Jeremiah's Point of View
Gabi na ng maka-uwi ako sa bahay at rinig ko pa ang malakas na bibig ni tatay sa labas ng bahay, tila may mga kainoman nanaman ito sa loob.
"Pare, pinagkakagulohan kami noon sa japan." rinig kong sabi ni tatay.
"Ohh talaga?" sabi naman ng kainoman niya.
"Ohhh ikaw eh, parang ayaw mo pa maniwala eh, lahat ng club dun pare pinag-aagawan kami eh!" rinig ko pang sabi ni tatay tila pinagmamalaki niya ang nakaraan niya bilang isang gitarista.
"Ohh? talaga?"
"Oo." dagdag ni tatay.
"Kahit anong mangyari, ang tao patay na patay dun sa tugtog namin." pagmamalaki pa ni tatay.
"Ohhh musikero ka pala pare."
"Galing galing mo pala pare."
"Ehh wala eh, sayang nga eh, naudlot ang pagka-musikero natin eh, nauwi dahil sa minahan eh." sabi ni tatay at natawa sila ng mga kainoman niya.
"Okay pala to si pare eh."
"Oo nga hahaha."
"Pero may nag-mana naman ng trono ko." rinig kong sabi ni tatay, diko na napigilan ang sarili ko, pagod rin ako kanina, nagsimula na akong pumasok at napatingin sa'kin ang mga kainoman niya.
"Oh ayan pala eh, jeremiah! tamang tama, patugtog ka nga ng piano ng makita ng mga ito na hindi lang basta-basta ang pamilya natin." sabi sakin ni tatay ngunit wala ako sa huwisyo ngayon para tumugtog,
Bakit hindi nalang nila tawagin si charles dito at siya nalang ang patugtogin nila.
Nagbulongan naman ang mga kainoman niya dahilan para makaramdam ako ng pagkainis. "Sige na!" pilit sa'kin ni tatay, aalis nalang sana ako pero tinawag akong muli ni tatay. "Jeremiah!" tawag niya.
Lumapit sa'kin si tatay at hinawakan ang braso ko, amoy ko pa ang alak mula kay tatay. Pinakita niya ang kamay ko sa mga kainoman niya. "Mga pre, tignan mo mga daliri, pareho kami hindi ba?" sabi pa ni tatay at sinakto pa ang mga daliri niya sa mga daliri ko. Ako naman 'tong hiyang hiya sa ginagawa ni tatay.
Nagulat ako ng bigla akong ilakad ni tatay mula sa kinaroroonan ng piano ko. "Tay nagbago na ho ako." sabi ko sakanya ngunit di niya ako pinakikinggan.
"Minsan nga lang e, mahiyain eh." sabi pa ni tatay sa mga kainoman niya. binuksan niya ang piano ko at tinapik ang upoan, lumapit siya muli sakin at inakbayan ako. "kahit kapiraso lang, pakita mo lang kay pare yung minana mo sa'kin." sabi ni tatay, napakunot nalang ang noo ko.
Lakas loob ko siyang nilingon. "Tay, hindi ho ako nag-mana sainyo." sabi ko rito, nagbago ang reaksyon sa mukha niya at dahan-dahan akong binitawan. "S-sorry ho." sabi ko sakaniya ngunit halata sa mukha ni itay ang lungkot.
"Hindi bale, sige na may gagawin ka pa eh." sabi niya pa.
"Hindi ho itay, sorry ho talaga." giit ko pa ngunit itinanggi niya lamang.
"Sige na." yun na lamang ang nasabi niya, wala na akong nagawa at umalis na ako roon.
Kita ko talaga ang lungkot sa mga mata niya. hindi ko sinasadyang masabi yun, dahil siguro sa pagod at dahil narin kanina sa mga ka-banda ko. napahinga na lamang ako ng malalim at pumasok sa kuwarto para mag-pahinga na.
---
"Ano ba talagang problema mo ha? kanina ka pa walang kakibo-kibo! kanina ka pa hindi nag-sasalita diyan, kung san-san na tayo nakarating, nagpunta tayo ng burnham, nagpunta tayo ng john hay, tapos dito lakad tayo ng lakad, hindi mo naman ako kinakausap. Ano ba talagang problema mo?" Pikon na tanong sakin ni oleng habang naglalakad kami ngayon sa kahabaan ng wright park.
"Sabihin mong wala! sasapakin na talaga kita!" inis na sabi niya pa sabay pakita ng kumukuyom na kamao niya.
"Sumama ang loob ni itay sa'kin kagabi.." paliwanag ko sakaniya.
"Edi mag-sorry ka, ano ba talagang nangyari sayo ha? eh pati yang kanta mo hindi mo matapos-tapos!" giit niya pa, napakamot na lang ako sa ulo ko.
Bigla namang kaming may narinig na tila isang mahinhin na boses ng babae na tumawag sa pangalan ni oleng, hinahanap naman niya kung saan nanggaling yun.
"Olivia!!!" Tawag pa nito, hinahanap-hanap parin ni oleng kung saan nag-mula ito, nang matagpuan na niya ito ay napalingon din ako dito.
"Olivia! Hiii!!!" sigaw nito.
"Elaine!" tawag din ni oleng dito at tumakbo sila papalapit sa isa't isa.
Nang makita ko kung sino si Elaine ay tila bumagal ang ikot ng mundo, tila dahan-dahan lamang ang galaw ng pangyayari at nakangiti akong nakatitig kay elaine.
Angganda niya...
Dahan-dahan din ang galaw ng pagyakap nilang dalawa ni oleng, napakaganda ni elaine, pati narin ang suot nitong jacket na may sando sa loob at mini skirt niya, pati narin ang tila mamahalin nitong kulay puting boots at ang mahaba nitong buhok.
Maayos ang hugis ng mukha niya, maganda ang nangingislap nitong mga mata, matangos na ilong, maputing kutis at mapulang mga labi, isama mo narin ang mapulang pisngi nito, halata mo narin ang-ganda ng hubog ng katawan nito. Ang-ganda talaga niya kung ihahalimbawa.
Nagulat pa ako ng hawiin ni elaine ang buhok niya na mas lalong nag-paganda sa kaniya, napahanga ako lalo.
Wow...
Meeting you was like listening to a song for the first time and knowing it would be my favorite. If i had a flower for everytime, I could walk with you in my garden forever.
---
#SOA
@Hernameisryukah
BINABASA MO ANG
Starting Over Again
RomanceAlam mo ba yung pakiramdam na nahuhulog ka sa isang taong manhid? makasarili? at higit sa lahat hindi ka kayang makita? dahil iba ang turing sayo. Masakit hindi ba? ang makitang tumingin sa iba ang taong lubos mong pinaglilingkuran. Ang taong matag...