Olivia's Point of View
Kanina pa kami naghihintay dalawa ni je dito sa kilalang restaurant na napili ni elaine para maka-date si je, halos di naman mapakali si je sa kinauupoan niya at kinakausap ang sarili animo'y nag-eensayo kung paano kakausapin si elaine.
Ako naman itong naiinip na at tila nanlalamig ang mga palad ko. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang senaryong magkasama sila at ako naman ay nasa likod lamang na nakasunod sakanila. Iniisip ko palang kung paano ako ginawang tulay ni je ay parang nasasaktan na ako.
"J-je? je?" tawag ko rito dahil kanina pa talaga siya palinga-linga sa paligid at di mapakali.
"Oh?" sagot niya naman at halata sa mga mata nito ang kaba.
"Dahan-dahanin mo naman yang pag-hinga mo baka naman maubosan kami ng hangin niyan noh?" sabi ko rito at tinaasan siya ng kilay.
"Eh, kinakabahan ako eh.. g-gusto niya ba talaga 'tong restaurant na'to?" tanong nito sa'kin, napairap nalang ako.
"Oo naman noh. kaya nga tayo nandito ngayon eh." sagot ko sakanya, huminga naman siya ng malalim.
"M-mas lalo akong kinabahan." sabi niya pa, nakakatawa ang mukha niya ngayon dahil sa kabang nararamdaman niya.
"Eh bakit ba?" natatawang tanong ko.
"Una, baka di niya ako magustohan. Pangalawa, b-baka kulangin yung pera kong pambayad." kabadong sabi nito. napairap muli ako habang ngumingisi-ngisi.
"Magdusa ka, gusto mo manligaw ng sosyal eh." sabi ko dito. Siya naman itong hindi naka-imik.
Bigla namang nahagip ng mata ko sa gilid na naglalakad na si elaine papunta sa kinaroroonan namin.
Kung tutuusin angganda-ganda niya kaya siya nagustohan ni je, dahilan para magkaroon ng hamog sa pagitan namin ni je. Nasa malayo palang alam mo ng magandang babae ito at maipagmamalaki. Naka red dress siya ngayon habang straight na straight ang buhok nito, may hawak naman siyang maliit na pocket bag at may mga alahas, naka-heels pa ito.
Napatingin naman ako sa suot kong puting blouse at maong na pantalon habang naka rubber-shoes, napahawak rin ako sa mahaba kong buhok na hindi nasuklay ng mabuti, napatikhim nalang ako sa sarili at napalunok.
Nang makarating na siya sa kinaroroonan namin ay bigla namang napatulala si je kay elaine. "Hi guys." mahinhin na bati ni elaine sa'min at malawak ang ngiti napatingin kay je.
"Anything wrong?" tanong ni elaine.
"W-wala, everything's okay over here." english pa ni je, ako naman itong parang nahiya para sakanya.
"Nag-ingles ang kalabaw." bulong ko sa sarili at napahawak sa mukha. "Tipirin mo baka maubos." bulong ko sakanya at tinignan siya ng makahulogan.
"Ha? ano yun Olivia?" tanong ni elaine na may narinig ata.
"Ah.. sabi ko- n-nadyan na yung waiter!" palusot kong muli kay elaine katulad ng ginawa ko nung nakaraan at tinuro pa ang waiter na paparating sa'min.
"Ready for your order Mr. and Ms.?" magiliw na tanong ng waiter at binigay sa'min ang bawat menu.
"Jeremiah?, Elaine? Let me to the orders okay? Na-plano ko na lahat." pilit ang ngiting sabi ko sakanilang dalawa. "Okay!" sagot naman ni elaine.
"For starters will have... Grand Velas tacos, 1 bottle of best novellino wine, plus.. salad romaine and illustrado and also Dry aged wagyu entrecote." sabi ko sa waiter, nagulat naman ako ng biglang sipain ni je ang paa ko sa ilalim ng mesa. Nilakihan ako nito ng mata dahil napadami ang order ko at mukhang hindi ito kakasya sa budget niya, sinipa ko naman ang paa niya pabalik.
BINABASA MO ANG
Starting Over Again
Storie d'amoreAlam mo ba yung pakiramdam na nahuhulog ka sa isang taong manhid? makasarili? at higit sa lahat hindi ka kayang makita? dahil iba ang turing sayo. Masakit hindi ba? ang makitang tumingin sa iba ang taong lubos mong pinaglilingkuran. Ang taong matag...