Olivia's Point of View
Pagkauwi na pagkauwi namin ni je hanggang makalabas kami ni kotse ay hindi ko na ito pinansin at hinayaan ko na lamang na umuwi ito sakanila. Deretsahan akong dumeretso sa loob ng kuwarto ko at doon muling naging malaya ang nararamdaman ko.
Agad kong binato ang bag ko sa sofa at kumuha ng clay. Ito kasi ang pinagkakaabalahan ko tuwing wala akong magawa.
Agresibo ko namang hinahagod ang clay sa mga kamay ko habang umiiyak sa sakit. Napakagat ako sa ibabang labi ko at sa tingin ko ay hindi na maipinta ang mukha ko ngayon sa labis na pag-iyak.
Iniisip ko na lamang na pinaghalong si je at si elaine ang clay na nasa kamay ko ngayon at pinipisil-pisil ito gaya ng puso kong parang pinipisil ngayon sa sakit.
Agad naman akong napatigil ng maalala ang mga sinabi ni je kanina. Totoo na sana ngunit biro lamang pala para sakaniya yun at para kay elaine talaga ang mga salitang binigkas niya sa'kin. Maging ang pagiging manhid niyang tao ay ang pinakakinasasakit ko sa lahat. Kahit na nakikita na niya akong nasasaktan ay balewala lang lahat ng iyon para sakaniya.
Pinisil ko ng napaka-higpit ang clay at agresibo itong inihampas sa mesa mismo. Napatingin na lang ako sa kawalan at pinakiramdaman ang sarili ko.
---
Jeremiah's Point of View
Naglalakad na ako sa malapit sa bahay habang iniisip parin ang mga naging akto ni oleng kanina. Bakit kaya nagiging ganun na siya. Hindi naman siya ganun dati. Dati naman maayos pa ito at di palaging nagagalit at nag-papaawa.
Tinignan ko naman ang singsing ko na kapareho kay oleng. "G*go. Di talo yun. Hanggang bestfriend lang je." sabi ko sa sarili ko habang nakatitig sa singsing. Huminga na'ko ng malalim at nagsimula ng pumasok sa loob ng bahay.
---
Nasa Singing Festival kami ngayon kasama ang mga kaibigan ko at iba pa habang nakikinig sa sinasabi ng bawat isa.
"Nasa atin ang tagumpay ng Singing Festival na ito." sabi ng isang lalake. "Meron namang organizations na napaka-usapan para sa refreshment, decorations and etc. So ngayon tayo maghahandle ng comitty for the on the spot contest. So tayo ngayon yung maghahanap, mag-iinvite ng mga young artist dito sa baguio para mag-participate dito sa contest." explain ni meryll na kasama rin namin.
"May iinvite kayo?"
"Kayo nalang."
"Oo nga."
"Kasi ako wala eh."
Bulongan naman ng mga kasama namin at kaibigan.
"Pero ang kulang nalang natin, kailangan natin ng chairman na comitty. So any suggestions?" Tanong ni meryll sa'min.
"Oi oi oi! pagkakataon ko nayan!" pasikat ni Charles.
"Anybody? suggestions?" tanong ni andrew.
"Suggestions guys?" tanong din ni federick sa lahat.
"Ako ako ako!" sabi nanaman ni charles at tinuro pa ang sarili. "Okay." sagot ni meryll. "I nominate Jeremiah Baltazar as chairman!" sabi ni charles at tinuro ako. Nagpalakpakan naman ang mga kasama kaya napangiti ako, maging si elaine na nasa tabi ko ay masaya.
---
Tapos na ang meeting namin kanina at nasa labas na kami ngayon habang nag uusap-usap. Napalingon naman ako kay charles na may kausap at lumapit ako rito.
Nang maka-alis na ang kausap nito ay ako naman ang kumausap sakaniya. "Charles?" tawag ko dito.
"Oh? akala ko ba nasa canteen kana?" tanong nito sa'kin.
"Eh, gusto ko lang sanang mag-pasalamat sayo eh." ngiti ko dito.
"Haha! wala yun! eh ikaw naman karapat-dapat na chairman ng comitty nayan eh." natatawa niyang sabi kaya pati ako ay natawa din.
"Di ko lang siguro inexpect talaga, pero charles? Anytime basta kung anong tulong maibibigay kong favor, andito lang ako." sabi ko pa, napangiti nalang siya.
"Kahit ano?" tanong niya.
"Kahit ano pare! hahaha!" tawa ko dito at ganun rin siya.
"Di kasi ano.. ano.. haha! di! wag na nga!" sabi niya naman at parang nahihiyang napatakip pa sa mukha, Nagtaka naman ako.
"Ano ba naman yun. Wag ka nang umarte, sige na sabihin mo na sa'kin." sabi ko dito kaya napatingin siyang namumula ang pisngi.
"Hindi kasi.. ano.. may kaibigan ka eh. eh.. eh cute eh." sabi niya. Nakuha ko na agad ang ibig niyang sabihin kaya napatango ako at ngumisi-ngisi.
"Hahaha! teka lang, wag mo sabihing si meryll?!" natatawa kong tanong.
"Hindi ah!" tanggi nito na parang ayaw niyang makasama si meryll habang-buhay.
"Margaret or odessa?! yung kaibigan ni elaine" tanong ko pa at umiling siya ng todo. "Pare wag mo na nga ako gawing manghuhula, sige na sabihin mo na." sabi ko pa dito.
"Olivia yung pangalan niya or di kaya eh oleng!" sabi nito sa'kin na ikinagulat ko.
"Si oleng?!" Natatawa ko ditong tanong.
"Yun!" masayang sabi niya sabay palakpak.
"Pare si oleng yung trip mo?" tanong ko pa.
"Oo, bakit?" tanong niya rin pabalik.
Natatawa parin ako na si Oleng ang gusto nitong si Charles at halos di ako maniwala kung bakit sa dinami-rami ng magugustohan niya, si oleng pa.
"Hahaha! wala. pero teka ano ba nakita mo dun kay-" di ko na natapos ang sasabihin ko ng unahan niya na.
"Eh, di mo lang siguro napapansin pero angsweet-sweet ng mukha nun, at sobrang ganda niya!" matamis ang ngiting pag-describe sa'kin ni Charles.
"Haha sabagay pero- sige na nga.. ilalakad kita kay oleng." pilit ang ngiting sabi ko kay charles. "Talaga?" masayang tanong nito. "Oo, bestfriend ko naman yun eh." sabi ko pa kaya napa-apir siya sa'kin. "Pero teka muna pare? anong gagawin mo eh di naman kayo madalas magkasama ni oleng eh. Parati nga kayong magkasama ni elaine diba?" tanong niya sa'kin kaya naman parang naglaho ang ngiti ko ng kaunti.
"Tulongan mo nalang ako para ako na mag-alaga sakaniya." sabi pa sa'kin ni charles kung kaya't pumait ang ngiti ko at nagdadalawang-isip pa saka tumango.
Why do I feel this way? Why do i seem to want to stop him from getting close to her? Is it because I hate him or maybe because I don't want him to hurt my Bestfriend?
---
#SOA
@Hernameisryukahmention a user
BINABASA MO ANG
Starting Over Again
RomanceAlam mo ba yung pakiramdam na nahuhulog ka sa isang taong manhid? makasarili? at higit sa lahat hindi ka kayang makita? dahil iba ang turing sayo. Masakit hindi ba? ang makitang tumingin sa iba ang taong lubos mong pinaglilingkuran. Ang taong matag...