Olivia's Point of View
Tumambay muna kami ni je sa isang parke at humanap ng pagpwepwestohan namin, Agad naman kaming sumandal sa isang gilid at tila may gusto itong sabihin sa'kin. Nagtataka ako dahil tinawagan niya ako kanina dahil nga daw may sasabihin siya ngunit ngayon ay mukhang tiklop ang bibig nito.
Bigla naman akong nakaisip ng dahilan kung bakit niya ako inaya dito, nabalitaan ko kasi nung nagpunta raw sila sa resort ay nakita raw nila rolito sila elaine at odessa at nagpakitang-gilas raw itong si je, alam ko naman na.. gusto nito si elaine.
"A-anong gusto mong gawin ko? ilakad kita?" walang ganang tanong ko dito habang siya'y nag-iisip pa ng itatanong.
Napangiti naman siyang napatingin sa'kin at parang nagkaroon ng pag-asa sa ekspresyon ng mukha nito. "Oleng, alam mo yan yung sasabihin ko sayo kanina pa kaya lang.. nahihiya ako ih.." nahihiya pang animo ang itsura niya.
Kumunot ang noo ko, sumikip ang dibdib ko at habol-habol kong hininga ko ngunit hindi ko ito pinapakita kay je. "Sige na naman oh, ituloy mo na ako sakanya." pilit sa'kin ni je at sinagi pa ako.
Ako naman itong napanganga sakanya at hindi maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. "Seryoso ka ba? Ako ang gagawin mong tulay?" masikip sa dibdib kong tanong dito at sa tingin ko ay hindi na maipinta ang mukha ko.
"Kung pwede sana... Oleng? tulongan mo lang ako sakanya, i-setup mo lang kami kahit isang date lang tas hinding-hindi na kita kukulitin tungkol sakaniya." pamimilit niya nanaman. "Ano? oks ba sayo yun?" Huminga muli ako ng malalim at tumalikod sakanya upang hindi ipakita ang di ko na mapigilan pang sakit, tila patawa-tawa nalang ako.
Habang nasa likod ko siya ay hindi niya maaninag ang sakit na nakakubli sa aking itsura at sa nararamdaman ko na mas lalong nagpakirot sa puso ko.
---
"Isa siyang katsupoy, bansot at ano.. corny! nako sense of humor niya? wala!" kwento ko kay elaine habang nandito ako ngayon sa tinutuloyan niyang apartment.
Pumayag na kasi ako na ilakad si je dito dahil todo pilit na ito sa'kin at hindi ako matigil-tigilan, kahit na labag ito sa kalooban ko.
"Teka teka teka olivia, let me get this straight, oh ito." sabi niya sabay lapit sa'kin at abot ng ice cream, umupo naman siya sa isang upoan katabi ko. "Haaaay, nirereto mo ako sa lalaking 'to pero ang sinasabi mo sa akin hindi siya shota material, hello? paano ako maiinlove don? ha?" sabi niya pa sabay subo ng ice cream.
"Hindi naman, shota material naman si je. nakilala mo na sya eh.. Nung naglalakad kami sa wright park? tsaka n-nagkita na ata kayo sa swimming pool eh." sabi ko dito upang lumawak ang ngiti sa labi niya at mukhang may naalala.
"Ah! he's je! I'm remembered him, nakakatuwa siya!" ngiting sabi nito, kaya pilit na ngumiti rin ako.
"Isa siyang trying hard na musikero. hmp!" irap ko pa.
"And artist? wooow! A musician? ang exciting ng personality niya!" paghanga nito kay je habang kagat-kagat ang unahan ng kutsara.
"uhh.. pero bobo siya ah! hindi kasi mahilig mag-aral yun eh kaya ang utak niya kamote, kalabasa at tsaka puro hangin!" pag-hahalimbawa ko pa kay je, natawa lang si elaine.
"Syempre ganyan ang mga artist no, mababa sa kanilang school or grades, akala mo bobo sila? pero genius sila, iba lang talagang mag-isip ang mga artist." sabi pa ni elaine, ako naman itong todo chop-chop ng ice cream sa baso ko dahil tila nauubosan na ako ng sasabihin at parang nagugustohan niya na si je sa mga sinasabi niya. "It's like when they see things, they see things in the different perspective." describe niya pa, ako naman itong walang naintindihan.
Napakatok na lang ako sa ulo. "Ahhh ang tanga ko talaga.." bulong ko sa sarili ko at halos mangiyak-ngiyak na.
"Ha? ano ka'mo olivia???" tanong ni elaine sa'kin na mukhang narinig ata ang sinabi ko.
"Uhh.. ah! sabi ko yung date niyo! Accept mo yun ha." palusot ko dito na mas lalong nakapagparamdam sa'kin ng kung ano.
"Oh sige, olivia sasama ka ha?" aya pa niya sa'kin kung kaya't napatigil ako.
"A-ako?" tanong ko dito. "Oum." sagot naman niya. "Haha! no, no, haha nooo. Tulay na, chaperone pa haha! no, no." tanggi ko, hindi ko kayang makitang nagde-date silang dalawa at ako ang pumapa-gitna.
Agad na akong nag-paalam kay elaine na aalis na ako at dinahilan dito na may gagawin pa akong nakalimutan kong gawin. Pumayag naman ito at agad na akong lumabas sa pinto ng appartment nito na kalmadong naglalakad.
Nang makalabas ako, doon ako nagsimulang tumakbo ng tumakbo papalayo sa apartment ni elaine at muling nangilid ang mga luha sa mata ko, habang tumatakbo ay akin itong pinapunasan gamit ang kamay ko.
Pumayag siya, Pumayag na siyang makipagdate kay je. Balak niya pa akong isama. Anong gagawin ko doon? panoorin sila? ikamamatay ko lang ito sa kaloob-looban ng damdamin ko.
Pinigilan ko ang umiyak at pinipilit kong maging normal ang ekspresyon ng mukha ko kahit pumapatak ang mga luha rito. bigla akong napagod dahilan upang matumba ako. napakapa naman ako sa dibdib ko at hingal na hingal, bumagsak muli ang luha sa mata ko at pumatak ito sa lupa.
I am afraid that when the time comes for you to see her, I will be the one who can replaced by you anytime.
---
#SOA
@Hernameisryukah
BINABASA MO ANG
Starting Over Again
RomanceAlam mo ba yung pakiramdam na nahuhulog ka sa isang taong manhid? makasarili? at higit sa lahat hindi ka kayang makita? dahil iba ang turing sayo. Masakit hindi ba? ang makitang tumingin sa iba ang taong lubos mong pinaglilingkuran. Ang taong matag...