Jeremiah's Point of View
Pinuntahan naming dalawa ni meryll ang bahay nila oleng pagkatapos kong makipagkita kay elaine kanina. Naisip kasi nila meryll at ng mga kaibigan namin na si oleng na lamang ang isali naming contestant sa Singing Festival.
Syempre ako nga ang piniling Chairman ng comitty at sa akin binigay ang desisyon kung pwede ba si oleng. Sumang-ayon naman ako dahil naniniwala akong may boses at talento ang bestfriend ko.
Nandito kami ngayon sa kwarto niya kasama ang mama niya habang hindi pa ito umuuwi.
"She's very good naman noh?" tanong ng mama niya at tumango-tango kami.
Maraming libro si oleng na nakadisplay sa kaniyang book shelves at may mga CD o plaka pa ito na nakatago sa isang lalagyan ng mga paborito nitong mang-aawit katulad ni Sharon Cuneta, APO hiking, Eraserheads, Aiza Seguerra, Regine Velasquez.
Napangiti na lang ako na parang ewan dahil ngayon ko lang nalaman na may tinatagong hilig pala itong si oleng sa musika.
May mga gamit rin itong si oleng na pang-pottery at may mga nakaplastic pa itong clay.
May mga ipinakita din si Tita marlyn na mga lumang larawan ni oleng na kumakanta ito sa entablado sa eskwelahan namin noon. Bigla ko naman naalala lahat ng iyon dati at nakangiting pinagmasdan ang mga ito. Angcute-cute talaga ni oleng, ang mga tali pa nito noon ay pa-dalawa, isang tali sa kaliwa at sa kanan. Medyo mataba rin siya noon at makulit, masaya talaga kasama.
"Sa lahat ng mga anak ko siya ang may pinaka-sweet and clean also she have a emotional voice to sing." sabi ni Tita marlyn dahilan upang maalala ko ang sinusulat kong kanta na isang istansa na lang ay matatapos na.
"Syempre nag-mana sa amin yan, pero may iba siyang nakahiligan sa side ng papa niya, at yun ay ang pottery, kaya minsan ay di na siya nakakakanta dahil iba ang pinagkaka-abalahan niya." sabi pa ni tita marlyn habang tinitignan ang mga gamit ni oleng. Nang may makita akong isang libro, binuklat ko ito at nakita ko ang bawat bulaklak na nasa pahina nito na natuyo na.
Napangiti nalang ako dahil ito na ito yung mga bulaklak na inaabot ko sakaniya dati.
"Sige po tita, pakisabi nalang po kay oleng na kung pwede isama namin siya or siya na lang ang pwede naming ipakanta roon. Hindi po kasi allowed yung banda namin kasi ang hinahanap ung mga vocals at ballad na pang solo lang." sabi ko kay tita marlyn, tumango naman siya at ngumiti ng marahan.
"Sige hijo, sasabihin ko sakaniya mamaya pag-uwi niya, salamat." sabi nito muli.
"Welcome po. sige po, alam ko narin naman po ang gagawin ko, salamat po." ngiting sabi ko at nag-paalam na kay tita marlyn.
---
Olivia's Point of View
Nang maka-uwi ako sa bahay bigla akong sinalubong ni mama na kanina pa pala naghihintay para kausapin ako. Hinaayan ko na lamang siyang kausapin ako dahil pagod rin ako at kailangan ko ng mag-pahinga.
Nagulat na lang din ako dahil tungkol pala sa pagsali sakin Singing Festival ang gustong sabihin sa'kin ni mama. Balak daw pala akong isama nila meryll at je doon.
"Eh bakit di niyo sakin sinabi agad." tugon ko kay mama.
"Si jeremiah na raw magsasali sa festival anak. Gustong-gusto niya ang taste mo sa music, ngayon nga lang din niya nalaman na mahilig ka roon." sabi ni mama. Napangiti nalang ako dahil ngayon nalaman narin niyang hilig ko ang mga ganun at hindi lang si elaine ang kapareha niya.
"S-sinabi niya yun?" ngiting tanong ko kay mama habang nakatalikod rito.
"Yes, ikaw naman ayaw mo maniwala sa'kin eh. Diba sinabi ko sayo noon pa na maganda ang vocals mo at tama lang ang notes." sabi ni mama habang nasa likuran ko ito at nakahawak sa dalawang balikat ko. "Si je pa ba kailangan mangumbinsi sayo?" sabi ni mama dahilan para mapairap ako dahil pinamumukha nanaman ata ni mama na easy to get lang ako kapag si je ang kukumbinsi sa'kin.
"Eh bakit siya nangengealam? pati ba naman mga libro ko ginalaw di man lang binalik sa tamang lalagyan." sabi ko rito.
"He's only trying to see and discover your things na ngayon niya lang nakita and also he's only trying to help." sabi ni mama, napabuntong hininga nalang ako. "Ayaw mo bang sumali?" tanong ni mama, humarap ako sakaniya ng dahan-dahan at nagsalita.
"Gusto ho." mabilis na sabi ko at agad na tinalikuran si mama at dumeretso kaagad sa kuwarto ko.
Nang makarating ako sa kwarto ko ay di ko parin inilabas ang sabik na nararamdaman ko dahil alam kong ito nanaman ang isa pang pagkakataon para ipakita kay je na magaling akong kumanta, para narin magkaroon siya ng interest sa'kin kahit kaunti.
Ipapakita ko sakaniya kung gaano kaanghel ang boses ko, ipaparamdam ko sakaniya na habang humihimig ako ay para siyang lumulutang sa ulap.
Gusto kong ipakita sa'yo na mas may patutunayan ako sa'yo kesa sakaniya.
When i think of you, my heart sings a little love song but if possible I'll sing you to sleep, you'll see me in your dreams waiting for you to say "I love you, i'm sorry.. i dont want to lose you." Even in a dream that just will happens, I don't want to wake up.
---
#SOA
@Hernameisryukah
BINABASA MO ANG
Starting Over Again
RomanceAlam mo ba yung pakiramdam na nahuhulog ka sa isang taong manhid? makasarili? at higit sa lahat hindi ka kayang makita? dahil iba ang turing sayo. Masakit hindi ba? ang makitang tumingin sa iba ang taong lubos mong pinaglilingkuran. Ang taong matag...