18

29 13 0
                                    

Olivia's Point of View

Patuloy parin ako nun sa pagsilip sa mga paparating na manononood ng biglang tawagin na ng host ang pangalan ko bilang huling contestant.
Wala na akong nagawa kundi ang pumasok sa loob ng Singing Festival.

"At ang ating huling kalahok ay si Olivia Virginia Guerrero." tawag ng host sa pangalan ko kung kaya't napapahiya pa akong umakyat mula sa stage, nagpalakpakan naman ang mga manonood.

Habang nagsasalita pa ang host ay bigla namang dumating ang iba pang kasama nila meryll at sumenyas naman ang mga ito na wala parin si je. Lalo akong kinabahan at parang di ko alam ang gagawin ko nagkatinginan na lamang kami ni meryll sa isa't isa, Ayaw ko itong palagpasin.

Halos sunod-sunod kaming mga kakanta sa stage at ng matapos ang pagsasalita ng host ay agad kaming pinababa at tinawag na ang unang kakanta. Lima lang naman kaming contestant at pagtapos ng kantahan ay kainan na, sa pinakahuli naman malalaman kung sino ang nanalo.

Napaupo na lamang kami sa upoan habang kumakanta parin ang ibang mga kakanta sa stage, lumipas ang mga oras ay sunod-sunod na ang mga susunod na kakanta, susunod na nga ang contestant na kasunod ko.

Minsa'y patingin-tingin na lamang ako sa Entrance door at inaabangan kung dadating siya ngunit lumipas pa ang mga minuto ay ako na ang susunod na kakanta, wala parin siya.

Nangilid na ang luha sa mga mata ko at pinipigilan ko lamang ito, tumaas ang emosyon ko sa buo kong katawan kasabay nun ang pangamba na nadarama ko na baka hindi na siya umabot hanggang sa matapos ako kumanta.

Ilang sandali pa ay nagulat ako sa biglang palakpakan ng mga nanonood at saka ko lang nalaman na tapos na palang umawit ang kasunuran ko at ako na ang susunod na aawit, sa huling pagkakataon at napalingon ako sa entrance door.

Dadating pa kaya siya?..

Tuluyan ng nanghina ang mga tuhod ko at tuluyan narin akong umapak sa stage at hinablot ang mikropono na inabot sa'kin.

Punong-puno na ako ngayon ng emosyon at dalamhati sa puso ko na tila umaasa parin kabaliktaran rin ng kawalan ng pag-asa. Pilit ko paring inaalala ang mga sinabi niya sa'kin simula kagabi at ang mga pinangako nito. Tumaas ang lahat ng balahibo ko tila gusto ng bumuhos ng mga luha ko sa mga naiisip ko at nararamdaman.

Nagsimula na ang pagtugtog ng instrumento mula sa likuran ko na ang banda pala nila je ang tutogtog sa kakantahin ko dahil alam na nila kung paano ito tutogtogin kasabay ng pagkanta ko. Tinuro siguro ito ni je sakanila.

*Intro*

♫"Ibibigay.. ang lahat-lahat ~
Handa kong gawin ~
Lahat ng iyong hiling,
sukli man ay sugat sa puso ~" ♪

♩ "Karamay ka.. sa hirap at saya ~
masaktan mo man damdamin ko ~
ay nandyan parin sayong tabi ~" ♪

♫ "Kapag ako ay nagmahal~
ang lahat ng ito'y magagawa ~
Di magbabago ~ Di maghahangad ~
ng ano mang kapalit ~" ♬

♪ "Kapag ako ay nagmahal ~
Umiyak man ako hindi ko ito
ikakahiya ~
Handa akong mag-tiis ~
Kapag ako, Kapag ako ay nagmahal ~" ♫

Sa gitna ng pag-awit ko sa awiting siya ang sumulat ay pinaramdam ko sa lahat ng manonood kung gaano ka-emosyonal ang kantang 'to. Umiiyak ngayon ang puso ko dahil sa pangalawang pagkakataon ay hindi ko muling naipakita sakanya ang matagal ko ng hinihintay na pagmamahal ko. Nasasayangan ako dahil wala siya rito upang pakinggan ang kantang ito na ako na mismo ang umawit gaya ng sabi niya.

♬ "Sayo lamang ~ iikot aking mundo ~ sakin balewala, ang sasabihin ng iba ~ basta't alam ko mahal kita ~" ♪

♩ "Kapag ako ay nagmahal ~
ang lahat ng ito'y magagawa ~
Di magbabago ~ Di maghahangad ng ano mang kapalit ~" ♪

Habang kumakanta ako na puno ng emosyon ay bigla ko namang nakitang dumating na si je ngunit kasama nito si elaine na tuluyan ng ikinabagsak agad ng mga luha ko at tila kumirot na ang puso ko sa sakit, magkahawak kamay pa itong naglalakad at naghahanap ng mauupoan, nakangiting nakatingin saakin si je at kitang-kita sa mga mata nito ang saya ngunit hindi ko na magawang suklian pa ang sayang nararamdaman niya dahil punong-puno na ako ngayon ng sakit.

Habang kumakanta rin ako ay halata mo na ang paghikbi sa boses ko dahilan upang mag-alala ang itsura ng ibang manonood lalo na sila mama at meryll, hindi naman pansin iyon ni je bagkus ay kausap niya pa si elaine habang pinakikinggan akong kumanta.

Angsakit! angsakit! bakit ang sakit!

♫ "Kapag ako ay nagmahal ~Umiyak man ako hindi ko ito ikakahiya ~ handa akong mag-tiis..."

"Hindi ka man maging akin ~" ♪

♫ "Lahat ng ito'y gagawin ~ Kapag ako, kapag ako ay.. nagmahal ~"

pagkatapos ng pagkanta ko ay doon ko na hindi napigilan ang pag-iyak ko at agad na tumakbo pababa ng stage at lumabas sa loob.

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa aking makakaya habang dala-dala ang lahat ng emosyong nararamdaman ko. Sakit, galit, dalamhati at paniniwala.

'True Pain is like when you look into the eyes of someone you love and they look away. It hurts.
-
You keep my feet on the ground, i'll keep your head in the clouds.'

Kapag Ako Ay Nagmahal by Jolina Magdangal.

---

#SOA
@Hernameisryukah

Starting Over Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon