22

29 12 0
                                    

Jeremiah's Point of View

Nagpupunas ako ng lamesahan ng marinig kong bigla nanamang nag-sisigaw si nanay mula sa salas habang si tatay ay nakasandal sa pintuan habang umiinom ng alak. Problema nanaman nila sa pamamahay na'to ang pinag-aawayan nila lalo na yung trabaho ni tatay na matagal ng kinokunsomisyon ni nanay.



Hindi ko alam ngunit tila sunod-sunod na problema na ang nangyayari sakin.



"Anong ipambabayad natin sa mga gastusin na ito!? yang bayag mo!?" malakas na sigaw ni nanay kay tatay habang hawak-hawak ang isang papel. Napasinghap naman si tatay.



Napa-deretso naman ako sa salas at heto kami ngayong magkakapatid na nasa harap ng mga magulang namin habang nag-aaway ang mga ito.



"Natanggal na nga sa trabaho eh, Papa'no ang gagawin ko eh sa natanggal ako eh! malas eh!" sagot ni tatay ngunit nanatili lang itong nakasandal at lumagok muli ng alak.



"Nako! papaano ka kasi hindi mamalasin! ha!? wala kang ambisyon!kuntento kana na ganito tayo habang-buhay isang kahig, isang tuka!tapos sasabayan mo pa ng pag-iinom!" sigaw uli ni nanay rito sabay lapit kay tatay at pinaghahampas ito ng papel.



"Eh paminsan-minsan lang naman ito eh." sagot ni tatay, ngunit ganun parin ang reaksyon ni nanay, hindi maawat sa galit.



"Kahit na! Ang isang katulad mo na tinanggal sa trabaho at kakarampot lamang ang sweldo walang karapatan ni minsan kahit na minsan ang mag-iinom! pang-gastos mo nga sa sarili mo kulang na kulang na! iinom ka pa ng iinom!" sigaw ni nanay rito, muli nitong sinampal si tatay sa mukha gamit ang papel at nagsalita muli. "Nakita mo! tignan mo mga anak mo! lahat yan! nakita mo!? gumaya sayo! walang kaambi-ambisyon!" sigaw ni nanay sa mismong mukha ni tatay at pinagtuturo pa kaming magkakapatid.



Napahilamos na lamang ako sa mukha dahil sa inis dahil ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay yung kinukumpara at tinutulad ako sa tatay ko. Marami akong ambisyon at gustong marating pero sarili ko pang nanay ang nagpapamukha sa'kin at samin na mga wala kaming kwenta.



Hindi na lamang umimik si tatay at mukhang nagpipigil lamang ito kay nanay, iinom na sana ito sa bote ng alak ng biglang bawiin ito ni nanay sakaniya at binasag ito sa sahig.



"Ay nako! itigil mo na yan!" sigaw ni nanay at pinagsisipa ang bawat kapiraso na nabasag.



"Naku naman oh!" inis na sabi ni tatay at napapikit na lamang.



Hindi na'ko nakapagtimpi dahil lagi na lang silang nag-aaway at nagkakasakitan sa tuwing nalalagay sa perwisyo ang trabaho ni tatay, lalo na sa mga ipambabayad sa kahit na ano mang nandito sa bahay, lalong lalo na yang pag-iinom ni tatay at pag-sasama ng mga taong kasama niya dito mismo sa loob ng pamamahay namin.



"Talaga bang hindi na kayo titigil!? wala na kayong ibang ginawa kundi mag-away ah!? kaya minamalas 'tong bahay na'to eh!" sigaw ko sakanila dahil sa inis na kanina ko pa pinagtitimpi, dagdag mo pa ang maingay na bibig ni nanay na umaalingaw sa labas ng bahay.



"Aba! nagsalita ang magaling!" sarkastikong sigaw ni nanay sa gawi ko.



"Oo! talagang magaling ako! dahil kailanman di ako gagaya sainyo! walang nangyari sa mga buhay niyo!" sigaw ko pa, lumapit si nanay sa'kin ng mabilis at gigil akong tinuro.



"At ikaw!? sa palagay mo ba maaayos mo buhay mo!? ha!? ha!? gumagaya ka sa tatay mo na ang hilig ay musika! musika ang gustong ipalamon sakaniyang pamilya! oh ngayon!? nasan ang musikang pinagmamalaki mo ha!? nasaan!? ginagaya mo ang tatay mo na walang pakinabang! yan ba gusto mong mangyari sa buhay mo ha!? jeremiah!? sumagot ka!" malakas na sigaw ni nanay sa harapan ko habang ang mga kapatid ko na lamang yukong-yuko at di na magawang magsalita.



Starting Over Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon