Jeremiah's Point of View
Nasa Burnham Park kami ngayon ng mga kaibigan ko kasama sila oleng at meryll dahil mag eensayo kami sa isang kantang gagamitin namin dahil paparating na ang audition na sinalihan namin.
"Oh, Malapit na audition natin. kaya jeremiah? ano ba yung kanta natin? kelan ba yung kanta natin?" tanong sa'kin ni vincent, napakamot naman ako sa ulo at huminga ng malalim.
"Eh, chong wala pa kasing dating eh.." nahihiyang sabi ko sakanila.
"Papano naman jeremiah, kailangan mo kasi ng inspirasyon, tumingin ka sa tabi-tabi, look diba?" biglang singit ni meryll, natawa naman ako.
"Sino? ikaw?" natatawang tanong ko dito.
"Si meryll! si meryll!" Tahol pa nila andrew.
"Alam nyo mga tol? hindi inspirasyon eh, kundi bangungot ang tawag diyan kay meryll." asar nanaman ni rolito kay meryll dahilan para magtawanan kami at mapataas ang mga kilay ni meryll.
"Hoy! nakakahiya naman sayo Mr. bungo! angsexy-sexy mo't angwapo-gwapo mo! laki din ng katawan mo no?" depensa ni Meryll kay rolito. "Oo talaga namang pogi ako, mas sexy pa sayo bewang ko hoooy." depensa rin ni rolito. "Natutusok lang ako sayo, buto-buto ka dyan." dagdag pa ni meryll.
"Paluin kita ng gitara diyan ng makita mo." gigil na sabi ni rolito kay meryll, agad naman siyang inawat nila vincent.
"Sino ba yung sinasabi mong inspirasyon ha?" natatawang tanong ko kay meryll, dahilan para tumingin siya sa kaibigan.
"Si oleng! ayan!" Turo niya kay oleng at hinawakan pa ito at syempre ayan nanaman yung mga mapanuksong mga kaibigan ko. "Oooooooooiii!~" asar nila.
"Huh!? hello?!" tanggi ni oleng at nakapamewang pa ito, muli naman akong natawa at napatayo sa kinauupoan ko at lumapit sa kinauupoan nila oleng at meryll, tumabi ako kay oleng at inakbayan ito.
"Jusko! ano bayuuun? kayo naman oh. si oleng hindi pwedeng talonin to, barkada to." sabi ko kila rolito sabay halik sa pisngi ni oleng. "at tsaka isa pa." putol kong muli sa sasabihin ko at muling hinalikan si oleng sa pisngi. "at tsaka isa pa mga pare, hindi niyo ba alam na HD din 'to ni orland? ayiee." tukso namin kay oleng pero bakas sa mukha nito ang pagkairita.
"Anong HD HD? Baka hampas dagok ang abotin nun sakin ah?" sabi ni oleng, natawa naman kami at sinagi siya ni meryll dahil tila kinikilig ito.
"Pwede ba wag niyokong pinagsasali dyan sa mga kalokohan ninyo." iritang sabi ni oleng samin. "Halika na nga meryll samahan mo'ko sa cr." dagdag pa ni oleng.
"Uuuuyyyy ang taraaay!" habol pa nila federick kila oleng at meryll.
"Oh talaga! angtaray-taray namin!" bawi ni meryll sakanila.
Ilang sandali pa ay may biglang dumating. "Ito na pala sila eh." sabi ni rolito. "Oyy erick!" bati nila vincent kila erick na bagong dating.
"Pare, pasensya na talaga ah? sinundo ko pa kasi si charles eh." sabi ni erick. "ayus lang yun pare." giit naman nila andrew.
"Pinsan ko nga pala pare." pakilala ni erick kay charles. "Insan? mga ka-banda ko nga pala." pakilala ni erick samin kay charles, isa-isa namang nagpakilala sila rolito.
"Hi, I'm Charles Felix Santos." pakilala ni charles sa sarili.
Bigla naman ako napatayo at lumapit kay charles, parang pamilyar kasi siya sakin, nakita ko na ata to dati eh, Nang makalapit ako ay ako na mismo ang nagsalita.
"Ikaw ba yung charles na ipapasok ni erick?" ngiting tanong ko dito.
"Uyyy je?!" ngiting tawag niya sa'kin ng makilala ako.
BINABASA MO ANG
Starting Over Again
RomanceAlam mo ba yung pakiramdam na nahuhulog ka sa isang taong manhid? makasarili? at higit sa lahat hindi ka kayang makita? dahil iba ang turing sayo. Masakit hindi ba? ang makitang tumingin sa iba ang taong lubos mong pinaglilingkuran. Ang taong matag...