Epilouge

53 14 0
                                    

- 7 YEARS AGO, YEAR 2005.

Nagkakape ngayon si Olivia habang nakatingin sa bintana ng tinutuluyan nitong condo sa Paris, France. Masaya siya dahil sa wakas ay nakamit na nito ang tagumpay sa buhay niya. Nakapagtapos na ito ng kolehiyo at ang kinuhang kurso nito ay medikal.

Pagkatapos ng lahat ng pinaghirapan nito ay isa na itong sa magiging ganap na propesyonal na doktor ngunit itutuloy na lamang niya ito sa pilipinas.

Ngayon narin ang uwi niya sa pilipinas upang dumalo sa kaarawan ng kaniyang Ina. Bumili rin siya ng bulaklak na mamahalin para iregalo sa kaniyang ina maging ang mga damit at gamit.

Habang nagkakape ito ay naisipan niyang buksan ang radyo at kumuha ng diyaryo upang magbasa ng mga updates mula sa ibang lugar. Habang nagbabasa siya ay biglang tumugtog sa radyo ang kantang pamilyar sakanya at wikang pilipino ito. Kasabay ng pagbabasa niya ng diyaryo ay nabasa niya na may isang bagong popular solo singer ang sumisikat ngayon sa pilipinas.

"Jeremiah.. Baltazar?" tanong niya habang basa-basa ang diyaryo, hindi niya alam kung namamalikmata lamang siya ngunit totoo nga ang nababasa niya. "Je.." wala sa sariling pagkakasabi niya sa kawalan.

Napatulala na lamang siya sa bintana habang pinapakinggan ang umaawit na iyon.

Habol-habol niyang muli ang pag-hinga niya sa pakikinig habang naririnig na umaawit ang dating kaibigan na ngayon ay kilala na. Tila bumabalik ang lahat ng ala-ala mula sa nakaraan sa isipan niya, hinawi naman niya ang maikli niyang buhok sa pagkabigla.

Habang patuloy ang radyo sa pagtugtog, biglang pinatay iyon ni Charles, napalingon naman si Olivia sakaniya na nagtataka. Pakiramdam ni Olivia ay pinatatamaan siya sa kantang iyon.

"Why are you listening that kind of music huh?" ngiting tanong ni Charles kay Olivia sabay tabi rito sa upoan.

"Nothing, bigla nalang tumunog eh. But it's kinda pretty song." ngiting sabi ni Olivia sabay ubos ng iniinom niyang kape at agad ng inilapag ang diyaryo sa table.

Napatingin naman si Charles sa diyaryong 'yun at nabasa ang isang bagong solo singer na kilalang kilala na sa pilipinas ngayon. Napagtanto niyang iyon ang dating ka-banda, napangiti na lamang siya dahil hindi niya akalain na sisikat ang dating ka-banda, masaya ito para sakaniya.

"By the way, we have to go now. Baka mahuli tayo sa flight hubby, birthday din ni mama today kaya hurry." sabi ni Olivia rito ng makabalik sa salas at agad nagmadaling hinablot ang bawat gamit na dadalhin nila, tapos narin sila mag-ayos bago sila umalis sa condong iyon at tumungo agad sa (CDG) Airport.

Nagmadali silang makasakay ng eroplano upang humabol dahil muntik na silang mahuli. Nang makasakay ay doon sila kumalmang dalawa dahil nakahabol sila.

Ilang oras ang itinagal nila bago sila makababa ng pilipinas. Halos labing tatlong oras ang itinagal ng lipad nila bago sila makarating sa bansa. Nang makababa na ang eroplano ay saka rin sila bumaba kasama ang ibang mga taong sakay.

Naglakad sila habang hawak-hawak ang maleta at dumeretso sa terminal. "Nandito raw sila Ate Carol, sila ang susundo sa'tin pauwi sa bahay." sabi ni Olivia kay Charles, tumango si Charles at tinulongan ang nobya sa paghahawak ng mga gamit.

Habang patuloy sila sa palalakad ay biglang may sumigaw sa pangalan niya. "Olivia! Here!" sigaw ng Ate nito, napalingon naman roon si Olivia at masayang sinalubong ang kapatid.

"Hi Ate Carol! I've missed you so so so much!" masayang salubong ni Olivia sa kapatid, nagulat naman din ang Ate nito sa malaking pagbabago ng kapatid kung kaya't niyakap niya ito sa tuwa.

"Mas miss na miss ka namin nila mama at ni Katherine!" masayang sabi nito habang nakayakap ng mahigpit sa kapatid.

"O'sya, let's go na, gusto ko na umuwi!" nasasabik na sabi ni Olivia rito at doon ipinasok nila ang mga gamit at maleta sa loob ng kotse saka ito pinaandar. Sa biyahe nila pag-uwi ay nakita ni Olivia ang pagbabago sa lugar at tila nakaramdam siya ng paninibago.

Starting Over Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon