Olivia's Point of View
Kasama ko ngayon si je sa isang kainan ngayon dahil nalaman niya na na pumayag na akong sumali sa Singing Festival kaya inaya niya akong lumabas para mapag-usapan, Ako naman itong masaya ngunit pinili maging kalmado.
"Ito nga pala yung kanta na sinulat ko at ako mismo ang nag-compose, yan nalang ang kantahin mo, gusto ko kasi marinig mismo sa'yo kung ga'no kaganda yang kantang yan for the first time. Sabi rin ni Tita Marlyn maganda ang boses mo at emotional kaya ayan sayo ko na ipapakanta in Singing Festival." sabi ni je habang pareho kaming kumakain.
Inabot niya rin sa'kin ang isang folder na naglalaman ng lyrics at kasama na ang notes dito, tinuro niya rin sa'kin kung paano ito kakantahin.
"Kaya ko ba yan? feeling ko magugulohan ako eh." sabi ko habang nakatingin sa lyrics nito.
"Ikaw, bakit di ka naniniwala sa sarili mong magaling ka?" tanong sa'kin ni je ngunit inirapan ko lang siya saka nagsalita.
"Eh, wala namang maniniwala eh." sagot ko, natawa naman siya sa sagot ko.
"Ako!" sabi niya dahilan para mapatigil ako, nakatitig pa ito deretso sa mga mata ko.
"T-totoo?" tanong ko rito habang di makagalaw.
"Oo, kaya galingan mo kasi laging nasa tabi mo ako, okay?" sabi niya, hindi ko maipaliwanag kung bakit bigla na lamang lumambot ang puso ko.
"Pero j-je, yun lang requirement ko ah? kailangan nandun ka!" sabi ko rito at nilakihan siya ng mata sabay subo ng pagkain.
"Syempre naman! wala ng ibang makakalapit sa'yo dun kundi ako lang." sagot ni je, napangiti naman ako, at napaisip.
"Eh, pano yun? on the spot yun baka mamaya magkamali ako." kabadong napaisip naman ako, hinawakan naman ni je ang kamay ko na ikinatigil ko.
"Kapag nararamdaman mo yang ganyan o kapag kinakabahan ka tignan mo lang ako." malawak ang ngiting sabi niya sa'kin, namula naman ako at tumibok ang puso ko ng kaybilis.
Ito nanaman...
"Ganito oh." dagdag niya at nag make-face na parang baliw, napahalakhak naman ako ng malakas at hinampas siya sa balikat.
"Oh edi panalo kana niyan. kilala kita eh, palaban kang tao." sabi pa niya pero di parin matigil ang pagtawa ko ngunit kalaunan ay nakangiti na lang ako.
"Pero basta je promise me one thing ha? hindi ka mawawala dun!" seryosong sabi ko rito.
"Kulit-kulit naman talaga eh! hahaha!" nanggigigil na sabi niya sa'kin sabay pisil ng pisngi ko.
"Tsaka.. ayaw kong nandun si elaine ah?.. kasi syempre pag nandun siya sakaniya mapupunta yung atensyon mo, gusto ko akin lang." seryoso ko ring sabi kaya naman ngumiti muli siya ng marahan.
"Opo senyorita, promise." magiliw na sabi niya kaya napangiti nalang ako.
Pinakita ko pa sakaniya ang tatlong daliri ko tanda ng pangako. "Promise, promise, promise." pangako niya.
"Okay!" masayang sigaw ko at pinagpatuloy naming dalawa ang masayang pagkain.
Gusto ko talagang hindi niya isama sa elaine doon dahil kapag nagkataon ay maaagaw nanaman niya ang atensyon ni je pati ang pagtingin nito. Ito na ang isa pang pagkakataon na ipapakita ko kay je na ako ang karapat-dapat sakaniya at gusto kong mapasa sa'kin ang interest niya.
Sana.. sana.. sana.. umaasa parin ako.. kaya sana kahit ngayon man lang magkaroon ako ng pagkakataon sakaniya.
---
BINABASA MO ANG
Starting Over Again
RomanceAlam mo ba yung pakiramdam na nahuhulog ka sa isang taong manhid? makasarili? at higit sa lahat hindi ka kayang makita? dahil iba ang turing sayo. Masakit hindi ba? ang makitang tumingin sa iba ang taong lubos mong pinaglilingkuran. Ang taong matag...