23

33 13 0
                                    

Jeremiah's Point of View

Isang buwan na ang lumipas ng nabalitaan kong umalis na si Charles noong nakaraan pa bago kami magkaroon ng sama ng loob, pagtapos raw nito umalis sa banda ay hindi na raw ito nagpakita pang muli sabi ni luis. Maging ako naman ay umalis na lamang din sa banda, pinipilit kong pigilan ang sakit na nadarama ko dahil sa pag-alis sa bandang iyon na nag-bigay rin sakin ng masasayang alaala.

Pauwi na ako ng masagi ng paningin ko si Oleng at may kasama itong pamilyar na lalake bago sila sumakay ng sasakyan, nagtaka naman ako kung saan ito pupunta dahil may mga dala pa silang maleta at gamit.

Dederetso na ako sa gawi nun ngunit bigla nang umandar ang kotseng sinasakyan nila oleng maging ang kasama nitong lalake na pamilyar talaga sa'kin. Tila parang kumakabog ng mabilis ang dibdib ko dahil sa kaba.

Napalingon ako sa gawi ng bahay nila oleng ng makitang papalabas roon si Tita Marlyn. "Uhh! tita? saan po pupunta si oleng? b-bakit andami niya hong dalang gamit at malalaking maleta?" tanong ko rito ngunit tinitigan niya lang ako at walang reaksyon. Nakaramdam naman ako ng hiya dahil hindi niya pinansin ang sinabi ko.

Pero hindi ko kailangan sumuko, kailangan kong malaman kung saan papunta ngayon si oleng.

"T-tita? saan po ba talaga siya pupunta? gusto ko pong malaman." pilit ko dito, huminga siya ng malalim.

"Hindi ko alam." sagot na lamang nito at nagtuloy sa paglalakad papalabas ng gate nila ngunit patuloy ko parin itong hinabol.

"Tita, alam ko hong alam niyo." sabi ko rito ngunit hindi niya parin ako pinansin, para bang hangin lang ako sa paligid niya. "Tita naman ohh." sabi ko pa at nangilid na ang luha sa mga mata ko dahil parang hindi ko na alam ang gagawin ko.

Parang hindi ko kakayaning umalis rito sa oleng at lumipat ng ibang lugar na mapupuntahan, mas gusto kong nandito lang siya kahit hindi na niya ako kausapin kahit kelan, basta nandito siya at nakikita ko siya sa malayo.

Hindi na ako nakapag-pigil ng emosyon, agad akong humarang sa dinaraanan ni tita at deretso itong tinignan. "Tita, pakiusap.. nagmamakaawa ho ako, s-sabihin niyo po sa'kin saan po ba talaga pupunta ang anak niyo? bakit po siya may dalang mga maleta at gamit? aalis po ba siya? bakit kailangan niya hong umalis?" sunod-sunod kong tanong dito, napahinga uli siya ng malalim at kunot noo akong hinarap.

"Bakit ba tanong ka ng tanong jeremiah? wala ka na don kung umalis siya, wala ka namang pakealam sa nararamdaman ng anak ko simula una palang diba. bakit ngayon ikaw ang habol ng habol sakaniya?" sabi nito habang mapait ang tingin sa'kin na para bang hindi nito ako noon pinakitungohan na parang anak.

"D-dahil, dahil mahal ko po ang anak niyo. Handa na ho akong ipaglaban siya ngayon at suklian ang pagmamahal niya sa'kin." sinserong sabi ko sakaniya dahilan upang bumakas sa mukha nito ang gulat.

"Bakit ngayon mo lang naramdaman yan hijo? bakit ngayon ka lang nahulog sa anak ko kung kelan nagsisimula na itong umibig sa iba? Bakit huli na ng maramdaman mo ang pagmamahal na iyan?" sabi ni tita habang nanghihinayang itong nakatingin sa mga mata ko. Doon ko na lamang naramdaman ang pagpatak ng luha sa mata ko dahil sa sinabi ni tita marlyn, tila tinamaan ang dibdib ko sa sakit.

"Please tita, s-sabihin niyo na po sa'kin kung saan papunta si olivia, gusto ko ho siyang maka-usap." mangiyak-ngiyak kong pakiusap rito at lumuhod na mismo sa harap niya upang magmakaawa.

"Huli na ang lahat jeremiah, itigil mo na iyan. pahihirapan mo lang ang sarili mo." sabi nito ngunit nagpumilit parin ako at di umalis sa harap niya upang magmakaawa.

"Please po tita, kahit ngayon lang.. handa ho akong pag-hirapan ang kahit na ano man para sakaniya dahil mahal na mahal ko si oleng." sabi ko kasabay nun ang tuloy-tuloy kong pag-tangis. Nakaramdam naman ng awa para sa'kin si tita marlyn at hinawakan ang magkabilang balikat ko upang tulongan akong tumayo sa pagkakaluhod.

Starting Over Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon