19

35 13 0
                                    

Olivia's Point of View

Sa patuloy kong pag-tangis ay bigla kong narinig ang pag-tawag ni je sa pangalan ko habang hinahabol ako dahil mabilis akong tumatakbo papunta sa kotse ko. "Oleng!" tawag nito sa'kin ngunit tila wala na akong panahon pa upang lumingon at pakinggan pa.

Ayaw paring matigil ng pagbuhos ng mga luha ko ngayong naglalakad na lamang ako at nakasunod parin siya sa'kin. Wala akong pakealam kahit na makita niyang puro luha ang mga mata ko dahil matagal ko itong tiniis.

"Oleng! sandali! hindi pa tapos ang contest!" sigaw nito sa'kin ngunit kahit anong sabihin niya ay gusto ko ng isarado ang tenga ko, naniwala na ako sakanya at ayaw ko ng maulit pa iyon. "Oleng!" tawag niya ulit.

Marahan kong binuksan ang pinto ng kotse ko at inayos sa loob ang mga gamit ko at hinubad ang numero ko bilang contestant na nakasabit sa leeg ko, Nang matapos ko itong maayos ay marahan ko ring sinara ang pinto ng kotse at hinahayaan lamang siya sa likuran ko.

"Oleng, bakit ka ba nag-walkout?!" tanong nito at muli kong sinara ng marahan ang pinto ng kotse pagtapos mag-punas ng kamay dahil sa basa ang mga palad ko dahil narin sa luha at panlalamig ng palad ko.

Sinundan niya ako ng tingin hanggang sa maka-deretso ako sa kabilang pinto ng kotse, napakarami nanaman niyang tanong dahilan para mas lalo akong makaramdam ng galit sakaniya. "Yun ang gusto ko!" sigaw ko sakaniya na ikinagulat niya at agad na lumapit sa akin.

"Ano bang sagot yan!?" tanong niya na ikinainis kong muli at padabog na pinaghahampas ang mga gamit sa loob ng kotse ko dahil sa hindi mapigilang inis.

"Yun ang sagot ko!" sigaw ko ulit dito.

"Oleng, galit ka ba sa'kin? ha? galit ka ba?" tanong nitong muli sa'kin. Tinignan ko naman ito ng deretso sa mata habang magkasalubong ang dalawang kilay ko, Dun na niya naaninag ang luha sa mga mata ko at galit ko.

"Akala ko ba walang iwanan sa ere?! iniwan mo'ko eh!" kasabay nun ay ang malakas kong pag-sara muli sa pinto ng kotse.

"Dumating naman ako ah?! nandito nga ako oh!" sabi niya sabay turo pa sa sarili.

"Nangako ka saking hindi ka mahuhuli!" sabi ko rito at inalis ang nakasuot sa'king jacket at binato ng marahan sa loob ng kotse ko.

"Sinundo ko pa si elaine!" sabi niya naman, uminit ang ulo ko at inis na nilingon siya.

"Nangako ka rin sa'kin na hindi mo isasama yang elaine na'yan!" sigaw ko mismo sa mukha nito.

Muli akong pumasok sa loob ng kotse at buwisit na pinag-aayos ang mga gamit at damit na nagulo roon. "Okay, kaya ko sinama si elaine kasi mag-on na kami!" biglang sabi ni je dahilan para mapatigil ako sa ginagawa ko at hindi makagalaw at mapatulala na lang.

"At syempre ikaw ang gusto kong unang makaalam nun kasi ikaw ang Bestfriend ko!" dagdag niya pa ngunit nakatulala parin ako at di makapagsalita.

Nanikip nanaman ang dibdib ko at hinahabol ang hininga, nagsisimula nanamang mangilid ang luha sa aking mga mata habang unti-unting lumingon kay je. "Get out of my way.." malumanay na sabi ko ngunit hindi siya nakinig.

"H-hindi ka ba masaya para sa'kin?" tanong nitong muli't muli at napakuyom ang mga kamay ko.

"Get. out. of my way." inis na sabi ko ngunit nagmatigas parin siya.

"Oleng diba ito yung gusto mo!?" sigaw niya sa'kin, uminit nanaman ang ulo ko at tinignan siya ng matalim.

"I said get out of my way!" sigaw ko rito sabay tulak sakaniya at naglakad sa kaliwa ng kotse habang sunod parin ito ng sunod sa'kin.

Starting Over Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon