where are you going?" maarteng tanong niya at agad naman akong sumagot habang nakatingin sa kaniya.. 

"Do'n lang. Titignan ko lang kung may mabibili ako ro'n na kwintas," saad ko at inialis ang tingin sa kaniya at lumingon sa bangketa.. 

Hearts Between The Lines (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon